a p a t

2 0 0
                                    

"Ngunit, kailangan mong malaman na..." Napatigil ako, pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa sunod na sinabi ng magic mirror sa akin.

"...mas tumatagal ka sa mundong ito, sa katawang yan, mas maco-corrupt ang iyong isipan."

༶•┈┈⛧┈♛ ♛┈⛧┈┈•༶

Trigger warning: blood, gore, death, violence

"Anong ibig mong sabi-" Bago pa man ako mataranta dahil sa bago kong natuklasan at tadtarin ng tanong ang magic mirror, may narinig kaming kalabog na nagmula sa labas. Napatigil ako, tiningnan ko ang magic mirror bago lumabas para tingnan kung ano ang nangyayari at bakit may kumalabog.

Umasa ako na ang kalabog na narinig namin ay isa lamang palamuti na natabig at nabasag ng isang katulong. Pero ang bumungad sa akin paglabas ko ay ang sagupaan ng dalawang panig ng mga sundalo. Mayroon ding madaming mga bangkay na nakakalat sa sahig. Dugo ng mga sundalo at kalaban ay nakakalat sa buong pasilyo ng palasyong ito, pati na rin ang amoy nito ay nakakalat sa buong lugar. Ang mapayapang katahimikan na mayroon kani-kanina lamang ay napalitan ng mga sigawan ng mga tao, daing ng mga nasaktan na sundalo at bihag, at ang pagtama ng mga sandata sa isa't-isa. Nanlaki ang mata ko, at dahil nataranta na ako, agad akong bumalik sa kwarto ko at humingi ng tulong mula kay magic mirror. 

"May...may nangyayaring labanan sa labas! Anong dapat kong gawin? Paano ako makakatulong?" Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagkataranta at kaba ko. Tumingin ako sa buong kwarto ko, naghahanap ng kung ano mang pwede kong magamit upang makatulong. Napunta ang tingin ko sa mataas na bookshelf na puno ng mga spellbook. 

"Witch ako, tama? Paano ko mapapagana ang mga orasyon na mayroon ako? Anong orasyon ang dapat gamitin para sa ganitong kaganapan? Tulungan mo ako!" Parang nagdalawang isip ang magic mirror sa isasagot niya sa akin. At nung nakita kong binukas niya ang bibig niya upang sagutin ang mga tanong ko, mayroong nagmadaling pumasok ng kwarto ko.

"Kamahalan! Mayroong sagupaan na nagaganap sa labas. Nakatakas ang lahat ng mga bihag natin mula sa piitan. Kailangan ho namin ng iyong tulong at gabay. Kailangan ka namin dito." Ang babaeng nagsalita ngayon ay ang babaeng pumasok ng kwarto ko kanina upang alamin ang hatol ko sa mga nahuling umatake sakin. Dumoble ang kaba na nadadama ko. Hindi ko pwedeng hingan ng tulong ang magic mirror habang nandito ang katulong ko. 

Lumabas na lang ako ng kwarto ko dahil mas magiging kahina-hinala kung nanatili ako roon ng mas matagal pagkatapos hingin ng aking mga pinamumunuan ang tulong ko. Mas nakita akong mga sibat na nakasabit sa pader pagkalabas namin. Agad ko itong kinuha at ginamit upang makipaglaban din sa mga nakatakas na mga bihag. Dahil hindi ko magamit ang kapangyarihang taglay ng katawang ito, itong sibat nalang muna ang gagamitin ko. Mas mainam nang gamitin ko ang kaya kong gamitin kaysa ipilit ko ang mga orasyon at mapahamak ko ang lahat ng mga narito. Mabuti nalang talaga ay natuto ako paano gamitin ito simula nung labing-tatlong taong gulang pa lamang ako. Kundi baka ikamatay ko ang pagtayo dito sa gitna ng labanan. 

Hindi ko na alam ilang minuto o ilang oras na ang nakalipas. Ilang katawan na ang nakita kong bumagsak, parehas mula sa mga kalaban at sa sarili kong mga sundalo. Ang sibat na kanina lang ay sobrang linis at kintab, ngayon ito'y nababalot na ng dugo ng mga kalaban namin. Naghanda ako para muling umatake sa isang kalaban namin.

Kaso bago ko pa magawa iyon, biglang nakaramdam ako ng isang matinding sakit sa aking ulo. Nabitawan ko ang sibat sa aking kamay. Naramdaman ko ang lakas mula sa aking mga tuhod ay biglang nawala, dahilan kung bakit hindi ko kinayang manatiling nakatayo at mapaluhod na lamang.

Ang dalawang kamay ko ay ginamit ko upang hawakan ang ulo ko na patuloy pa ring sumasakit. Para bang may pumipilit paghiwalayin ang ulo ko, hatiin ito sa dalawa. Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa sakit na nadadama ko, pero walang tunog na lumabas. Hindi ko na marinig ang mga sigawan at sagupaan sa paligid ko, wala nang pumapasok sa isipan ko kundi ang sakit na nararamdaman ko at mga salitang hindi ko maintindihan. Paulit-ulit ang mga salitang iyon, at habang tumatagal ay parang sinisigawan na ako ng mga boses na ito. Hindi ko alam ano ang pinapahiwatig nito ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ito maganda. 

Nagsisimula na.

Sa hindi ko inaasahan, bigla kong naintindihan ang isa sa mga sinasabi sa akin ng mga boses sa aking isipan. "Mas tumatagal ka sa mundong ito, sa katawang yan, mas maco-corrupt ang iyong isipan." Muli kong naalala ang sinabi sakin ng magic mirror. Mukhang ito na ang tinutukoy niya, nagsimula na ang corruption sa aking isipan.

Bago pa ako makapag-isip ng mas malamin tungkol sa nangyayari sa akin, naramdaman ko ang kamay na nasa likod ko at ang isa sa aking braso. Tinulungan ako ng taong ito na tumayo at bumalik sa aking kwarto. Pinaupo niya ako sa aking kama, doon ko lang nakita na ang tumulong sa akin ay ang babaeng katulong na palaging lumalapit sa akin at nagsasabi sa akin ng mga kaganapan sa palasyo, ang katulong na una kong nakita sa mundong ito.

Unti-unti nang nawala ang sakit na nadarama ko, pero hindi ito nawala ng tuluyan, nabawasan lang ng bahagya. Sapat na ang kaunting pagbaba ng sakit upang muling maibalik ako sa pag-iisip ko ng maayos. Humina din ang mga boses na sumisigaw sa aking isipan. DIto ko lang napansin na ang labanan sa labas ay patapos na, at ito rin siguro ang sahilan kung bakit kinaya ng katulong na ito na dalhin ako pabalik sa kwarto ko. 

"Ayos ka lang ba, kamahalan?" Tanong ng babaeng nasa harap ko na nag-intay sa aking pagkalma. Bago ko pa man mapag-isipan ang sasabihin ko, bumuka na ang bibig ko at lumabas na ang mga salitang una kong inisip. "Gusto kong mapag-isa, lubayan mo na ako at umalis ka sa paningin ko. Hindi kita kailangan. Lumabas ka at ayusin ang kaguluhan na nagaganap." 

Tumango lamang siya at yumuko bago lumabas upang sundin ang mga sinabi ko. Para bang sanay na siya sa ganitong trato sa kaniya at sa ganitong pananalita ko. Dahil hindi pa rin ako makatayo o makalakad, gumapang nalang ako papunta kay magic mirror. At nang makarating ako sa harap niya, nakaluhod ako habang nag-uusap kami. Nararamdaman ko na naman ang sakit ng ulo ko at muling nagbalik ang mga boses sa isipan ko. 

"Nagsisimula na naman yung sakit. Na-cocorrupt na ako katulad ng sabi mo. Anong dapat kong gawin?" Mahinahon kong pagtatanong, hindi ko gustong maulit ang nangyari kanina kung saan nagsabi nalang ako bigla ng mga salitang maaaring makapanakit.

Tiningnan ko ang mata ng itsura ng magic mirror na nasa harapan ko. Sasagutin na niya dapat ang katanungan ko, ngunit napatigil siya sa pagbukas ng bibig niya at pagsagot sa akin nang magkatinginan kami. "HIndi maganda ito.." Naramdaman ko ang pagbagsak ng puso ko, ang pagputla ko nang marinig ang sinabi niya.

"Walang nang balikan ito, huli na ang lahat...hindi ka na maaaring bumalik sa mundo mo." Hindi ko alam ano ang dapat kong maramdaman at gawin dahil sa natuklasan ko. Dapat ba akong umiyak at sumigaw? Dapat ba akong matawa dahil sobrang nakakaawa ako? Dapat ba akong magdabog at magwala? Nagkahalo-halo ang lahat ng emosyon ko, pero wala akong nagawa kundi lumuhod doon at manahimik lamang. Wala din namang magbabago sa situwasyon ko kahit anong gawin ko, hindi ba? 

"Dapat ko rin sabihin sa iyo na kailangan mo na mag-ingat sa mga pagkikilos mo. Dapat hindi ka magpahalata na hindi ikaw ang reyna namin. Sanay sila sa mga masasakit na salita at mga masamang trato ng aming reyna, kaya hindi mo kailangang magpigil sa harap nila. Ngunit dapat ay hindi mo rin bitawan ang kabaitan mo." Pagpapaliwanag ni magic mirror. "Nagsisimula nang maghinala sayo si Serene, kaya mag-ingat ka na mula ngayon."

Napabuntong hininga ako. Ang dami kong dapat tandaan at tanggapin sa isang iglap. Nakakapagod na ngunit kailangan kong tiisin ang lahat ng ito. "Teka lang, sino naman si Serene? SIya ba yung babae kanina? Yung babaeng nagdala sakin dito?" Tumango ang itsura na nasa loob ng salamin. 

"Si Serene ang pinakamatagal nang nagsisilbi sa aming reyna. At dahil doon, siya din ang pinakatapat na taga-paglingkod sa palasiyong ito. Sa lahat ng mga taga-paglingkod sa palasiyong ito, siya ang palaging nakakasama ng aming reyna. Ibig sabihin din nito, siya ang pinakaunang makakahalata kung nagbago ang iyong kilos at ugali." 

Napangiti ako ng bahagya dahil sa nalaman ko. "Medyo nakakagaan ng loob na malaman na may isang tao na maaasahan ko at tapat-" Bago ko pa man matapos ang sinasabi ko, naging itim na ang lahat ng nakikita ko at nawalan na ako ng malay.

༶•┈┈⛧┈♛ ♛┈⛧┈┈•༶

Itutuloy...

La Villanes No NacenWhere stories live. Discover now