CHAPTER SEVEN

202 15 5
                                    

Masakit ang ulo ko. Grabe hindi na ako sanay uminom ng Red horse ah. Si Kuya Santiago kasi e. Minamasahe ko ang magkaibang sintido ko saka ako tumayo para magtimpla ng kape. Mamaya ko na lang aayusin ang kama ko. Kelangan ko muna ng pangtanggal nang hung over.

Nasa kusina na ako at inaantay na uminit ang Brewed coffee. Sumagi na naman sa isip ko si Olga. Siya kasi ang nagtimpla ng kape ko sa loob nang dalawang araw. Isinalin ko agad yon sa tasa.... kumuha na rin ako ng Loaf bread sa Kitchen cabinet ko at isang garapon ng Mayonnaise saka ako umupo sa two seater dining table ko. Natawa ako habang naglalagay ng palaman sa tinapay na hawak ko masyado itong maliit kaya hindi magksaya ang mga niluluto ni Olga ah bibili ako ngayon ng masmalaki dito saka bibili na din ako ng mga damit niya para pagkinuha ko na siya sa Laguna Hindi na tatlong pirasong damit ang isusuot niya.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang Sekretarya ko.

"Hello Myla. Hindi ako papasok ngayon ilagay mo na lang sa Desk ko yung mga kelangan kong pirmahan ha. Tapos yung Meeting ko sa Textile Company paki-move mo next week may mga aasikasuhin akong importanteng bagay."

"Noted po Sir Seth." ibababa ko na ang tawag ko nang magsalita uli si Myla. "Sir may pumunta po ditong Babae kanina pa po siya nasa Opisina nyo."

Nangunot ang noo ko. "What? Nagpapasok ka ng kung sinu sino sa loob ng Opisina ko? Myla naman. Paalisin mo. Sabihin mong may inaasikaso akong importante."

"O-okay po Sir----"

"Wait! Nakuha mo ba ang pangalan nung Babae?" tanong ko.

"Yes Sir. Si Miss Pamela Gomez po."
sagot nito.

Ano na namang kelangan ng isang yon. Malinaw ko naman atang sinabi sa kanya na wala nang kasunod yung ginawa namin.

"Sir?" pukaw sa akin ng Sekretarya ko sa kabilang linya.

Umiling ako. "Paalisin mo. Kung magmamatigas tumawag ka nang Security."

"E Sir Girlfriend nyo daw po siya e baka po magalit kapag pinaalis ko." katwiran nito.

"Hindi ko siya Girlfriend at lalong hindi ko siya pinangarap na maging Girlfriend. Okay tutal ayaw niyang umalis o di sige hayaan mo siyang langawin diyan basta magpadala ka ng Security sa loob mismo ng Opisina ko. Maliwanag ba."

"Yes Sir!" saka ko binaba ang tawag.

Ang kapal nang mukha ng Babaeng yon ah. Talagang ipaglalandakan niyang Girlfriend ko siya. Hay ilalagay ko siya sa Lugar niya kapag nagkita uli kami! Sa ngayon may mas-importante akong dapat gawin.

"SIR, MAGANDA PO ANG isang yan. Ang swerte naman po ng Girlfriend nyo Sir!" may pagkataklesa din pala ang ilan sa mga Empleyado ni Tito Primo.

Tinitigan ko ito saka ako ngumiti. "Excuse me Miss pero hindi ko Girlfriend ang pagbibigyan ko niyan."

Mukhang lalo itong naexcite. "Wow! Ang sweet nyo naman kung sa Sister nyo po iyan ibibigay."

Tumaas ang isang kilay ko. "Miss. Kay Misis ko ibibigay lahat ng mga ito. Magbalot ka na lang diyan pwede. Minsan hindi maganda ang masyadong mausisa at madaldal lalo kung hindi mo kilala yung taong kaharap mo." saka ko nilabas ang Credit card ko.

Nanlaki ang mga mata nito saka di makapaniwalang napatitig sa akin at alanganing ngumiti.

"S-sorry po Sir."

"It's okay. Matagal pa ba yan?" tanong ko dito habang inaantay ang mga pinamili ko.

"Mister Cru ito na po ang Credit card niyo. Saka ito na din po yung mga pinamili nyo. Pa-pasensya na po kayo."  bahagya pa itong yumuko.

"Salamat."   kinuha ko ang anim na Paper bag na punung puno ng mga damit. Saka ako nagtungo sa Furniture Shoppe.

Nakilala ako ng Manager kaya ito mismo ang umasikaso sa akin. Pumili ako nang bagong mesa yung Six seaters at made of Narra para masmatibay. Ipinahanda ko na iyon.

