Hanggang sa makalabas kami at nasa parking lot ay umiiyak si Zares.

"Daren, I can't.." aniya na parang bata.

Sa loob ng dalawang taon, matibay at matapang na Zares ang nakakasama ko kaya naman, nang makita ko siyang umiiyak ngayon, hindi ko mapigilang maawa. Pero masaya ako sa kanya dahil sa wakas, pinakawalan na niya si Ailee at nagmahal ulit siya.

"Wag mo ng isipin yung nangyari kanina. Naalala mo ba yung sinabi niyang hindi ka niya iiwan? Bro, nararamdaman kong mahal ka na ni Kaede kaya lang sobrang nasaktan siya ngayon so.. let's give her time." Nakatitig lang siya sakin habang sinasambit ko yun.

"I love her too.." nasambit niya na ikinangiti ko.

"I know. Magkakaganito ka ba kung hindi?" Sabi ko saka sumakay sa kotse ko. "Let's go.."

Nauna akong pinausad ang kotse at nakita kong nakasunod lang siya.

Nang dahil sa nangyari, panandalian kong nakalimutan ang nangyari sakin kanina. Buti naman..

Athena

Napanguso ako ng di ko na siya naabutan. Hanubayan! Kina-karir ko talaga ang pagiging stalker niya no?

Nang papunta ako dito kanina, nagtanong-tanong ako. Mga benteng tao ata napagtanongan ko kanina para lang mahanap ang bahay nila.

"Hija, are you really my son's girlfriend?" Kunot-noong tanong ng mommy ni Daren. Nakaupo na kami ngayon sa sofa nila.

Napayuko ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Anong sasagot ko? Sasabihin ko bang hindi, at plano lang namin to?

Baka naman sampalin ako ng mommy ni Daren at ingudngod ang mukha ko sa tiles nila kaya wag nalang.

"O-Opo.." nautal kong sagot.

Mas lalong naningkit ang mata niya. "Why do I feel that you're lying? And besides, my son's running away from you."

"Ahm, kasi po.." sht! Wrong move ata na pumunta pa ako dito sa bahay nila. Bat ba hindi ako nag-isip? ".. k-kasi po, nagtampo po siya sakin. N-Nakita kasi niya akong may kasamang iba kanina kaya.. n-nagtampo po siya. Pero wag po kayong mag-alala, ma'am, magkakaayos din po kami hehe.." Owwkkeeeyyyy! Ako ng sinungaling. Lord, patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko. Pramis po, hindi na po mauulit. Amen!

"Ows, really? Hays, bakit kaya hindi sinasabi ng anak ko na may girlfriend na pala siya. And he's possessive when it comes to you."

"Ahehe.." nasabi ko lang. "Sige po, ma'am. Magpapaalam na po ako." Tumayo ako at tumayo din siya.

"Ano ka ba, wag mokong tawaging ma'am. You're my son's girlfriend kaya naman you can call me Tita or Mommy." Ngumiti pa siya ng matamis.

"Tita nalang po hehe.." Nagpaalam ako ulit at naglakad patungong pintoan.

"Visit me next time, okay dear? Wait, hindi ko pa pala alam ang name mo. What's your name by the way?"

"Athena po.."

"Oh what a beautiful name. Bagay sa isang dyosang kagaya mo. Dalaw ka ulit dito ha?"

"I-I'll try po."

"Don't just try, do it. Bye, dear. Ingat!" Nang tuluyang nakalabas, saka naman ako nakahinga ng maluwag.

"Hoo! Ayoko ng bumalik dito, baka yung daddy naman niya ang mag-iinterview sakin." Sabi ko bago nagpara ng taxi.

****

"So, how is it going?" Excited na tanong ni Pomela. Andito kami ngayon sa bar kung saan siya nagtatrabaho.

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now