KABANATA 1

14 1 0
                                    


Kabanata 1

"Kai! Halika muna rito saglit" narinig ko ang tawag sa akin ni lola mula sa kusina kaya binaba ko muna ang popcorn na hawak ko at tumungo roon.

"Bakit po la?" Nakita ko itong naghahanda ng pagkain sa isang baunan pagpasok ko sa kusina.

"Dalin mo muna ito sa tito mo doon sa may kubo malamang gutom na yon at kaninang umaga pa siya umalis" sabi nito habang tinatakpan ang baunan.

"Sige po, maliligo lang po muna ako ng mabilisan. Mainit po kasi" paalam ko sabay takbo papunta sa hagdan para makarating sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay tinungo ko ang aking walk-in closet para makapamili ng damit para handa na ang susuotin ko. Tutal mainit ang panahon ay kumuha nalang ako ng shorts na presko sa pakiramdam at isang puting t-shirt na may bear sa kaliwang dibdib pagkatapos non ay tinungo ko ang drawer kung saan nakalagay ang underwears ko at kumuha ng isang panty. Simula dati pa ay hilig kong magsuot ng mga damit pambabae kung kaya halong damit panglalaki at pambabae ang mga damit ko.

Pagpasok ko sa bathroom sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang shower para mawala ang lagkit na dulot ng mainit na panahon. Hindi ako nagtagal sa banyo at inabot lamang ng 5 minutes ang pagligo ko, pagtapos non ay naglagay na ako ng lotion at nag blower saglit dahil baka masyado akong matagalan.

Pagdating ko sa kusina ay wala si lola kaya kinuha ko nalang ang baunan at inumin na pinapadala niya sa akin, hula ko'y nasa garden si lola para mag siyesta. Pinuntahan ko si lola at nagpaalam bago tuluyang lumabas ng bahay.

Inabot ako ng 40 minutes na paglalakad bago natanaw ang isang pamilyar na kubo. Kung tutuusin ay para itong isang maliit na bahay pahingahan ng tito ko tuwing dadayo siya dito dahil kailangan niyang mag-inspect sa hacienda ilang beses sa isang taon. Dito siya tumatambay kapag masyadong maraming kailangan gawin o asikasuhin.

Pagtapat ko sa pinto ay pinindot ko ang doorbell sa may gilid nito bago tuluyang pumasok, sabi naman sa akin ni Uncle ay feel free to enter kahit kailan, pinipindot ko lang doorbell para malaman ni tito na andito ako.

"Uncle?" Pagpasok ko ay sumalubong sakin ang sala na walang tao. Tinungo ko ang lamesa sa tapat ng sofa at nilapag ang bitbit ko. "Uncle???" Tawag ko pa ulit ngunit mas nilakasan ko ng kaunti ang boses ko.

Noong nasa tapat ako ng kwarto ni Uncle ay lalagpasan ko na sana ngunit narinig ko ang boses ni Uncle kaya naman kumatok ako at binuksan ang pinto.

"Uncle may pinadal-"

Naputol ang sasabihin ko nung tuluyan kong nakita ang ginagawa ni Uncle sa loob ng kwarto niya.

And that's the first chapter of the story.

Kai's shorts

Max's Kubo (small rest house)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Max's Kubo (small rest house)

Max's Kubo (small rest house)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tainted Where stories live. Discover now