CHAPTER 2 : MARRY ME

11 1 0
                                    

CHAPTER 2 : MARRY ME

"His results are so far good. Unti unti na siyang nababalik sa sarili niya. Pero kailangan parin siyang manatili sa rehabilition center para mas matutukan pa ito at masigurong paglabas niya ay tuluyan na siyang magaling."

I observe how her face become weary. Ina ito ng isa kong pasyente na nasa rehabilitation parin.

"Kailan po ba siya makakalabas?."

"I'm not sure. Kung tuloy tuloy ang pagiging maayos nito , he could be released earlier than the expected time. Pero kung magbago ang performance nito at magpapakita parin ng hindi maayos na takbo ng isipan , he will remain inside. Let's just pray , he'll be okay in time."

Matapos magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa anak at kalagayan nito ay nagpaalam na rin siya. I was busy looking over my patients file when someone knock. Hindi na ako nag-abalang tingnan iyon at baka ka-trabaho ko lang o baka si Clara.

"Busy?."

Natigil ako sa ginagawa nang marinig ang pamilyar na boses. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakumpirma kong tama ang hinala ko. Nakatayo ngayon sa harap ko si Fitch. In his hands is a bouquet of roses and tulips. Halatang kakapitas lang ng mga ito at naamoy ko pa ang bango.

"For you." aniya at inilapag sa mesa ang bulaklak.

"P-para sa akin?."

"Yeah." tipid niyang sagot.

"Thank you."

Bigla akong nailang nang hindi na nasundan ang pag-uusap naming dalawa. Silence took over. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin o sasabihin sa ngayon.

"W-why are you here , though?." basag ko sa katahimikan.

"Sinabi ko na sayo noong nakaraan." sagot niya.

Sinabi na niya? Ang alin? Wala naman akong maalala.

"Hindi mo naalala?." tanong niya ng mapansin ang pagkakunot ng noo ko. Iling lang ang nagawa ko.

"Nanliligaw ako diba?." Tumaas ang dalawa kung kilay.

Naalala ko naman agad ang mga eksena namin noong nakaraang araw. Nagpumilit rin itong lumabas na sa hospital at pag-iisipan pa raw nito ang panliligaw sa akin.

"Naalala ko na. Pero may trabaho ka ngayon diba?." sumulyap ako sa relo ko at wala pang tanghali.

"I have an surveillance just around here. Sumaglit lang ako."

"Hindi mo kailangang pagsabayan ang trabaho at panliligaw mo. Pwede namang kapag weekend na lang o free time mo. Ayokong maging karibal sa career mo."

"I don't care." sabi niya at kaswyal na naupo sa patients chair hindi kalayuan sa mesa ko at pinag-aralan ang kabuuan ng silid.

I notice how his eyes glowed upon noticing the picture frame hang in the wall. Larawan naming lahat iyon kasama na si Riley.

Habang abala siya sa paligid hindi ko naman maalis ang mga mata ko sa kaniya. He's a drug to my system and my addiction as well.

"Baka matunaw ako sa titig mo." mabilis akong nag-iwas ng tingin ng mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya.

"H-hindi ka pa ba aalis?." pag-iwas ko sa topic. Nagkunwari na lang akong nag-abala sa mga files sa harap ko.

"Let's have a lunch first."

"Hindi pa lunch time. Masyado kang maaga."

Kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang saya na nararamdaman.

The Lies Between Us (Elite Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon