Chapter 10

34 4 7
                                    

Cristine was really happy when I told her that Ate Weng still does accept people who want to join our organization. At dahil kaagad siyang nagsabi, isasali siya sa induction ceremony na gaganapin sa Linggo.

Kaagad niya akong sinabihan na pinapa-rush niya ang pinapatahing uniporme. Ilang araw na lamang ay gaganapin na iyon kaya't dapat na makahabol.

I tried to divert my attention by writing drafts for my new story. My outline was already done so are my character profiles so I started with the first few chapters.

Hindi pa ako sigurado sa ilang parte kaya naman hindi ko pa sinasabi kay Micko. Siguro, ipapatingin ko na lamang kapag marami-rami na ang naisulat ko.

"Buti hindi ka magq-quit?" tanong ni Pam nang minsa'y makitambay ako sa kanila.

"Bakit naman ako magq-quit?" I questioned back and put a piece of chip in my mouth.

"E, kasi 'di ba, sumali ka para makita siya? Umaasa ka pa rin ba na magiging okay kayo after no'ng nakaraan?"

I swallowed the food inside my mouth before protruding my lips. The truth is, I thought about that for the past few days. I joined the org for him but since I was already rejected, there's no more reason for me to stay.

But then, I don't want to quit. For some reason, I somehow enjoy being part of the Children of Mary Immaculate. The procession last Sunday was tiring but somehow... fun and meaningful. Well, before my talk with Juancho happened, of course.

Hindi na ako masyadong umaasang magkakamabutihan pa kami. Siyempre, gusto ko pa rin naman siya. Subalit hindi na kagaya noong nakaraan na mag-a-assume ako ng kung ano-ano.

Maybe, I'll just focus on the organization while still admiring him until my heart gets exhausted.

"Hindi ako umaasa, Pamela. Gusto ko lang mag-stay. Alam mo na, for a change. At saka, sayang ang uniform. Siguradong magagalit si Mama 'pag sinabi kong nag-quit ako agad e, halos kasasali lang din natin," sambit ko na lamang.

"Sabagay," sagot niya at kumain na lang ng chichirya.

Nang dumating ang Sabado ay nagtungo kami sa may simbahan para sa practice sa gaganaping induction. Dahil mayroong mga matatandang umuokupa ng loob ng simbahan ay doon kami sa katabing basketball court ng barangay.

Ni-ready ko ang sarili ko para sa araw na ito, halos isang linggo mula nang makausap ko siya. Sa ngayon ay hindi pa ito dumarating.

"Sharik!" tawag ng kung sino sa akin.

Nilingon ko iyon at natanaw si Cristine na papalapit. Tinitigan din siya ni Pamela na bahagyang mayroong pagtataka sa mukha, siguradong kuryoso kung sino ito.

Nginitian ko si Cristine. "Hi, nandiyan ka na pala."

"Oo, hinatid ako ni Daddy," masayang anito at tinitigan din ang aking pinsan. I cleared my throat.

"Uh... Cristine, si Pamela, pinsan ko," saad ko, "Pam, si Cristine. School friend."

Cristine smiled and waved at my cousin. "Hi! Nice to meet you!"

Ngumiti lang din si Pamela at tinanguan ito. Tumabi sa amin ang bagong dating habang hinihintay pa ang ilang miyembro. Sa paghihintay ay walang ibang sinabi si Cristine bukod sa kung gaano siya ka-excited.

"Sana pansinin niya ako! Kakapalan ko talaga mukha ko at magpapakilala. Sabi nila, the percentage of getting the boy you like is higher when you do the first move!"

I forced a smile as I nodded at the thing she said. That does not apply to every situation, though. Ako rin ata ang nag-first move pero sa huli, hindi naman tumalab.

The Way I Loved You (TOA Series #1)Where stories live. Discover now