PWMNTBB

125 62 28
                                    

Promises Were Meant Not To Be Broken
by rulerofthepen

Krishna's POV

"80th anniversary pala nitong store ngayon 'no? Wala bang pa-party 'yung boss mo?" tanong ni Naomi habang nilalantakan ang instant noodles na binili niya rito.

"Walang party, beng, pero may surprise!" pinasaya ko ang boses ko habang pumapalakpak pa.

"Oh?! Ano? Increase sa sahod mo?!"

Napangiwi ako sa tumatalsik pang pagkain galing sa bibig niya. Ang bagra naman nitong babaeng 'to.

"Hindi, ibinenta lang naman ng amo ko itong store." Napairap ako sa hangin saka naupo sa upuan ko katapat ng computer. "Nanganganib tuloy akong mawalan ng trabaho!" maktol ko.

"Kawawa ka naman, beng. Hayaan mo, bukas may raket tayo!"

Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga?"

"Oo, beng! Kinuha tayong photographer slash videographer sa kasal ng mayamang client!"

Wala pa man ay naglakbay na ang utak ko sa laki ng ipapasahod sa amin. Na-excite tuloy ako bigla. Shet!

Mahirap ang buhay ngayon kaya kailangan talagang sumideline. Ang tataas ng presyo ng bilihin pero 'yung pasahod napakababa.

Senior high lang ang natapos ko dahil nagkasakit ang parents ko. Pagkagraduate ko ay kinailangan ko na agad magtrabaho. Kahit ano basta matino ay pinasukan ko para lang madugtungan ang mga buhay nila... kaso wala talaga eh. Hanggang doon na lang sila.

Sa ngayon, walong taon na akong namumuhay mag-isa. Mahirap pero kinakaya, tutal sarili ko na lang naman ang binubuhay ko.

Sa sobrang busy ko maghanap ng pera ay wala akong panahon sa lovelife kaya mag-isa ako hanggang ngayon---mabuti na lang at hindi ako iniiwan ni Naomi tapos sinasama pa ako sa mga raket niya.

Okay lang na single, basta may pera!

"Ugh, kapagod!" malakas na reklamo ko habang isinasara ang convenience store.

Alas dose na nang hating gabi pero maglalakad pa lang ako para makauwi at makapagpahinga. All-around ang trabaho ko sa lugar na ito dahil iisa lamang ang empleyado na kaya nilang i-hire---at ako 'yon.

Sino pa ba namang ibang willing na maging cashier, magcheck ng stocks, at maging janitor kapalit ng mababang sahod? Wala, ako lang! Choosy pa ba sila.

Lagi akong employee of the month kasi ako lang naman ang empleyado. Hehe. Wala man lang increase ampotek. Kuripot.

Sabagay, 'di na rin naman masyadong mabenta ang store na 'to kaya hindi na rin ako nagtatakang ibinenta ng amo ko ang tindahan na 'to.

'Saan naman kaya ako hahanap ng permanenteng trabaho nito? Bwisit.'

• • •

"Kinginang mata 'yan," halakhak ni Naomi nang makita ako. "Nagda-drugs ka ba?!"

"Gaga!" Binatukan ko siya, baka may makarinig sa kaniya at madampot pa ako ng pulis.

Nasa simbahan na kami, nauna pa kami sa first. Siyempre, magse-set up pa kami ng cameras.

"Bakit ganiyan? Umiyak ka ba kasi wala ka nang trabaho?" natatawang tanong niya.

Napasimangot ako. Oo, naiiyak talaga ako dahil wala na talaga akong trabaho pero iba ang dahilan ng pamamaga ng mata ko. Nakakaiyak kasi 'yung panaginip ko. Ang sakit sa puso.

"Oo, beng! Bwisit na 'yan, ang aga-aga tumawag sa 'kin 'yung boss ko, sabi niya tanggal na 'ko. Gusto kong magwala sa sama ng loob," tuluy-tuloy na rant ko, totoo naman kasing masama ang loob ko.

What's Inside: Brain's Last Cells to ScenesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz