From: Unknown Number

Baby, i miss you already. Kailan ba tayo pwedeng mag kita? :(



I smiled, it's Abacceus. His number isn't saved since nag iingat kaming dalawa.



To: Unknown Number

Tomorrow, maybe. Marco was out of the country, kakahatid ko lang sa kaniya sa airport. Otw na ko sa bahay ng parents ko, doon ko balak mag stay.




From: Unknown Number

Nasaan ang i miss you too ko?



To: Unknown Number

I missed you too, baby😙




Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong nakita ang bunsong kapatid ko na lalaki na si Karylle, nag didilig siya ng halaman, napangiti ako ng lumapit siya sa akin at yumakap. "Namiss kita, ate!"





"Namiss din kita, Rylle. Nasaan si Mama?"





"Umalis si Mama, ako at ang ilang kasama lang natin sa bahay ang naiwan. Pasok tayo, ate. Dito ka ba matutulog? Balita ko, umalis daw si Mayor?" tipid na ngumiti ako at tumango, "Oo, hinatid ko siya sa airport kanina," ani ko.






Pagkapasok namin sa bahay ay magkatabing umupo kami sa sofa, nagpasalamat naman ako kay Ate Linda na dinalhan kami ng iced tea at cookies.






"Ate, pwede bang sabihin mo sa akin ang mga nangyayari sa loob ng bahay niyo? Ate, noong huling uwi mo dito sa bahay iyong damit mo may mga matsa at dugo, sabi mo iyon ang suot mo noong nag garden ka. Hindi naman ako tanga, ate," natigilan ako sa pag kagat ng cookies at napatingin sa kaniya, iyon ang araw na tumakas ako sa bahay ni Marco.







Nag garden ako dito sa bahay, pero hindi ako dito nasugatan. Ang mga sugat at pasa ko, bigay iyon ni Marco.






"Ate, sagutin mo naman ako. Sinasaktan ka ba niya?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "Karylle, mangako ka sa akin . . ." ani ko, tumango siya at inosenteng tumingin sa akin.






Huminga ako ng malalim bago mag salita.






"S-Si Marco, simula pa noong unang beses na ikinasal kami—" hindi na ako natapos ng bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok ang Mama, doon natuon ang atensyon naming dalawa ni Karylle dahil nandoon ang hindi ko inaasahan na lalaki.






Abacceus!







Nanlalaki ang mata na tinignan ko ang nakangiting si Abacceus na may buhay ng isang malaking Supermarket Grocery Paper Bag na naglalaman tiyak ng mga pagkain, "Diyos ko, buti na lang talaga at dumating itong si Mr. Cooper dahil kung hindi baka napahamak na ako!"







Dinaluhan ko si Mama, "Ano pong nangyari, Mama? Ayos lang po ba kayo?" nag aalalang tanong ko sa kaniya, "Muntikan na kasi akong maaksidente kanina, buti na lamang at tinulungan ako ni Mr. Cooper at nag offer siya na ihatid ako rito sa bahay. Maayos naman ako, hindi naman ako nagalusan," sagot niya.






Nilingon ko si Abacceus na ngayon ay diretsong nakatayo habang ang mga mata ay nasa akin, "Salamat. . ."






"Your welcome, i'm glad your Mom is fine. Mauuna na po ako, may trabaho pa po kasi ako eh," akmang tatayo si Mama ng pigilan ko siya, "Ako na po ang mag hahatid sa kaniya sa labas, Ma . . ."







Sabay na nag lakad kami ni Abacceus hanggang sa makarating kami sa kotse niya.






"Thank you, Abacceus. . ." ani ko at hinarap siya, "Your welcome, baby. Nabigla ako, hindi ko inakala na siya pala ang Mommy mo," napangiti ako, ". . . Hindi nga ba? Baka para-paraan ka ah," biro ko, natawa kami parehas.






"Kareen?"





"Hmm?"





"Is it safe here?" napakunot ang noo ko, biglaan akong napaisip at bahagyang tumango.





A smirk flashed on his face, "Then, let me kiss you . . ."





Bago pa ako makasagot ay sinakop na ng labi niya ang labi ko, sa una ay nagulat pa ako ngunit ilang sandali lang ay natauhan rin ako at tumugon sa matamis, marahan at masarap na halik niya.






"Ate, anong ginagawa niyo?"







S W E E T D E N

Billionaire Bachelors: Abacceus Cooper [COMPLETED]Where stories live. Discover now