When Will I Ever Be (One Shot)

11 2 4
                                    

Valentine's Day

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang tilian ng mga estudyante, Valentines Day kasi at meron nanaman sigurong lalaking nag confess sa mga crush nila or mga mag jowang nagbibigay ng mga kung anong anik anik. Ibinalik ko ang pagtulog ko ng tumahimik sila sa tiliang kanina lang ay maririnig mo kaya naman bilang isang chismosang nilalang ay iniangat kong muli ang aking ulo galing sa pagkakayuko. 

"Anong meron?" tanong ko sa isang kaklase na ngayon ay nakatingin na lamang ng tahimik kaya naman ng di ako sinagot nito ay tiningnan ko na lang din kung ano bang tinitingnan nila

Nagulat ako ng makitang ibagsak ng lalaki ang regalong bigay ng babae at ng tingnan ko kung sino ito ay agad akong bumaba para puntahan sila.

"Belle?" tawag ko sa pangalan ng kaibigan ng makita itong umiiyak sa harap ng isang di ko naman kilalang lalaki

Nag-init bigla ang ulo ko ng makitang basag na ang regalong isang linggong pinaghirapan ng kaibigan ko, kaya hindi ko na napigilan pang hindi makialam. Agad-agad akong lumapit sa harapan nila at itinayo ko naman si Belle dahil syempre duh nakaupo kasi siya sahig? Grrr

"Okay ka lang ba?" napairap agad ako sa sarili kong tanong " Grr malamang hindi" sunod ko namang pinulot ang mga basag ng parte ng regalo ni Belle at staka ko ito ibinigay sa lalaking nasa harapan ko na ngayon

"Anong gagawin ko jan?" inis niyang tanong sakin

"Try mong kainin" pabalang ko namang sagot dito "Anong section mo?" tanong ko naman agad dito agad ng hindi pinapansin ang mga matang alam ko kanina pa samin nakatingin

"And why are you asking? Interested?" nang-aasar niyang tanong sa tanong ko

Tama bang sagutin ang tanong ng isa pang tanong? And hello? As if? Kahit kamukha pa siya ni Jungkook kung bulok naman niyang itrato ang isang babae, he's a big NO.

"At kung oo?" tanong ko rin sa tanong niya

"Rizal section" kumunot naman ang noo ko sa sinagot nito, like we are in the same section and yet I don't know him?

Anyway, wala na rin naman akong pake dun kaya agad ko siyang hinila papasok mismo sa classroom namin at staka siya tinulak papasok sa loob

"What do you think your doing? Alam mo pwede kitang ireklamo sa ginagawa mo?" galit nitong sabi ng medyo ma out of balance siya sa pagtulak ko

"Where's your bag?" seryoso kong tanong dito na siyang nagpakunot sa noo niya

"At bakit ko naman sasabihin sayo?" inis nitong sabi 

Makikita mong hindi na siya natutuwa sa ginagawa ko pero ako din hindi natutuwa sa kaniya.

"Sasabihin mo sakin o isa isa kong bubuksan lahat ng bags dito?" banta ko rito kaya wala na rin siyang nagawa dahil siya rin ang sisisihin ng iba kapag nadamay sila dito

Itinuro niya ang bag niya na sa dulong part, as in sa dulo yung tipong di mo  siya mapapansin kapag kumpleto kayo sa loob ganun. Agad ko namang pinuntahan iyon at hinalughog ang laman nito.

"Ttteka anong ginagawa mo sa gamit ko?" pigil niya sakin pero itinulak ko lang iyon ng malakas 

"Gotcha!" nagkalat na ang gamit niya sa sahig pero hindi na siya nag-abala pang ayusin iyon

"Kung pera lang ang gusto mo sana kanina---" 

Naputol ang kung ano man sanang sasabihin niya ng punitin ko ang nag-iisang picture na nakita ko sa wallet niya, pinunit ko yun hanggang sa pinakamaliit na parte nito at staka itinapon sa sahig. May mga narinig akong napasinghap at isa na dun si Belle.

When Will I Ever Be (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon