Chapter 3

40.8K 615 14
                                    

SHE sighed in dissapointment. This is really awkward for both of them.

Hindi niya alam kung kailan at kung paano sila naka-balik sa hapag kasama ng dalawang matanda na panay pa rin ang kuwentuhan mukhang hindi nga mauubusan ng topic ang mga ito daig pa ang mga babae sa kadaldalan.

Hindi na siya magtataka kung bakit close na close ang tatay niya at ang tatay ni Greg marahil magka-sosyo ang mga ito sa negosyo o matagal ng mag-kaibigan.

Kung ganon man bakit hindi niya agad nalaman? Sana noon palang kilala na siya ni Greg. Hindi yung ngayon na biglaan pagkatapos fiancè pa niya ito agad-agad.

Isusumbong talaga niya ang tatay niya sa nanay niya pag nakauwi iyon galing boston. Speaking of babae, alam kaya ng nanay niya ang tagpong ito?

Alam kaya ng nanay niya na may fiancè na siya o baka naman tatay lang niya ang nagplano nito at ang tatay ni Greg? Umikot ang mga mata niya sa isipin na iyon.

Sigurado siyang alam ng nanay niya pero sana naman hindi dahil kung alam din ng nanay niya iisipin niyang pinagtulungan siya ng mga ito para lang na hindi siya pumili ng kung sinu-sino lang na lalaki sa bar.

But thank god, ang gandang lalaki ang napili ng mga magulang niya para sa kanya-and he's my type of guy.

"Hija, anong iniisip mo?" nabalik siya sa katinuan ng marinig ang tinig ng ama.

Sinulyapan niya ito at pilit na nginitian naiiyak na siya kaya ba niyang sabihin dito na nagusap sila ni Greg at ayaw sa kanya ng binata? Sinipat niya ang relong pambisig.

Bahagya siyang nangiti ng makita sa kanyang wrist-watch kung anong oras na, papayagan naman na siguro siya na mag-explore ng tatay niya sanay na ito sa kanya.

"Dad can I go first?" tanong niya sa malumanay na tinig kailangan niyang magbait-baitan para payagan siya.

Tatawagan nalang niya isa sa mga kaibigan niya para sunduin siya at sana makisama sa kanya ang mga ito.

Mga kaibigan lang talaga niya ang makakausap niya sa ngayon kahit pa na minsan ay hindi seryoso kausap ang mga iyon ay may sense naman pag nagbibigay ng payo.

Mabibigyan nga ba siya ng payo ng mga kaibigan niya? Hindi siya maka-iyak sa harap ng dalawang tanders ngayon kahit kay Greg na tahimik lang na nakaupo sa inuupuan nito na muling kumakain.

Nagsisimula pa lamang siyang kiligin kanina ay ngayon ito. Sinaktan agad siya ng binata dahil sa sinabi nito sa kanya.

She tsk-ed and rolled her eyes, paraan lang nito ang kunwaring busy sa pag-nguya.

lecheng paminta!

Sa akto nito ay tila walang nangyari na paguusap sa pagitan nila kanina.

Nakakainis isipin na may inamin sa kanya ito. Hindi niya napaghandaan.

Sana man lang binalaan siya na maghanda kung sakali na may aaminin sa kanya ito. Hindi naman niya inaasahan.

Dapat ba siyang maniwala? This is funny right? This is a joke.

Niloloko lamang siya ni Greg gusto lang nito na matulad siya sa mga naging fiancè nito na mai-dispatsya kagaya niya.

Greg wants her to surrender at yon ang hindi mangyayari kung totoo man na isa itong paminta. Hahanap siya ng sintomas na ganoon nga ang binata

But she will never going to surrender. Hiyas lang niya ang isusuko niya sa lalaking ito. Bastos!

Gagawa siya ng paraan maging lalaki lang ito. Seducing her fiancè was the best ever idea.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now