"A stupid zombie who's trying to get herself double-dead."

Relax. Relax.

Pilit kong kinakalma ang sarili kahit na gustong-gusto kong ibato sa kanya ang wala ng laman na container ng ice cream.

"Don't look at me like you're going to... rape me!" Hindi na ako nakapagpigil kaya naibato ko sa kanya ang container. Pasimpleng umiwas siya at muling bumalik sa pagkakasandal.

"You fuck off!" sigaw ko pero halos bulong lang dahil wala na akong boses.

Itinapat niya ang hawak na camera. "What are you waiting for? I thought you're going to commit suicide? Do it! I'll be your witness. Don't worry, I'll tell your family to give you a royal burial."

Hindi na ako nakapagtiis at muling napahikbi. Bakit ang lupit nilang lahat sa 'kin? Masaya ba silang makita na palagi akong nasasaktan? Isinubsob ko ang mukha sa mga palad at doon umiyak.

"Okay, get up." Tinanggal ni Green ang pagkakabuhol ng kumot sa leeg ko. Inihagis niya sa kama ang hawak na jacket pati na rin ang sunglasses. "You need to fix yourself. You're a mess, Xhai."

"Don't touch me!" Itinulak ko siya palayo pero hindi man lang siya natinag. Nanghihina ang katawan ko kaya parang wala lang sa kanya. "Get out. I don't need you." Hinuli niya ang mga kamay ko. Hinawakan nang mahigpit. "What are you doing here, anyway? Just leave me alone, Green. Please. Leave me—"

"Ang baho mo na." Tinakpan niya ang ilong. Iwinagayway ang isang kamay sa harap ko. "Ilang araw ka na bang 'di naliligo?" Nalaglag ang panga ko. The hell?

Nasa state of calamity na yata ang init ng ulo ko. Malapit na ring pumutok. Aminado naman ako na mukha na akong taong kalye. Naaamoy ko na rin ang sarili ko. Pero kung makapagreact naman siya dinaig ko pa ang patay na naaagnas.

"Fuck you—"

Tumaas ang isang kilay niya. "Before you fück me, take a shower first and make sure you smell like a honey, baby," he teased, biting his lips.

"Don't call me baby!" Wala talagang modo ang impaktong 'to. Nagawa pang ngumisi kahit na iritadong-iritado na ako.

"Whatever, Sweetheart!" Napasipa ako sa sahig sa sobrang inis. Nakita ko ang kanyang muling pagngisi. Sinasabi ko na ngang hindi mawawala ang ganitong side ng mukong na 'to. Inborn na ang pagiging siraulo. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Naalarma ako nang ilapit niya rin ang mukha sa labi ko. "Let me smell you."

"Pwede ba! Sinabi ko nang lumayas ka. Mapapatay na talaga kita!" Kinuha ko ang tinidor sa mesa at tinutok sa kanya.

Napatili ako nang hawakan niya ang aking kamay at kinuha ang tinidor. Lalo na nang ipinulupot niya ang mga braso sa legs ko at isampa ako sa kanyang balikat. "That's enough. You really need to take a bath, Xhai." Ibinaba niya ako nang makapasok sa loob ng banyo. Naramdaman ko ang malamig na sahig sa 'king talampakan dahil wala akong suot na panyapak.

Sumalampak ako nang upo sa gilid ng bathtub at kinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim at pumikit.

Don't fight with him. He's just a hopeless crazy freak.

"You're going to clean yourself or you're giving me a reason to take your clothes off? You choose." Umangat ako ng tingin at nakipaglaban ng titigan. Kung may kapangyarihan ang mga titig namin hindi ako makakapayag na matalo. Like duh! Ang swerte niya. "One!" Nagsalubong ang mga kilay ko at ipinagsalikop ang mga braso. "Two!"

"Naman, Green... Labas!" Sinipa ko siya at hindi ko inaasahan na doon ko siya masisipa. Napanganga ako at napatayo bigla. Napahawak siya sa pagitan ng hita. Tumalon-talon siya, kagat ang labi habang nakapikit. Napangiwi naman ako at lumunok. Not again.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now