DEAL EIGHTEEN

6.3K 174 16
                                    

DEAL EIGHTEEN

Nagising ako sa hindi ko alam kung gaano kahabang pag-tulog. Sumalubong sa akin ang nakakabulag na kadiliman. Madilim. Malamig at nakakabingi ang katahimikan.

“Gising ka na pala” kasabay ng tinig na iyon ay ang pagliyab ng tila ba mga sulo sa paligid. Napuno ng kahel na liwanag ang buong paligid na nagmumula sa apoy.

Isang anino ang nakita ko sa sulok ng tila ba isang silid. Dun ko lang napansin na nakahiga ako sa batong higaan.

“Nasaan ako?” tanung ko sa kanya. Ngayon sigurado na ako. Sya ang kausap ko sa kadiliman noon nung nag-aagaw buhay si Dennise.

“Maligayang pagdating sa kadiliman..”

 

 

 

Den’s

“Hindi nya magagawa yan Norielle. Sabi ni Mom may pinuntahan lang sya. Babalik sya. Hindi nyta gagawin ang sinasabi mo. At saka anong propesiya ang sinasabi mo?” tumawa ako. Yung tawang pilit na kinukubli ang takot at kabang nararamdaman.

“Nagawa na nya Michelle. At sa tingin mo ba magsisinungaling ako? Michelle anghel tayo. Kasalanan sa atin ang pagsisinungaling. Sa tingin mo ba anong klaseng kapangyarihan ang may kakayahan na ibalik ang buhay ng isang tao? Hindi ba ang ama lang? At sa tingin mo, sino pa bukod kay Ama ang may kakayahan? Ang mga demonyo, pero may kapalit. At sa kaso mo, si Alyssa ang naging kapalit ng buhay mo!”

Sabay kaming napalingon ni Norielle sa pintuan ng bigla itong bumukas.

“Totoo ba?”

“Marge..” halos naibulong ko na lang ang pangalan nya dahil sa pagkagulat ko.

“totoo ba Dennise? O mas tamang tawagin kitang Michelle ang anghel na nahulog galing sa langit?” kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Naiintindihan ko sya kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Isa sya sa pinakamatalik na kaibigan ni Alyssa. Nakakuyom ang kamay nya at palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Tricia

“Marge a-ano k-kasi.. hindi ..” wala akong mabuong salita na maaari kong isagot sa kanya.

“Sino ba talaga kayo? Anong ginawa nyo sa kaibigan ko? bakit nawawala sya ngayon? Bakit kailangang sumama sya sa Demonyo?!” sigaw nya saming dalawa ni Tricia

“Wag kang magtaas ng boses sa amin ng ganyan! Isa ka lang hamak na tao!” ganting sigaw sa kanya ni Tricia

“Nor-Tricia please wag” awat ko sa kanya dahil tumayo na rin sya sa pagkaka-upo sa kama ko.

“At bakit hindi? Dahil sa inyo wala na ang kaibigan ko. ni hindi ko alam kung bubuhayin ba sya ng Demonyong kumuha sa kanya kapalit ng buhay mo Dennise. Bakit hinayaan mong kunin sya ng mga Demonyo!” gusto ko mang mangatwiran kay Marge hindi ko magawa dahil kahit ako hindi matanggap ng pusot isip ko wala na si Alyssa dahil sumama sys sa mga Demonyo para lang manatili akong  buhay dito sa lupa.

“Hindi kagustuhan ni Michelle ang nangyari. Nagkasala sya sa Ama ng mahalin nya ang mortal na kagaya mo! Hindi mo alam kung ano ang paghihirap na dinanas nya para lang sa taong dapat patay na ngayon!”

“Tricia! Tama na!” awat ko sa kanya. Emosyonal si Tricia. Isa na rin siguro yon sa dahilan kung bakit hindi sya sa departamento namin napunta. Hindi nya kakayanin na makakita ng mga taong namamatay sa harapan nya. Tumahimik ang kwarto. Ilang sandali rin na tulala lang si Marge bago nya nagawang magsalita muli

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon