Hanggang sa nagdatingan na ang mga kasam aniya na sina Eleanor at Geneva. May mga ilan ding mga kasama at mukhang kukuha na rin ng cart. Si Esmael lang kasi ang naglalagay sa cart at mukhang wala itong katulong. Kaya nagpa-iwan na lang siya at hindi na bumalik sa loob.

  

  “Baka mapagalitan ka. Bumalik ka na roon, kaya ko naman dito.” Napaangat ng tingin si Esang kay Esmael nang bigla na lamang itong magsalita.

  

  Pero kahit anong pilit nito sa kaniya ay hindi siya mapapaalis ng lalaki. Nakahanda na rin siya sa kung ano ang magiging resulta ng pangyayari na iyon.

  

  “Tutulungan na kita, wala naman halos ginagawa roon sa loob. Saka marami naman akong mga kasama. Ikaw mag-isa ka lang dito,” sagot niya, dahilan para mapatigil naman si Esmael sa kaniyang ginagawa.

  

  Napatingin siya kay Esang habang abala ito sa paglalagay ng mga can goods sa cart. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na mas mahulog pa sa babae. Ganito ba talaga ito? hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili na mas mahulog pa siya sa dalaga. Pilit na nga siya umiiwas kay Esang pero nilapitan naman siya ng kaniyang Kuya Haven saka pinilit na samahan ang nobya nito. Kung alam kaya ng kaniyang Kuya Haven na nahalikan na niya si Esang ng dalawang beses ay magagalit ito? pero hindi naman iyon mangyayari, takot lang niya na baka siya ang patayin ng kaniyang pinsan.

  

  Nakita na niya ito noon kung paano magalit, saka wala na siyang pamilya. Tanging ito na lang ang nagpapakita sa akniya ng importansya kaya hindi niya iyon sasayangin. Kakalimutan na lamang niya ang nararamdaman para kay Esang, pero hindi niya alam kung paano. Lalo na at kasama na niya simula sa araw na iyon palagi ang babae.

  

  Ipinaling na lamang niya ang kaniyang atensyon sa ginagawa at pilit na iniignora si Esang na malapit lang sa kaniya. Baka mamaya, kapag susundin niya lang ang puso niya ay baka ano pa ang magawa na naman niyang mali sa babae. Mabait pa rin ito sa kaniya sa kabila ng kaniyang mga nagawa, at hindi niya iyon pagsasamantalahan. Nagising na siya noong isang araw nang umiyak ito dahil sa kagaguhan niya. Labis nag pagsisisi niya noon at napatanong kung bakit niya iyon ginawa?

  

  Hindi niya kasi maiwasan ang magselos lalo na sa tuwing binibigkas na lang ni Esang ang pangalan ni Haven. Nandidilim talaga ang paningin niya at hindi na niya alam kung ano ang magagawa. Pero hindi niya pinagsesehan ang paghalik kay Esang, iyon na lang nag babaunin niyang magandang alaala.

  

  ***

  

  “Sama ka na sa amin, Esang!” anyaya ni Eleanor kay Esang nang mag-break time na silang lahat.

  Medyo alanganin pa ng mga oras na iyon si Esang, napatingin siya kay Esmael na papalabas na rin ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit nag-aalala siya para sa lalaki. “May isasama sana akong kaibigan, okay lang?” tanong niya kina Geneva at Eleanor.

  

  

  Ngumiti naman si Geneva at mukhang alam na nito kung sino ang tinutukoy ni Esang. ‘Naku, ayos lang, Esang. Dali yayain mo na ang bf mo at baka mapuno iyong resto na suki na naming.”

  

  Tumango-tango naman si Geneva bilang pagpayag nito. Kaya wala nang hinintay pang oras si Esang at agad na lumapit kay Esmael. Nagulat naman ang lalaki sa biglaan niyang pagsulpot sa harapan nito.

Descendant of a RoseWhere stories live. Discover now