Malapit na ako sa dalampasigan. Umiiyak nga si Olga. Isinabit kong muli ang Tali ng Speed boat saka ako Dali daling naglakad palapit sa kanya.

"Iiwanan mo na naman ba ako?" malungkot na tanong ni Olga.

Napangiti ako habang umiiling. Inayos ko ang hibla ng buhok nito na tumakip sa maamo niyang mukha.

"Hindi kita iiwanan. May gagawin lang akong importante kaya ako luluwas ng Maynila. Babalik din naman agad ako. Anong gusto mong pasalubong?" nagulat ako ng tabigin ni Olga ang kamay ko.

"Kaya hindi na ako naniniwala sayo Seth! Lage na lang kasi! Lage na lang!"
saka ito nagmamadaling humakbang palayo.

"Olga!" pero hindi niya ako nilingon.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad paakyat ng Isla.

Tinawagan ko sina Rim para magbantay muna dito sa Isla nagsama din sila nang ilang Staff na babae ng Wanda's Resort. Binilinan ko Sila nang mga dapat nilang gawin. Bago ako tuluyang tumawid sa kabilang dalampasigan.

Pagdating sa Wanda's Resort agad akong sumakay ng Kotse ko. Saka ako nagmaneho paluwas ng Maynila. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Papa.

"Papa. Biyahe na po ako pa Maynila. Opo may mga kasama po siya doon sa Isla."

"Okay. Sige ingat ka Anak."

"Opo---" naputol ang sasabihin ko ng may bumanggang Motor sa Kotse ko. Masyadong mabilis ang Motor kaya medyo malakas ang impact nun kaya gumewang gewang ang Kotse ko sa kalsada saka bumunggo sa poste.

Huli kong narinig ang malakas na boses ni Papa na tinawag ang pangalan ko.

"SETHORINO ANAK?!" sigaw nito.

"P-pa-pa..." saka nagdilim ang paningin ko.

MAY MALAMIG NA hangin ang biglang umihip kaya nilipad ang hawak kong kumot katatanggal ko lang non sa sampayan para sana tupiin.

"Seth...." ito bigla ang pumasok sa isip ko. Bumagsak ang kumot sa damuhan. Humakbang ako palapit dito para kunin iyon... biglang tumulo ang luha ko saka ko napansin na ito ang kumot na dinala niya sa tuktok ng Isla para pakainin ako ng tanghalian. Dinampot ko iyon saka dinala sa dibdib ko.

"S-Seth..." mahinang hikbi ko.

Gumabi na pero wala pa si Seth. Lalo akong kinabahan. Mauulit ba ang nangyari kay Lucho? Talaga bang lagi na lang akong iniiwan ng mga taong pinapahalagahan ko.

"Miss Olga. Kain na po tayo.". tawag sa akin ng isa sa mga Staff ng Wanda's Resort.

"Mauna na po kayo. A-antayin ko si Seth. Para sabay na kaming kumain." alam kong ramdam nila na nag-aalala na ako.

"Ah... Okay po." sumunod naman ito sa sinabi ko.

Nasa Veranda ako at naghihintay Kay Seth. Gusto ko nang umiyak. Napahawak na lamang ako sa tiyan ko. Baka nagsawa na siya sa kakasuyo sa akin. Mawawala na naman yung isang taong nagpapahalaga sa akin...

Tatalikod na sana ako para pumasok sa loob ng Bahay ng may mapansin akong bulto ng tao na naglalakad palapit. Matagal ko iyong tinitigan. Ang alam ko walang ibang tao ang pwedeng makarating dito maliban lang sa mga tauhan ni Lucho at si...

"SETH!" agad akong tumakbo palapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. Narinig ko siyang tumawa.

"Wow ang higpit naman ng yakap na yan." masayang turan nito.

Isiniksik kong lalo ang mukha ko sa dibdib niya. Namiss ko si Seth. Sobra.

"Bakit andito ka sa labas mahamog na diba. Saka may mga pasalubong ako sayo."

Tumingala ako. Saka ko napansin ang mga galos niya sa mukha.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka may sugat Seth?"

Hinaplos nito ang bahagi may konteng galos. "Ah. Ito ba? Ano Kasi medyo nadisgrasya lang ng konte kaya ginabi ako ng uwi. Sorry kong pinag-alala kita ha."

"Seth? Nadisgrasya ka?" ramdam kong uminit ang magkabilang dulo ng mata ko. "Ka---pag ini---wan mo ko uli dito sa Isla magagalit na ako sayo!"

Sa halip na magalit. Mukhang tuwang tuwa pa si Seth sa sinabi ko.

"Opo. Hindi ko na po uulitin. May inaasikaso lang po ako na mga papel. Tapos bumili na din ako ng bagong Kotse." masayang sagot ni Seth.

Hinampas ko siya sa braso niya. "Hindi mo ko madadala sa pasalubong mo! Pinag-alala mo ako!"

Tinalikuran ko siya saka ako humakbang. Nahinto ako sa paghakbang ng tawagin ako ni Seth.
Pumihit ako paharap sa kanya. Mukhang natunaw ang asar ko nang makita kong nakaluhod ang Isang tuhod nito.

"Itatanong ko uli ito sayo yung tinanong ko sayo dati at sana maging positive ang sagot mo. Olga Sta.Ana. I want to spend the rest of my life with you. I know I'm not perfect but I will try my Best to be a perfect Husband and a Father to your Baby. Will you marry me?"

Ramdam ko ang bawat salitang yon ni Seth. Hindi gaya noong una niya akong tinanong na parang napipilitan lamang siya. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya ng maigi.

"S-seryoso ka ba Seth? B-buntis na ako at malapit na akong manganak. At sa ibang lalake pa tong dinadala ko"

Ngumiti ito. "Alam ko. Kaya nga tinatanong kita. Kasi gusto kong paglabas ni Baby Apilyedo ko ang dadalhin niya. Pero kung ayaw mo. Okay lang naman. Iba na lang aalukin ko----"

"SETH!" sabay pisil nito sa pisnge ko.

"Aray Olga! Masakit." reklamo ko.

Hinatak pa nitong lalo ang pisnge ko. "Aray Olga naman eh!"

"Ibang babae Pala ha! Sige tignan ko lang kung gugustuhin ka pa nila kapag lumaylay na tong mga pisnge mo!". mataray na sagot ni Olga.

Natawa ako. Mukhang nagseselos si Olga. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay saka ko inilayo ang mukha ko.

"Ang sakit naman Mama!" natatawang asar ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "Mama ka dyan! Bakit umo-o na ba ako sa alok mo ha!"

Lalo akong napangiti sa sagot niya. "Hindi pero bakit ka nagseselos?"

"Selos ka dyan Seth! Hindi ah! Umalis ka na nga lang nang Islang to at wag na wag ka nang babalik!" taboy sa akin ni Olga.

Tumayo ako habang hawak pa din ang kamay niya. "Okay aalis ako. Sabi mo e."

Humigpit ang hawak ni Olga sa kamay ko. "Seth nakakaasar ka na! Hindi na ako natutuwa sayo!"

Kinabig ko siya palapit sa akin. "Olga. Mahal kita. Sorry kung naaksidente ako kanina. Minor injury lang naman. Inantay mo ba ako?"

Tumitig siya sa akin at tumango. Napangiti ako. Nilagay ko ang kanan niyang kamay sa kaliwang dibdib ko.

"Nararamdaman mo ba? Ikaw lang ang nakakapagpabilis ng tibok niyan. Alam ko na Babaero ako at marami na akong naikama. Lahat sila pinaligaya ako... Pero pang Isang gabi lang silang lahat. Alam mo ba kung bakit?"

Umiling si Olga.

"Dahil Ikaw pala ang inaantay nito.". maslalo kong idiniin ang kamay niya sa dibdib ko.

She gulped. "S-Seth... baka magsisi ka bandang huli na ang ako pinili mong pakasalan."

"Bakit naman Olga?"

Pumikit si Olga saka dinama ng palad niya Ang dibdib ko. "Dahil buntis ako."

Tumawa ako nang mahina. "Hindi problema yon. Mamahalin ko ang batang yan na parang tunay kong Anak pero gusto kong ipakilala natin sa kanya kung sino ang tunay niyang Ama. Pwede ba iyon. Olga?"

Kagat labi siyang tumango at inilahad ang kaliwang kamay. Napatitig ako sa kamay niyang iyon.

"Oo. Sethorino Cru."

"Olga?" saka ko nilagay ang sing sing sa maliit niyang daliri. Pakiramdam ko kumpleto na ang Buhay ko. Nahanap ko na ang Babaeng magiging Tahanan ko...si Olga.

My Silent Prayers Where stories live. Discover now