Three

5 1 0
                                    

"Jules. Table 5." agad akong lumapit kay Denise nang sabihin niya 'yon. Pasimple kong tinignan ulit 'yung office, pero umiwas din dahil sa dismaya. Baka kasi kung anong masabi nung manager namin, na kaibigan ko rin.




Ayon ang dahilan kung bakit kinakabahan din ako. Me and Hoseok were friends, highschool pa lang. Kaya tinanggap niya ako dito kahit part time job lang. Sa totoo nga hindi 'to part time, eh. Nagtatago lang ako sa media gawa nga ni Kuya.




Since kaibigan ko si Hoseok at siya 'yung kausap sa pagtatanong kung kilala si Ianne, 'yung screen name ko bilang author, baka masabi niya na ako 'yon. Although, trust worthy siya, hindi ko pa rin mapigilan na mag-overthink. Mas gugustuhin ko kasing hindi talaga ako kilala ng mga tao kahit sikat mga librong ginagawa ko.




Maya maya lang lumabas na 'yung kausap niya. Napatigil ako sa paglilinis ng vacant na table para tignan sila, pero nang humarap si Hoseok, bumalik na ako sa ginagawa ko. Feeling ko ako ipapatawag niya ako.




"Jules." agad akong napatingin sa pwesto niya nang tawagin niya ang pangalan ko. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya napatingin muna ako do'n sa kausapin niya kanina na kalalabas lang ng coffee shop. Minamake sure ko lang na umalis na siya.




Nagsabi muna ako kay Denise na tawag ako kasi siya ang maiiwan mag-isa dito. Baka tawav siya ng tawag, wala naman ako dito. Sayang effort niya sa pagsasalita.




"Hinahanap ako?" tanong ko kay Hoseok pagkapasok namin ng office niya. Umupo muna siya sa pwesto niya bago tumayo. Umupo na rin ako sa may upuan sa harapan niya habang hinihintay ang sasabihin niya.




"Ang laki ng offer ng publishing company na 'yon. Sinabi kasi sa'kin at nagtanong ako." saad niya na habang malapad ang ngiti. Proud na siya nan sa sarili niya, promise.




"Ito calling card nila. Humingi ako, eh." may inabot siya sa'king maliit na papel na agad kong tinanggap. Ang advance naman ng lalaki 'to, sobra.




'June's Publishing Company.' Hmm. Familiar. Isa 'to sa mga narereceive kong mails, pero kaka-iba ang message nila sa'kin lagi. Kung sa iba, may greetings and details na. Sa kanila, greetings lang ang meron kaya hindi ko na pinapansin. The question is, bakit nila ako hinahanap?




"May nabanggit ba 'yung pumunta dito kung bakit ako hinahanap?" first time kasing mangyari 'to sa'kin bilang author. Sa ibang publishing company, walang naghahanap sa'kin personally, laging message lang. So, why?




"Ang nabanggit lang sa'kin gustong gusto ka raw ng company since isa ka sa mga top authors. Sayang naman daw kung hindi ka magpupublish ng physical book kahit ang daming nagtotop sa mga gawa mo. Dagdag mo pa na ikaw daw ang favorite author nung may ari." napangiti ako nang sabihin niya 'yon, pero inalis din. Jules, focus.




"Pag-iisipan ko." saad ko sabay tayo. Pinakita ko rin 'yung card na nasa pagitan ng pointing finger at middle finger ko habang nakangiti. Assurance lang na nasa akin.




"Kung ako sa'yo, Jules, iaaccept ko 'to. Sayang din ang opportunity kahit madami pa dyang iba. But still, it's your choice." binigyan ko ng matamis na ngiti si Hoseok bago lumabas ng office niya. Tinago ko 'yung calling card sa bulsa ko bago pinagpatuloy ang pagtratrabaho ko.




Nang matapos na ang duty ko, dumaan muna ako sa may park para magmuni muni. Ayoko muna umuwi, makikita ko si Kuya. Masisira agad gabi ko, joke.




Napapangiti ako tuwing may nakikita akong batang nanglalaro. Ang cute kasi nila, sobra, ang sarap panggigilan. Parang teddy bear, pero tao.




"Hey?" napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita. Napatayo agad ako nang marealize ko kung sino siya. Si Namjoon, 'yung customer namin at nakamatch ko sa dating app na binigay ni Denise. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari 'yon.




"What are you doing here?" tanong niya. Umupo na ako kasi sinenyasan niya ako, pero umupo rin naman siya sa may tabihan ko.




"Nothing. Nagsasayang lang ng oras. How about you?" sagot ko. Hindi ko na sinabi na nagmumuni muni ako kasi baka isipin niya may problema ako, pero nagsasayang naman talaga ako ng oras, 'di ba?




"Nag-aalis ng stress. May hinahanap kasi ako, pero hindi ko mahanap." sagot niya habang nakatingin sa malayo. Ngumiti ako ng konti dahil do'n.




"Mahahanap mo rin siya. Just wait." sagot ko sa kanya. Wala nang umimik sa'ming dalawa kaya para akong nakahanap ng peace. Maya maya lang napatingin na ako sa orasan kasi parang maggagabi na.




"Uhm. Alis na ako. Bye." saad ko sabay tayo. Lalakad na nga sana ako, pero bigla siyang humarang sa dinadaanan ko. Aba.




"Hatid ka na namin." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kami? So may kasama siya? Lalong no. Nakakahiya, 'no. 'Tyaka, baka kung anong isipin.




"No need. Malapit lang naman ako." pagsisinungaling ko bago siya nilagpasan. Hindi naman kasi talaga malapit ang amin. Dagdag mo pa na hindi ko pa siya lubusang kilala tapos dadalhin ko na agad sa bahay? No.




Normal lang ang gabi ko. Kakain with fam, mag-aayos ng sarili, and so on. Tinignan ko 'yung story ko na kaka-update lang kahapon para tignan ang feedback ng mga tao. Para nanaman tuloy akong tanga dito kasi nakangiti ako habang binabasa 'yon.




'Danny! Tapakan mo ko huhu'

'Isang Danny lang talaga Lord sa buhay ko tatahimik na ako'

'E'di sana ol may Danny diba e'di wow'




Nang mapagod na ako sa pagbabasa, natulog na ako. Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa Kuya. Hindi naman ako nagpapagising sa kanya at wala akong trabaho ngayong araw kaya ano 'to?




"Samahan mo ako magmall!" binato ko siya ng unang nang sabihin niya 'yon. Ginising niya talaga ako para lang do'n? Hay nako.




"Malaki ka na. Matanda ka na. Kaya mo na 'yan." sagot ko bago siya tinalikuran. Ako 'yung mas bata sa kanya, pero never akong nagpasama sa kanya sa mall.




"Magiging suspicious kasi kapag tinatago ko ang sarili ko tapos mag-isa lang ako. Mas mapagkakamalan kung sino talaga ako. Ayoko namang dagsain sa mall." pagpupumilit niya. Hindi ko siya pinapansin, pero dahila ng kulit niya, napapayag na rin ako. Hindi ako tinatantanan, eh. Nawala tuloy antok ko.




Akala ko kung anong gagawin niya sa mall, magsasayang lang pala ng pera. Bili dito, bili do'n. E'di sana all may pangbili ng kung ano ano. Ako kasi kahit mapera kami, hindi pa rin ako nag-eexpulsive buying. Ewan ko ba.




Nasa isang store lang kami nang may mapansin akong familiar na tao. Kinusot ko pa nga mata ko nagbabakasakaling hindi siya, pero siya nga. Si Namjoon nga.




Dumaan sila sa likod namin kaya napatago ako. Hindi ko alam kung bakit, pero 'yon agad ang ginawa ko. May kasama siyang isang lalaki, pero hindi ako familiar.




Since magkalapit lang kami, hindi ko mapigilan na hindi makinig sa usapan nila. Wala rin kasi akong ginagawa, si Kuya lang. Kaya 'yung focus ko nasa kung ano ang naririnig ko.




"Bro, huwag ko na kayang bilhan si mom?"




"Alam mo ba sa binabasa ko may line do'n na ang sabi, 'Spoil your girl as much as you want. But don't forget to spoil your mom too.'"




---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Swipe » Kim Namjoon ── OCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon