Chapter 6

28 3 11
                                    

Ilang minuto na akong nakakatitig sa reply ni Juancho. Paulit-ulit ko ring binabasa ang kabuoan ng mensaheng natanggap ko mula sa kanya.

Sa konteksto nito, halatang hindi lamang ako ang nakatanggap noon. It was constructed for everyone who received a greeting from him. Still, it was enough to make my heart thumped and amazed!

The message was indeed inspiring and exhibits a sense of devout. Also, it made me realize how different he is from me. Juancho is a very religious individual. While me?

I'd rather not answer that.

May umusbong na problema sa isipan ko. Wala akong ideya kung ano ang isasagot ko sa reply niya. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ito. Ang impresyon ko sa kanya ay 'yung tipong hindi sasagot sa mga mensahe lalo na kung hindi ka-close.

I don't want to leave him on read but I also don't know what to say!

I mean, ano ba ang isasagot ko? Thank you? Amen to that? God bless?

Oh gosh, nakakakilig pero ang hirap din pala!

Ah basta. Ang mahalaga, nag-reply siya. Napakaganda ng simula ng bagong taon ko. At least, he's now very aware of my existence.

I contemplated for a short while before I settled on simply reacting to his reply. Napag-isip-isip ko na kung sasagot pa ako, medyo mahahalata na ang tagal kong pinag-isipan lalo pa't kanina ko pa na-seen ang mensahe niya.

Hindi naman sa iniisip ko na naghihintay siya pero what if nakita niyang na-seen ko na? I think a heart reaction is enough, for now.

Nanatili ang ngiti sa aking mukha hanggang sa makalabas ng kuwarto at bumalik sa pagsasaayos ng bahay at pagtulong sa pagluluto. Ate Gia bought letter balloons online and we have to stick that to the wall for our holiday background.

"Ang saya mo ata, Sharik?" ani Ate na kasalukuyang nagpapalobo ng balloons.

"Nakangiti lang, masaya na?" wala sa sarili kong tugon.

"Ay, Sharik? Pinagsasabi mo d'yan? Malamang masaya ka! Ngingiti ka ba nang halos kita na ang bagang mo kung hindi?"

Huh? Totoo bang halos kita na ang bagang ko? Parang hindi naman ata. Napaka-over lang ng reaksyon niya.

"Puwede kaya! Napepeke ang ngiti, Ate," depensa ko at tumulong na sa pagpapalobo ng mga letter ballons.

"Sus, dahilan nito. May kalandian ka 'no? Sabihin mo na, hindi ko naman din sasabihin kay Mama."

Uminit ang pisngi ko. "Wala! Gaya mo pa ako sa'yo."

Nag-reply lang naman ang crush ko! Grabeng achievement na 'yon kahit na hindi pa kami naglalandian. Siguro, hindi pa sa ngayon.

Libre pa rin naman ang mangarap!

Nakita ko ang pag-ngiwi ni Ate. "Oo na. Kunwari na lang naniniwala ako. Nauna akong ipanganak sa'yo, Sharik. Alam ko na ang mga ganiyang siste," sambit nito.

"Huwag kang mag-alala, Ate. Sasabihan kita kapag meron na."

Hindi ko sinasabing si Juancho iyon subalit malay mo naman. Fate works differently. It knows how and when to connect two things that don't work together. As the saying goes... the opposite attracts.

Kasi naman e! Ang guwapo talaga ni Juancho. I saved his profile picture on my device earlier and stared at it for a long time. Siya talaga ang tipo ko sa lalaki.

Of course, since we're not yet close, I'll base it on my first impressions of him for now. Kapag pinaburan ako ng tadhana at binigyan ng pagkakataong mas makilala pa siya, maari pang magbago 'yon.

The Way I Loved You (TOA Series #1)Where stories live. Discover now