"Ahm.. pumunta ako sa bahay nila kanina. Wala eh, nadala akoㅡewan ko kung bakit." Kibit-balikat kong sagot.

Nakita ko namang ngumisi siya na parang asong ulol. "Anyways, birthday ni Kuya bukas, punta ka ah.." aniya saka kumindat. Nagtaka ako sa iniasta niya.

"Pom, wala ka sa bahay niyo kaya magtrabaho ka." Biglang singit ni Jaiden na may masungit na tono.

Napatingin ako kay Pomela na may pagtataka. She just shrugged. "May dalaw siguro haha!" Bulong niya.

"Pom!" Matigas na sabi ni Jaiden kaya agad napatayo si Pomela.

"Coming, sir!" Pasiring na sigaw niya.

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Weird! Parang may something sa dalawang to. May hindi ba sinasabi sakin si Pomela?

At ano daw? Pom? Last time I checked, ayaw na ayaw ni Pomela na tinatawag na Pom pero bakit parang wala lang sa kanya na tinawag siya ni Jaiden nun?

Ang daya!

Kung ano man ang namagitan sa kanila, malalaman ko rin yan.!

Tumayo ako at lumapit kay Pomela na nagtatrabaho na sa bar counter. "Bes, I have to go."

"Ingat ka!" Aniya na nakatingin sa ginagawa niya.

Lumabas akong bar at nagpara ulit ng taxi.

Kinabukasan

Nagising ako sa phone kong panay ang tunog.

"Hmmmm.. anong oras na ba?" Kinapa ko ang cellphone ko saka tiningnan ang oras pero ang bumungad sakin ay ang pangalan ni Pomela sa caller ID. Sinagot ko yun. "Hello?"

["Mygad, Athena! Anong oras na? Magsisimula na ang party pero andyan ka pa at nakahilata!"] Bungad niya.

Napatayo ako. Shaks! Birthday pala ngayon ng kuya niya.

"In a minute, bye!" Dali akong naligo, nagbihis at nagpabango ng bongga.

Crush ko kasi ang kuya ni Pomela, I mean.. noon hehe. Sobrang gwapo kasi ni kuya Paolo kaya nung una ko siyang nakita, nagka-crush ako agad sa kanya. Pero dahil gwapo siya, may girlfriend na siya! Ito ang araw na makikita ko ulit siya kaya kailangan maganda at mabango ako.

Nang matapos, agad akong lumabas sa unit ko at ni-lock yun. Tinext ko nalang si Amber para malaman niya kung asan ako.

Pagtalikod, napatingin ako sa kaharap kong unit. Naalala ko tuloy yung nasaksihan ko. Buti naman at hindi nakaawang ang pintoan niya ngayon dahil baka.. masilipan ko ulit siya kapag di ako nakapagpigil hehe..

****

"Eh sorry, naging mahimbing kasi ang tulog ko." nag peace sign ako kay Pomela na nakakibit-balikat at nakataas pa ang kilay sakin.

"Tsk. Pasalamat ka hinanap ka ni Kuya." Aniya na nakapagpalaki ng mata ko.

"T-Talaga? Naalala niya ako?" Tila nagningning ang mata ko.

Tinampal naman niya ang noo ko. "Shunga! Bakit ka naman hindi niya maalala? Ano yun, nagka-amnesia lang?" Napanguso ako.

"Tara! Tara, puntahan natin si Kuya Paolo." Ako na mismo ang kumaladkad kay Pomela na napailing lang.

Nang makapasok kami, halos mapanganga ako nang makita ko si Kuya Paolo. Mygawd! Ang hawt niya po! Naka-formal attire si Kuya na mas lalong nakapagpatulo ng laway ko.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now