a n i m

2 0 0
                                    

Pumasok na kami sa kanilang palasyo at agad na pumasok sa kanilang silid na ginagamit para sa paggawa ng mga estratehiya.

"Atin nang simulan kung ano ang dapat nating gawin upang mapatay ang reyna."

༶•┈┈⛧┈♛ ♛┈⛧┈┈•༶

Trigger warning: blood, gore, death, violence

Anna's POV

Sinara ko ang huling libro na aking binababasa mula sa aking napakaraming mga libro sa napakataas na bookshelf sa aking kwarto. Tumayo ako at pumunta sa harap ng nilalang na tumulong sa akin sa mundong ito sa simula pa lamang. "Mirror! Nagagawa ko na! Sa wakas kaya ko na rin makontrol ang kapangyarihan na tinataglay ng katawan na ito!" Masaya kong ipinaalam sa kanya habang pinapakita ang kamay ko na mayroong apoy na pinaglalaruan ko.

"Mabuti yan. Mapoprotektahan mo na ang sarili mo, hindi na rin maghihinala ang mga nagsisilbi sayo. At mahalaga na matuto ka na kung ano ang kakayanan ng kapangyarihan na tinataglay mo." Tumango ako sa sinabi ng magic mirror. Yun din naman ang dahilan kung bakit ko pa sinimulan ang pag-aaral ko ng iba't ibang mga orasyon at kung paano sila gamitin.

Ngunit sa isang iglap, biglang naramdamay ko na naman ang sarili kong nanghina. Napasandal ako sa pader na nasa harap ko habang tinitiis ko ang sakit na muling nadama ko. Nasanay ako sa sakit na dinadala ng corruption na linalabanan ko. Pero kumpara sa mga napagdaanan ko na, mas masakit at mas malala ito ngayon.

"Nang...yaya..ri... na.... naman." Sinabi ko bago tumingin sa magic mirror na nasa harap ko. Pero imbis na gawin niya ulit panatag ang loob ko, ang nadatnan ko ay ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Anna, ang buong mata mo ay itim na ngayon."

༶•┈┈⛧┈♛ ♛┈⛧┈┈•༶

Snow White's POV

"Paano tayo aatake sa inyong palasyo?" Tanong ko kay Serene.

"May blind spot sa likod ng palasyo. Madali lang din kayong makakalusok dahil lahat ng mga sundalo sa palasyo ay nagtitiwala sa akin, maaari ko kayong papasukin ng walang nakakapansin." Sinabi ng traydor na nagmula sa kabilang panig. Tinuturo niya ang mga lugar na tinutukoy niya sa isang mapa na dinala niya mula sa kanilang palasyo.

"Aabalahin ko muna lahat ng mga sundalo na nasa harapan ng palasyo hanggang sa dulo. Pwede kayong dumiretso sa kwarto ng reyna pagkapasok ninyo ng palasyo. Mula doon, kaya ninyo na siyang kalabanin ng mag-isa mula doon. Ako na ang bahala sa mga sundalo namin, at kung may mga makasalubong kayo, maaari ninyo silang patayin kung gusto ninyo."

"Hindi ba parang masyadong madali itong plano na ito?" Tanong ng isang sundalo. Halata sa boses niya ang pagdududa sa plano na binubuo ni Serene. At mukhang hindi siya nag-iisa sa iniisip niya dahil nagsimula na muli ang mga bulungan ng mga sundalong sumasang-sayon sa kaniya.

"Talaga bang katiwa-tiwala ang lahat ng iyong sinasabi? Hindi mo kami ipapahamak sa plano mong ito?" Dagdag ng isa pang sundalo. Hindi ko naman din sila masisisi. Kahit ako ay may mga pagdududa. Kung kinaya niyang tumalikod sa sarili niyang kaharian, sa kaharian ng taong matapat niyang pinagsilbihan ng ilang dekada, ano ang pumipigil sa kanya na pagtaksilan din kami? 

"Mula sa aking nakita, ang reyna namin ay mahina ngayon. Hindi siya marunong gumamit ng mahika, ang kaniyang mga orasyon, hindi niya kayang gamitin ang sarili niyang kapangyarihan. Madali lang at kayang-kaya ninyo siyang atakihin at talunin, lalo na kung hindi pa rin niya alam paano gamitin ang mga kakakayanan niya."

Napangiti ako dahil sa narinig kong mga salitang nanggaling mismo sa pinakatapat na tagasilbi ng aking kaaway. "Tama siya. Kunin na natin ang oportunidad na ibinigay sa atin. Talunin at patayin na natin ang reyna ngayong siya ay nagpapagaling pa lamang."

La Villanes No NacenWhere stories live. Discover now