"Pakideliver na lamang iyan sa address na ito. Kahit mamayang 3:00pm nyo na ideliver. May pupuntahan pa kasi ako."

"Okay po Sir Cru." sagot ng Manager.

Saka ako naglakad palabas nang Shop  Sunod kong pinuntahan ang Bookstore... bibili ako nang mga bagong Sketch pad at Notebook para kay Olga. Kumuha din ako nang mga Pangkulay, Lapis at Marker. Saka ako pumila sa Counter.

Kumpleto na ang lahat kaya naglakad na ako papuntang parking lot. Bukas ko na susunduin si Olga!

MAAGA AKONG GUMISING naligo  ako agad saka ako nagtimpla ng kape. Inubos ko muna iyon bago ako lumabas ng Unit ko. Maaga ako para kahit trapik hindi ako gabihin sa pagsundo kay Olga.

Habang nasa daan nakakita ako ng isang Flower shop. Huminto muna ako saglit saka ako bumaba ng Sasakyan ko at pumasok dito. May nakita akong Pink roses ang ganda parang si Olga lang na medyo kulay Pink ang pisnge lalo kapag iiyak siya.

Kinuha ko iyon saka dinala sa Counter.

"Sir baka gusto niyo din pong dagdagan nang cute na Teddy bear namin yang Flowers po." nakangiting suggestions ng Kahera.

Pumili ako ang medyo Light brown na kulay at may Red ribbon sa leeg. Saka ko iyon ibinigay sa Kahera.

"Two Thousand po lahat Sir kasama na po ang Stuff toy." Nakangiting turan nito.

Kinuha ko ang Wallet ko. Kumuha ako mula roon nang Two Thousand Five Hundred. Saka ko iyon ibinigay sa kanya.

"Sir? Two Thousand lang po.". nakangiting ibinalik nito sa akin ang Five Hundred peso bill.

"No. It's your tip. I like your Service. Keep it you deserve it." nakangiting sagot ko saka ko kinuha ang bulaklak at Teddy bear at lumabas nang Shop nila at nagtungo sa Kotse ko.

Mahaba habang biyahe to. Ipinatong ko sa Passengers seat ang dala kong Bulaklak at Stuffed toy.

PINAPASOK NAMAN ako nang Guard na nagbabantay sa Gate nila Don Manuel. Malayo pa lang ay may nakita na akong pamilyar na Sasakyan. Kotse ni Arizze. Baka may Business proposal siya kaya andito siya.

Bumaba na ako ng Kotse ko at naglakad papuntang pinto. Narinig ko agad ang malakas na tawa ni Olga? Wow ang cute nang tawa niya hahakbang pa sana ako nang marinig ko ang boses ng isang lalake. Si Arizze. Nagkuyom ang mga kamao ko.

"O diba napatawa din kita. Ikaw lang kasi ang walang bilib sa akin e." boses yon ni Arizze... ano kayang ginagawa nila.

Sumilip ako sa Sala nila. Pareho silang nakatalikod sa akin. Magkatabi silang dalawa habang nakahimlay ang braso ni Arizze sa sandalan ng Couch.

Nagtiim ang bagang ko ng lalo pa siyang lumapit kay Olga saka niya ito inakbayan. Dadaliin lang niya si Olga para makaganti sa akin. Loko kang Arizze ka! Naglakad ako palapit sa kanila. Pareho silang nagulat ng bigla akong sumulpot sa harapan nila.

Ngumiti ako. "Hi. Olga. Flowers for you at itong Stuffed toy. Hope you like it."

Nakatitig lamang sa akin si Olga para siyang nagdalawang isip kung kukunin ba niya o hindi.

Tumawa si Arizze.  "Naku Seth mukhang hindi siya mahilig sa mga ganyan."

"Shut up. Arizze." singhal ko dito.

Lalo itong tumawa. Saka siya umakbay kay Olga.... nakita ko ang pagkabigla nito kaya hinawakan ko ang kamay ni Arizze saka iyon pinilipit para maialis sa balikat ni Olga.

Tumayo si Arizze.

"Anong problema mo Seth?" pasinghal na tanong nito sa akin.

"Ayusin mo yan kamay mo kung ayaw mong putulin ko yan. Ulitin mo pang akbayan si Olga. Sasamain ka sa akin."

"Hinahamon mo ba ako ha!". sabay tulak nito sa akin. Agad na pumagitna sa amin si Olga saka ito yumakap sa akin. Pareho kaming natigilan ni Arizze. Napangisi na lamang ako sa kanya. Umiling lang ito saka umalis.



My Silent Prayers Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu