New School, New Life

29 1 0
                                    

Keith POV

i have my own car now, binigay ni Tito Alejandro, after kasi ng engagement party nagsabi ako kay Dad na ayaw kong ihahatid sundo ako sa school, gusto kong kumilos na parang isang normal na teenager, kaya naman imbes na bili ay ibinigay na lang daw saken ni tito Alejandro ang sasakyan na gamit ko.

Nakapasok na ako ngayon sa school ground ng Lanford University ang School kung saan puro anak ng businessman and woman ang mga nag-aaral.

Welcome to your new home keith, sabi ko sa sarili ko habang nakatanaw sa malawak na field ng School na toh.

After that nilock ko na ang pinto ng sasakyan ko at dala ang gamit ko naglakad na ako papunta sa building kung nasan ang room na pagpapasukan ko.

"Is that Storm Keith?" -girl1

"yeah girl, siya nga, yung fiance ni Carlos" -girl2

"what the -- bakit may anghel na naglalakad dito sa school ground?" -boy1

"shut up Marco, She's Carlos Fiance" -girl3

"ang puti niya sobra parang gatas, saan kaya siya nagpapableach? i should try that" -girl4

Yan ang ilan kong narinig while papunta ako sa room ko, at dahil shy type ako kapag may mga pumupuri saken, para ng kamatis ang mukha ko sa pula.

After ilang minutes na paghahanap ko sa room ko, nakita ko narin siya. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto, yung maingay na nabungaran ko biglang nagsipagtahimik, parang feeling ko tuloy ay outsider ako pero nang maalala ko yung sinabi saken ni Leah na sistema ng mga students dito paganahin ko lang daw ang tinatawag niyang Art of Dedma para daw hindi ako mailang, so ganun nga ang ginawa ko.

Naglakad ako papunta sa first row at naupo katabi ng nakasalamin na girl na parang nerdy. I told you, tahimik lang ako at observant kaya naman naglabas ako ng ballpen and notebook at sinulat ko lahat ng naoobserbahan ko.

Ilang sandali pa ay may narinig kameng mga tilian sa labas ng room then after ilang minute may pumasok sa room na isang grupo ng mga hunks men at di lang hunks kundi handsome din, yung mga maiingay kanina na nanahimik nung dumating ako ngayon ay ang iingay na ulit. Dumaan si Carlos na hindi ako tinapunan ng kahit isang sulyap pero ayos lang saken yun, alam ko namang ilag saken yan kaya hinayaan ko na lang.

"Yessss, classmates natin ngayong buong sem ang Black Phantom"

"Grabe ang popogi talaga ng mga players ng Black Phantom lalo na si Carlos"

"Pogi ni Lucas"

"Pogi din ni Toffee at Patric"

"Si Jacob and Drake din"

"Akin ka na lang Lucky"

Di ko alam kung anong meron sa grupong toh ni Carlos , oo mga hunks and handsome nga sila pero hindi ko maintindihan kung bakit nagdrudrool over them ang mga girls, ano bang special sa mga ito?

Sa italy kasi walang ganito, lahat focus sa study, walang pakielam sa paligid even kissing in public wala silang pakielam, kaya siguro ganito ako, tahimik lang, napapailing lang ako sa mga naririnig ko from the other girls.

After ilang minutes dumating narin ang profesor namen.

"Good morning class" bati niya "well may i call Ms. Storm Keith E. Salazar?" pagkatawag sa pangalan ko ay tumayo na ako agad sa tapat ng upuan ko.

"You're from Italy?" tanong niya saken.

"Yes mam" sagot ko naman.

"Okay, Introduce your self to your classmates" saad niya at nginitian ako.

Love Moves in Mysterious WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon