CHAPTER FOUR

186 10 8
                                    

WARNING⚠️
Some scene and language are not suitable for young readers. Parental guidance is advice or just skip the part na merong SPG. Sorry po kelangan sa scene. Thank you😁😁😁

---------------------

Naglaba agad si Olga pagdating namin sa Condo. Isinama din niya ang mga labahan ko.

"Olga. Wag mo nang labhan ang mga damit ko. Pwede naman natin yang ipa-laundry." pero umiling lang siya.

"Oo nga Pala nakalimutan kitang bilhan nang mga damit. Tara punta muna tayong Mall." aya ko kaso umiling siya sa lahat ng Babaeng nakilala ko siya pa lang yung tumangging bilhan ko ng kahit ano... Kung sino pang mapapangasawa ko siya pa yung napakatipid.

"Tatlo lang ang damit mo Olga. Nakita ko sa dala mong Bag."

Tumango ito saka naglakad. May kinuha siya sa Buddy bag niya yung Sketch pad niya at Marker saka siya nagsulat.

'Ayos lang ako sa mga damit ko paborito ko kasi itong mga damit ko... Ito kasi yung regalo sa akin nina Papa at Mama nung Birthday ko kaka-Fifteen ko lang non.'

"Ganun ba?" tanging sagot ko. Napakasentimental naman pala ni Olga.

"Ummm. Olga. Mamaya aalis ako. May lakad kasi ako. Kaso Hindi kita pwedeng isama. Saka safe naman dito sa Condo ko. Ipagbibilin ko na lang sa Guard na wag magpapaakyat sa Unit ko ng mga bisita."

Mataman lang akong tinitigan ni Olga saka siya nagsulat.

'Tungkol saan ang lakad mo Sethorino?'

Naku parang nagi-guilty naman ako sa isasagot ko pero ganito talaga ako e at kung gusto niyang makasal sa akin kelangang tanggapin niya ako at kung sino ako.

"Ummm may Date kasi ako." tanging sagot ko.

Ibinaba ni Olga sa mesa ang Sketch pad niya pati Marker saka siya nagtungo muli sa Laundry area ng Unit ko. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko kasi yon yung totoo.

Lumapit ako sa kanya. "Olga alam mo naman diba na ipapakasal lang tayo ng Lolo mo at Papa ko. Saka Wala namang namamagitan sa atin diba so tingin ko may karapatan pa rin akong gawin yung mga nakasanayan ko tama."

Huminto siya sa pagsasabon ng mga damit namin saka siya tumango at nag-thumps up. Hahakbang na ako ng mapansin kong nagpahid siya ng mukha niya. Umiiyak ba siya? Ah. Wala namang masamang mangyayari sa kanya Dito sa Condo ko eh. Saka ako iiling iling na naglakad.

Nagluto na ako nang hapunan habang nagsasampay si Olga nang mga nilabhan niyang damit. Tingin ko maslalo siyang naging tahimik simula nung nagpaalam ako sa kanya.

"Olga. Nakaluto na ako at nakasaing na rin. Wag mo na akong hintayin ha. I-lock mo lang ang pinto. Sige aalis na ako baka matrapik pa ako e." inantay ko siyang magpakita mula sa pinto pero kamay lang niya na naka-thumps up ang nakita ko.

"Sige alis na ako." saka ako nagmamadaling lumabas ng Unit ko.

MAAGA AKONG nakarating sa Blue Club kaya nag antay muna ako sa bar counter. Excited na akong makita si Pamela. Sakto may baon akong proteksyon ngayon. Tumunog ang cellphone ko... nagmessage si Pamela na nasa VIP room daw siya sa second floor ng Club. Ininum ko muna ang laman nang hawak kong shot glass saka ako tumayo at naglakad papuntang hagdan.

Ito ang Buhay na gusto ko yun bang malaya at masaya. Kaya ayaw ko pang mag-asawa. Isa pa hindi ko mahal si Olga. Pakakasalan ko lang siya para maging tagapag-alaga lang niya ako. Huminto ako sa tapat ng Room number na nasa message ni Pamela. Kumatok ako at bumukas yon. What the fuck! She was so damn sexy!

My Silent Prayers Where stories live. Discover now