Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin

Magsimula sa umpisa
                                    

I really wish that he's honest with me. Hindi ko yatang makakayanan, kapag ipinagpalit niya ako sa iba.

~~~

Leo's POV

Hindi naman pala ganoon kahirap mag sinungaling.

Madali ko agad napaniwala si Jesse sa lahat ng kasinungalingan na sinabi ko. At siguro na din dahil bago pa man siya tuluyang magduda, inunahan ko na siya at hinalikan siya.

O diba? Napatahimik ko na ang maingay niyang bunganga, nakalibre pa ako ng late morning make out session with her.

Siguro nga mali itong ginagawa ko. At inaamin ko gago ako sa paglalaro ng isang babaeng mahal na mahal ako. Kaso lang hindi ko pa siya kayang pakawalan dahil ang relasyon namin ni Jade ay hindi pa naman sigurado. Ang nangyari sa amin ay parang one night stand lang. At kahit na sinabi niya sa akin na hindi pa daw iyon ang huli naming pagkikita, hindi ako pwedeng mawalan ng reserba kung sa kali mang magsawa sa akin si Jade. Kaya ayun, no choice kung hindi pagtiisan muna si Jesse.

"Labs, thanks for earlier." Pambobola ko sa kanya ng makarating na kami sa Brent. Hinawakan ko ang kamay niya para may effect kunwari pero ang totoo niyan hinahanap ko na si Jade.

Nakailang beses na akong nagtetext sa kanya kaso hindi siya nag rereply.

"No probs. Anytime." Nag wink sa akin si Jesse. Kung dati na tuturn-on ako sa tuwing gagawin niya yun ngayon parang tanga lang siya na nagwink sa kawalan.

"Sige labs, text na lang kita pag dismiss na kami ng lunch, 'kay?"

"Sure," Hinalikan niya ako ng matagal...lasang cherry ang labi niya. Magaling din siyang humalik kaya nakisabay na lang ako.

Pagkapasok niya ng kwarto niya, hindi na ako lumingon at agad namang pinunasan ko ang lipstick niya na napunta sa labi ko at tinawagan na si Jade.

Kumapara sa labs ko mas magaling si Jade pagdating sa halikan.

Mas magaling siya sa lahat.
~~~

Belle's POV

"Gosh! Sana umabsent si Witch Belle!"

"I know right? Sana talaga wala na siya dito."

"Hmph! Alam mo girl, kung wala yan dito sa Brent kasama nung dalawa niyang kaibigan lahat okay na sana."

"Oo nga eh, nako! Mga panira talaga ng buhay!"

"Yeah right, ang bitch talaga nun,"

"Sinabi mo pa girl! Anak ata ng demonyo yan eh,"

Fvck.

I want to stab them all and feed them in the angry furnace of our expensive villa if they will not stop talking and gossiping like crazy old fools.

Jeez! Ano ba ang tingin nila sa sarili nila? Superior than me? Did they actually think that they are better than the Perfect Belle Silva?

Fvck that! They are nothing to me...All of them...they are just a piece of shit for me.

Psh. Umagang- umaga iyan agad ang bungad sa akin pagkababa ko sa naghatid sa aking luxury car.

Ang mga pangit at walang kwentang mga estudyante ng Brent University na nag chiichismisan tungkol sa akin at parang tanga lang, hindi nila napapansin ang napakaganda kong presensya sa likod nila. Nasa parking lot pa din kami, kaya nagtataka ako bakit sa dinami-dami ng place dito sa Brent ay dito pa napili ng mga panget para mag-usap.

Morons.

Actually, dapat akong magpasalamat sa mga pangit na babaeng ito na parang mga tangang nag chichismisan sa harap ko kasi dahil sa mga good-for-nothing haters like them, mas sumisikat pa ako.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon