CHAPTER 15 : CALL

3 1 0
                                    

CHAPTER 15 : CALL

"Kumain ka na." ani Fitch at sinulyapan ako sa kaniyang tabi. He's still working with the profiles of the three.

"Sabay na lang ako sayo." saad ko at inabala ang sarili sa phone ko. Hindi ko naman siya matutulungan sa ginagawa niya dahil wala naman akong alam roon.

"Mauna ka na. Tatapusin ko pa to. Ayokong nagugutom ka."

Wala naman akong magawa dahil iyon talaga ang gusto niya. Lumipat ako ng upo sa sofa. Lumamig na rin ang dalang pagkain ni Quill. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya. Abalang abala parin ito sa ginagawa.

"Hindi ka pa ba nagugutom?." tanong ko rito.

Umiling lang siya. Pero malalim na ang gabi. Wala rin akong maalalang kumain na siya. Sinasabi naman niyang hindi pa siya gutom. Siguro ay humihilab na ang tiyan niya kaso mas binibigyan lang niya talaga ng importansya ang trabaho.

"Kumain ka nga kaya muna." suhestiyon ko.

"Tatapusin ko lang to."

Tumayo ako at nilapitan ito.

"Masamang magpalipas ng gutom." sabi ko at inilahad sa kaniya ang kutsara na may laman ng pagkain. Saglit niya iyong tinitigan bago ibinuka ang bibig.

Umupo akong muli sa kaniyang tabi habang siya naman ay nakangiting nakatitig sa akin.

"Ang childish mo." saad ko at pinisil ang kaniyang ilong.

Balak ko sana siyang subuan habang nagtatrabaho ito pero sa huli wala naman siyang ginawa kung hindi ang titigan ako at magpasubo lang sa akin.

"Erica?."

"Hmm." mula sa pagliligpit ng mga pinggan ay napalingon ako sa kaniya. He motioned me to come closer. "Why?."

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ng sa kaniya.

"Could you promise me one thing?."

"Ano naman iyon?."

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Whatever we will do. Let's do it together."

"Of course. Hindi na ako aalis sa tabi mo." saad ko at hinalikan ang kaniyang noo.

"But you need to promise me the same thing , okay?."

He nod and went on kissing my hand.

"Magpahinga ka na.  It's late."

"What about you?."

"May gagawin pa ako." sagot niya

"Then I'll stay here. Magkasama diba?."

Bumutunghininga siya at tumayo.

"Fitch!." tili ko ng kargahin niya ako papasok sa kwarto. Pinahiga niya ako at kinumutan.

"I'll sleep with you after I finish the work but you need to rest now." aniya at hinalikan ako bago pinatay ang ilaw. "Good night."

"Fine. Wala naman siguro akong magagawa?." ngumiti siya at inalis ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ko.

"I love you." saad niya

Ngumuso ako. Mahina siyang natawa at yumuko para halilkan ako.

"I love you too."

Tiningnan ko na muna ito hanggang sa makalabas ng kwarto bago ipinikit ang mga mata ko.

Mag-uumaga ng magising ako. Wala parin sa kwarto si Fitch. Bumangon ako at lumabas. Nadatnan ko ito na abala parin sa kaniyang kompyuter. Hindi niya namalayan ang paglapit ko. I hug him from the back and rest my chin in his head. Napatingin siya sa akin.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon