The Library

23 1 0
                                    

Keith POV

"Seniorita Keith, pinapapunta ho ikaw ng Daddy mo sa Library." sabi ng Mayordomang si Nana Belen.

"Sige po Nana Belen, susunod na po ako" sagot ko sakanya.

Iniligpit ko muna ang mga gamit ko sa pagsusulat at saka pumunta na sa Library.

* at the library

kumatok muna ako ng tatlong beses saka ko binuksan ang pinto ng Library. Naabutan ko si Dad na nakaharap sa mga paper worka niya, naramdaman niyang pumasok ako kaya ngayon ay nakangiti siya.

"Come here anak" anyaya niya saken.

"Ipinatawag mo daw po ako sabi ni Nana Belen." sabi ko sa kanya habang paupo sa harap ng working table niya.

"Oo, may mahalaga kasi akong sasabihin sayo." sagot naman ni Dad.

"At ano naman po iyon?" tanong ko naman.

"Uhmm .. alam kong maninibago ka pero i decided na ilipat ka sa University kung saan nag-aaral si Carlos" panimula niya, hindi muna ako nagsalita dahil alam kong may karugtong pa iyon, "Alam ko din na hindi niyo pa lubos kilala ang isa't-isa kaya naman maganda siguro kung magkakasama kayo sa iisang iskwelahan" dagdag pa ni Dad.

"Uhmm.. No problem Dad." Walang gana kong sagot kay Dad. Sana lang di niya mahalata.

Ngumiti naman si Dad sa sagot ko. "Salamat anak at di mo ako dinisappoint, hayaan mo at babawi din ako sayo anak" sabi pa ni Dad.

Wala naman akong magagawa diba? they know whats the better for me edi susundin ko na lang, gusto ko lang naman ay tahimik na buhay pero mamimiss ko ang Italy :(

"Sige po Dad babalik na po ako sa room ko" paalam ko sa kanya, tumango naman siya bilang pagsang-ayon kaya tumayo na ako at lumabas.

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik sa room ko.

Hindi lang kasi Italy ang mamimiss ko kundi pati narin ang mga friends ko dun lalo na ang mahal kong si Brix, my 1year boyfriend there at napilitan akong hiwalayan siya dahil sa Arrange Marriage na yan, ipinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit kelangan naming maghiwalay. Sa totoo lang hindi talaga siya pumayag, hindi din niya alam na umuwi na ako ng Pilipinas, hindi narin ako nagpaalam dahil pipigilan niya lang ako. Isang musikero si Brix at independent, hindi ko sya katulad na nagmula sa isang marangyang pamilya pero minahal ko siya dahil sa efforts na pinapakita niya saken nung nanliligaw pa lang siya.

Okay narin siguro na nailipat ako ng school ni Dad para makalimutan ko narin si Brix.

Nakabalik na ako sa room ko, padapang nahiga sa queen size bed ko at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

----
okay lang ba ? comment lang po.

Love Moves in Mysterious WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon