The Visit

1 0 0
                                    

I was panting for air nang makalabas ako sa kwartong pinanggalingan. Malakas ang kabog ng dibdib ko, habang pawisang nagpapalinga-linga sa madilim na paligid. Pero kung tutuusin ay hindi naman ganun kadilim, ngunit hindi pa din iyon sapat upang makita ko ng malinaw ang paligid.

Mabilis akong tumingin sa kaliwang bahagi ng hallway nang may marinig akong kakaibang tunog. Hula ko ay nagmula iyon sa isa sa mga kwarto ng mansiyong ito. Mga papalapit na yapak. Palapit ng palapit ito sa kinaroroonan ko kaya mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko. Nagsimula na din akong maglakad ng walang ginagawang ingay, hanggang sa ang lakad ko ay naging takbo na.

Iniiwasan kong huwag pumasok sa kahit saang kwarto dahil ayokong mangyari ulit ang kanina. But my attacker or whatever that thing is, left me no choice. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok at magtago sa isang kwartong nakabukas. Mabilis akong lumapit at nagtago sa ilalim ng maalikabok na kama.

I also know that it's not a very safe hiding place, bit what can I do? Itong kama lang ang nandito na pwede kong pagtaguan, aside from the shelves na sobrang daming mga Manila. At siguro, kung maaliwalas pang tingnan ang nga kanilang ito, matagal ko na siguro silang nilagay sa sako. But no, kahit isa ay wala akong nakitang doll na maganda ang hitsura.

They were creepy gothic looking. They have the face that could haunt you in your deep sleep. Voodoo, wishing dolls, with stitches, wala nang mga mata ang iba, and those with an eerie smiles. Nandito lahat sila.

Iniwas ko ang tingin doon nang makita ang isang pares nang paa sa hamba ng pintuan. Tuluyan itong pumasok sa kwarto, at base sa galaw ng mga paa niya, sigurado akong may hinahanap siya. And for sure, 'its' looking for me.

Triple na ang kaba ko nang huminto siya sa tapat ng kama. Mas lalo pa akong nagsumiksik sa gilid upang hindi siya makakita ng anumang bakas ko, kung meron man.

Napamura ako sa isip ng makitang may maliit na bagay na nahulog muka sa katawan niya. Nakatapat pa ito sa akin.

It was a keychain. A bell keychain, to be exact. Napadasal nalang ako ng di-oras ng makita ang unti-unti niyang pagyuko.

Isa...nanatiling mulat ang dalawang mata ko habag nag-aabang sa mga sumusunod na mangyayari.

Dalawa...nagtaas-baba na ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba at takot. Nahihirapan na din akong huminga.

Tatlo!

Kasabay ng pagyuko niya ay naramdaman ko ang kirot sa aking pisngi. Nagising na ako galing sa masamang panaginip. 'Salamat naman'.

Pero sinong walang hiya ang sumampal sakin!? Lumingon ako sa kaliwa at doon ko nakita ang aking  ina na alalang nakatingin sa akin. Nagsimula na siyang magtanong kung ano daw ba ang napanaginipan ko, dahil ilang minuto din ang inabot bago niya ako magising.

Hindi ko isinalaysay sa kanya kung ano ang nangyari, kaya laking pasasalamat ko din dahil pinalampas niya. Binilinan niya din akong maligo at maghanda para sa darating na bisita namin ngayon. Wala naman siyang nasabi kung sino. Hindi din naman ako interesado.

Naligo na din ako at nagbihis, kagaya ng sinabi niya. Bumaba na ako, only to know na dumating na pala ang bisita ni Mama. They were talking about something. Hindi ko din maaninag ang mukha niya mula sa aking kinatatayuan, dahil nakatalikod siya.

My mother called me at sinabihan akong pumunta sa gilid niya, na malugod ko namang ginawa. Eksaktong naka-upo ng may marinig na munting tunog. Kaagad na dumako ang tingin ko sa hawak niya. It's a keychain. A bell keychain. Parehas na parehas sa nakita ko sa panaginip ko.

It was black in color, with silver intricate designs. Maliit lang siya. Muli na naman niyang ginalaw ang kamay kaya tumunog ito ulit. Mariin ngunit palihim kong naipikit ang aking mga mata ng marinig ko ang tunog nito.

"By the way, this is my daughter, Vivaque" I heard my mother said, ngunit nanatili akong nakayuko. "Vi, this is our new neighbor, Mr. Raiden." nag-angat ako ng tingin sa kanya, at nang magtama ang aming mga mata.. kusang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ng makita ang ngiting ibinigay niya sakin.

'Creepy...'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ElementsWhere stories live. Discover now