The Engagement Party

23 1 0
                                    

Keith POV

Four pa lang ng hapon, seven in the evening ang start ng party, nandito ako ngayon sa presidential suite ng hotel namen, sa Recreational hall daw kasi ng hotel gaganapin ang party.

bZzZttt ..
(tunog ng buzzer)

Nakita kong pinagbuksan ni Nana Belen ang nag-buzz sa labas at pumasok ang dalawang nag-gagandahang dalagita.

"Hello ate Keith, its nice to see you again" bati ni Leah, ang bunsong kapatid ni Carlos na bestfriend naman ng kapatid ko.

"Nice to see you too Leah" ganting bati ko sa kanya.

"Kinukulit ako ni Leah ate Keith thats why we're here" singit naman ni Margaux habang busy ang mata sa gadget na dala niya.

"Why?" tanong ko naman na medyo curious. Nagkibit balikat naman si Margaux kaya naman biglang sumingit si Leah.

"Eh kasi ate Keith i really really like you, as in you na sobrang pretty tapos ang baet pa, tapos nakaka-wow yung mga hobbies mo, writing a novel? acting and singing? hayyyy gusto kong maging kagaya mo ate Keith" tuloy tuloy na sabi ni Leah sabay nangalumbaba siya. Natuwa naman ako sa sinabi niya at medyo namula.

"Bolerang bata" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Hindi ko alam ang mambola ate Keith pero ang magsabi ng totoo? yun alam na alam ko" sabi niya habang nakangiti at tumataas taas pa ang mga kilay. Nginitian ko na lang siya.

"Tsaka alam mo ba ate Keith? Never ko pang nakita si kuya Carlos na tignan ka, Minsan nga naiisip ko kung takot ba siyang malove at first sight sayo, alam mo yun?" dagdag niya pang sabi. Ang daldal niya talaga pero na-curious ako sa sinabi niya saken. May girlfriend na kaya yun si Carlos? biglang ilaw ng bulb sa ulo ko.

"ehh baka naman loyal at off limits ang mata ng kuya mo at dapat dun lang siya titingin sa girlfriend niya" biro ko.

titignan ko kung magdadaldal din siya kung ano ba ang kuya niya talaga.

"Girlfriend? Loyal? eh naku ate Keith, hindi sa paninirang puri ko sa kuya ko pero di uso sa kanya yun, after niyang pagbigyan yung pagflirt sa kanya ng mga girls hindi na yun nakakalapit sakanya ulit, once is enough daw, ewan ko ba dun kay kuya Carlos, di mo alam kung Casanova o Playboy lang eh, minsan nga naiirita na ako lalo na yung nagclaclaim na nabuntis daw siya ni kuya Carlos" litanya niya , medyo nagulat naman ako sa buntis thingy.

"halaaaaa !!" biglang napatutop naman siya sa bibig niya nung nilingon ko ulit siya. "Ang daldal ko talaga kainisss" sabi niya pa tapos palo ng bibig niya.

tss .. napailing nalang ako habang nakangiti sa kanya. Nakakaaliw talaga tong si Leah.

after 3 hours

Carlos POV

Nandito na kame sa venue kasama ang mga team mates ko sa basketball na mga kababata ko din.

"Ready ka na ba Carlos?" pambubuska ni Toffer ang pinakamatalik kong kaibigan.

"shut up toff!!" ismid kong sabi habang umiinom ng wine na binibigay ng mga waiters.

Naiinis kasi ako, kanina pa nila ako tinatanong kung ano daw ba itsura ng Keith na yun eh kahit ako nga di pa nakikita mukha niya , hindi ko naman kasi pinagkaabalahang tignan yung mukha niya nung lunch dahil nga sobrang badtrip ko, basta ang alam ko lang maputi siya na parang gatas.

"oh come on Carlos, i-eengage ka dun kay Keith na di mo alam kung ano ang itsura? wag nga kame" pang-aalaska pa saken ni Lucky isa sa team mates ko.

"As i've said guys, the hell i care" huling sabi ko sa kanila at after nun namatay na ang ilaw at isang malaking spot light ang nakatutok sa harap na may mini stage.

Lumabas ang Event Organizer at binati lahat ng dumalo sa Engagement party na toh at ilang minuto pa ay pinapunta na niya sa harapan sila Papa at Tito Leo.

"Welcome everybody" panimula ni Papa "Salamat at nakadalo lahat ng inaasahan namen ni Leo na dumating and on behalf of this Engagement party i want you give around of applause to Mr. Leo Salazar." After nun ay ipinasa naman na ni Papa kay Tito Leo ang hawak niyang micropono.

"Good evening ladies and gentlemen" panimula ni tito. "Alam ko ang iba sainyo ay nacucurious kung sino ba sa anak ko ang ieengage ngayong gabi , well, i have an eldest daughter who lives in Italy with my wife Thalia. Kaya ang madalas niyo lang na makita ay ang bunso kong anak na si Margaux. For all you to know im gladly to introduce my eldest daughter Storm Keith E. Salazar, Come here in front anak" sabi ni Tito Leo.

Naglingunan ang mga bisita mula sa may pintuan ng hall at nakatutok ang spotlight sa nakaputing-dress na babae , mahaba ang alunan na buhok na hinayaan lang na nakalugay, maamo ang mga mata, maliit at matangos ang ilong, may makipot na labi at may mamula mulang pisngi.

"woooooohhh" rinig kong sabay sabay na reaction ng mga kaibigan ko na nakatingin narin sa babaeng nakaspotlight.

"ang ganda niya" sabi ni Toffer na katabi ko lang.

"sis wala na talaga tayong pag-asa kay Carlos look at his fiance ang ganda"

"shut up , maputi lang siya , and look at her face kung makapagblush on ang kapal at yung buhok niya mukhang dry"

"ang swerte naman ni Carlos, walang kahirap hirap"

yan naman ang mga narinig kong bulungan ng mga crowd. Napaismid pa ako sa huling narinig ko.

Nakarating na siya sa harap at hihintayin ko na lang ang pag tawag saken ni Papa.

" Napakaganda talaga ng dalaga mo kumpadre" sabi ni Papa "Ngayong nandito na si Storm Keith, nais ko namang tawagin ang aking anak na si Carlos Miguel Antonio" yun na ang hudyat para lumapit ako sa harap.

"Go Carlos" sigawan ng mga siraulo kong kaibigan.

"Gosh, ang pogi talaga ni Carlos"

"Carlos ako na lang pakasalan mo"

"Swerte mo dude"

Mga bulungan na naririnig ko habang papunta sa harapan. Napangisi na lang ako.

Nang nasa harap na ako ay nag giveway naman si tito Leo para makatabi ko ang anak niya. Akala naman nila na ganun ganun na lang toh? Kahit gano pa kaganda tong si Keith huwag silang umasa na mamahalin ko tong babaeng toh.

After namen na ipakilala sa crowd at sabihing engage na kame ay bumalik na ako sa mga kababata ko, wala na akong pakealam, magiinom na lang ako.

---
comments guys please para po aware ako kung panget ba siya o may dapat pa ba akong idagdag.

Love Moves in Mysterious WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon