Chapter 25

52 1 1
                                    

Tulala ako hanggang sa makauwi ng bahay. Hindi ko nga batid kung paano ko nagawang marating ang kuwarto ko gayong nanlalabo ang aking paningin dulot ng luha mula sa naging pag-uusap namin ni Micko.

His confession came like a bolt from the blue. I never did once expect that I would hear those words from him. Kahit sa panaginip ay ni hindi ko naisip na posibleng mangyari ang lahat ng ito.

We grew up together. He's been my constant companion, playmate, supporter, listener, and all the greatest things a great friend would do. It was all platonic for me. Almost like a brotherly gesture. But for him... it was more than that. He thinks of me the same way I think of Juancho.

Pasalampak akong naupo sa aking kama, mga palad ay hinayaang maging patungan ng basa kong mukha. Masikip ang dibdib ko at hindi pa rin matigil sa pagluha ang mga mata. Napakabigat sa puso. I am guilty as a convicted sinner.

Bakit ni hindi ko man lang nahalata iyon? Was I that dense not to notice his actions? But I was so used to him doing that since we were kids that I never bother to put meaning behind all those!

Ang mas masakit pa ay wala akong kamalay-malay na ako na pala ang isa sa makakasakit sa kanya. Noong mga panahong masaya kong ikinukuwento ang lahay tungkol kay Juancho. Mga panahong naipapamukha ko na pala sa kanya na ito ang gusto ko.

Kaya pala... nag-iiba minsan ang timpla niya sa tuwing pag-uusapan namin si Juancho. Kaya pala pakiramdam ko... iniiwasan niya ako buhat nang malaman ang tungkol rito. Bakit hindi ko naisip 'yon?

Bakit ang tanga-tanga ko? Pakiramdam ko, ang sama-sama kong kaibigan.

I have a lot of questions. I want to know why he didn't tell me that sooner. I want so bad to apologize over and over again, until all the guilt I have inside me washed over. But that's impossible. I think I will forever hold this guilt in my heart.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa pakiramdam ko ay natuyo na ang lahat ng luha ko sa mata. Gusto kong tumawag kay Juancho at sabihin ang lahat ng nangyari. But then, how am I supposed to tell him that after repeatedly assuring him that Micko is just my friend? Will he believe me if I tell him that I didn't have the faintest idea about it?

I think maybe he will. With all this time that I've been with him, I witnessed how understanding he is. And it's not like I knew that Micko feels that way. I guess I am just that dense. I am so foolish. And that foolishness hurt my best friend.

Pero kung iisipin, ano ba ang posibleng mangyayari kung sakaling kaagad kong nalaman ang lahat. Will we still be friends? Kung ako ang tatanungin, hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko nais na may magbago. Iyon nga lang, hindi ko alam kung ganoon din ang pakiramdam ni Micko. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mabigat sa dibdib ang sitwasyong ito.

Tatlong katok ang nagpatigil sa pag-agos ng aking mga luha.

"Kakain na, Sharik! Sasabay ka ba o hindi?"

Suminghot ako at pinilit ang sariling kumalma. "M-May tinatapos lang po, Ma! Bababa rin ako mamaya, ako na kukuha ng pagkain d'yan."

"Sige, bilisan mo! Kumain ka na muna bago mo tuloy 'yan para sabay-sabay nang mahugasan ang mga plato!" I heard her clearly.

I just hummed in response. Pinilit kong ikalma ang sarili upang hindi ako mahalata. I stood up from my bed and quickly washed my face before heading downstairs to get my dinner. Dinahilan kong may gagawin pa ako upang dito sa kuwarto ko makakain.

I took a full bath before facing Juancho on our usual night call. Sasabihin ko sanang huwag na muna kaming magtawagan ngayong gabi dahil sa nangyari pero may parte sa akin na gusto siyang makausap at makita kahit sa screen man lang. His face calms me down, for some reason.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way I Loved You (TOA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon