Nagkaroon din ako ng sarili kong problema. Nag-withdraw na lamang ako ng pera mula sa bangko at iyon ang binigay kay Tita Jen para sa pagpapagaling ni Jannica.

Hindi ako bumisita sa kanya. As much as possible, iniiwasan kong makipagkita dito. Nagpapa-update na lamang ako kay Tita kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Ilang araw din ay nakalabas na rin ito mula sa hospital. Agad gumaan ang aking loob dahil sa nabalitaan. 

Kakauwi ko lamang galing sa trabaho at bumungad na naman sa akin ang madilim kong condo. Hindi na ako nagulat pa nang makakita ng lalaking umiinom sa aking couch.

Pagod akong pumasok sa loob, hinihiling na hindi niya na lamang ako pansinin. Pero kahit na madilim ay naramdaman pa rin niya ang aking presensya.

"Nakauwi ka na pala," rinig ko ang garagal nitong boses na bumati sa akin. "'Yong pinapabili ko sa'yo? Nabili mo ba?" dagdag niya.

Nagsalubong ang aking kilay nang marinig ito. "Ha? Wala akong binili, Jake."

Kita ko ang pagtayo niya mula sa upuan at ang pagharap nito sa akin. Mapupungay na ang mga mata nito, halatang nakailang inom na ng alak.

"Nag-text ako sa'yo, ah?! Hindi mo tiningnan?" napalakas pa ang kanyang boses sa tanong.

Bahagya akong napatalon sa aking kinatatayuan at umiling. "Sorry. 'Di ko nakita. Hindi ba pwedeng bukas nalang? Lalabas na rin naman ako bukas," mahina kong sagot.

"Tangina, ano na naman ba ang ginawa mo, Jade? Iniiwasan mo bang pansinin ako, ha? Kaya 'di mo binabasa ang mga text ko sa'yo?" 

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. "Ha? Hindi. Hindi kita iniiwasan, Jake. Pagod lang talaga ako at hindi ko na natingnan pa ang cellphone ko," matamlay kong sagot.

Sobrang napagod ako sa trabaho namin ngayon lalo na't malapit na naman ang pasahan noon. Ilang linggo ring wala si Maia kaya ang trabahong dapat sa kanya ay nalipat sa amin. Napagod din ako kakaasikaso sa lagay ni Jannica. Kahit papaano ay hindi ko rin matanggal sa aking isipan ang mga nangyayari sa aking kapatid. 

Dumagdag pa si Papa na halos araw-araw nang nanghihingi ng pera sa akin. Akala niya ata ay nagtatae lamang ako ng pera. Halos wala nang matira sa aking ipon dahil sa kakahingi nito. Pero ayos lang 'yon. Kaysa naman sa iba siya manghingi. Ako dapat ang maghihirap sa mga kagaguhan ng tatay ko. Ako lang dapat, 'wag na ang iba.

Ramdam ko ang dahan-dahan nitong paglapit papunta sa akin. Mahigpit na lamang akong napakapit sa aking bag nang tumigil ito sa aking harapan. 

Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ang malakas nitong pagsampal sa aking pisngi. Madiin kong kinagat ang aking nakaawang na labi at muling tumingin sa kanyang gawi. 

I just looked at him with emotionless and tired eyes. Wala na akong pake kung saktan niya ako. Pagod na pagod na akong makipag-away sa kanya.

Napangiwi na lamang ako nang biglaan niyang abutin ang aking buhok at marahas iyong hinila. Nagsimula nang mangilid ang luha sa aking mga mata habang nararamdaman ang paghapdi ng aking ulo.

He tilted my head to look at him. Nagsisilab ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Puro ka trabaho! Ano?! May nilalandi ka na rin ba doon at halos anong oras ka nang umuwi araw-araw?! Ginagawa mo lang dahilan ang trabaho mo, pero ang totoo lumalandi ka na sa iba!" dumadundong ang malakas nitong boses sa loob ng aking condo.

Humugot ako ng malalim na hininga kasabay ng pagtulo ng mainit na luha mula sa gilid ng aking kaliwang mata. Sobrang bigat ng aking dibdib, sobrang sikip. Halos hindi na ako makahinga. Nakakasakal. Nakakasakal ang buhay kong 'to.

Magmula pagkabata ko, wala na akong kinalakihan kung hindi ang pagiging bayolente nila. Lahat nalang sila. Nakakapagod sila.

Napapikit ako nang mariin nang mas hilahin at higpitan lamang ni Jake ang pagkakahawak sa aking buhok. Napahawak ako sa kanyang braso, pilit na tinatanggal iyon.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now