Let Go (Luhan Version)

332 12 3
                                    


Cathy

"Mom, dad" I smiled nang makita ko sila ulet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mom, dad" I smiled nang makita ko sila ulet. Niyakap ko sila ng mahigpit. 3 years na akong di nakakauwi ng pinas dahil sa trabaho ko sa New York.

Umuwi lang ako ngayon kasi pinag file ako ng leave ni Troy. Nasa Hong Kong din sya para sa isang conference at dahil malapit lang din sa Pilipinas, pinasabay nya nalang ako. Gusto nya kasing makasama ko muna ang family ko kasi puro nalang ako trabaho.

Sweet nya no?

Nang makapasok kami sa bahay, sinalubong ako agad ni Leo "Ate! Na miss kita!" Niyakap nya ako agad "Mas na miss kita" hinalik halikan ko naman sya sa pisngi.

Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat at napansin kong nangayayat sya "Ang payat mo na beh. Mas payat ka pa sakin ah, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya "Subsob kasi sa trabaho yang kapatid mo" si papa ang sumagot.

Tinignan ko ulet si Leo, nakangiti parin sya. Niyakap ko sya ulet "Na miss talaga kita beh" sabe ko.

4 years ang agwat namin ni Leo. Kaming dalawa lang ang magkapatid. Nagtatrabaho sya sa isang company sa Taguig. Animator sya, magaling kasing mag drawing.

Parang ako hehe. Nung mga bata pa kami, baby ang turing ko sa kanya. Love na love ko talaga sya kaya nung natanggap ako sa New York, nahirapan akong umalis dahil mamimiss ko talaga sya ng sobra.

Nagdi dinner kami ngayon. Ang saya saya ko kasi nakasama ko ulet sila. Sakto din kasi 3 days na lang, magpapasko na. 2 months akong magbabakasyon kaya makakaabot pa ako ng bagong taon dito.

Magkatabi kami ni Leo, as usual ako ang tigalagay ng food nya sa plato. Yun kasi talaga ang ginagawa ko dati "Kumain ka ng marami. Ang payat mo talaga eh" sabe ko sa kanya "Gwapo parin naman" nagtawanan nalang kami.

"Yan kasing kapatid mo, kahit nagkakasakit na eh pinipilit paring magtrabaho ng boss nya" sabe ni mama. Tumingin ako kay Leo "Hindi tama yan ah. Alam mo kakausapin ko yang boss mo" I told him pero umiling sya "No need ate, kaya ko naman eh.

Mataas na kasi ang position ko dun kaya subsob talaga ako sa trabaho" napa sigh nalang ako "Sumama ka nalang kasi sakin sa New York" tumingin sya kina mama at papa "Ayaw kong iwan sila mama" napangiti naman sila.

"Hayaan mo na kami. Sumama ka na sa ate mo" sabe ni papa. Umiling ulet si Leo "Gusto ko lang po talaga dito" wala na kaming nagawa kundi pumayag nalang. Napa smile ako nang makita ko ang engagement ring ko.

Yes, I'm engaged. Isa rin yun sa purpose ng pag uwi ko dito, susurpresahin ko sila "Ehem" napatingin naman sila sakin. Tinaas ko ang kamay ko sabay ngiti ng malapad.

Napa gasp si mama tsaka sya yumakap kay papa "Oh my god! Kailan pa?!" Excited na tanong ni mama "Last month lang po sya nagpropose" sabe ko, still smiling. Tumayo sila mama at papa at niyakap ako.

Let Go [✔️] OSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon