PROLOGUE

10K 180 0
                                    

Bakit ba kasi nauso pa sa mundo ang mga gangster-gangster na iyan?

May napapala ba yung mga gangster na iyon kapag nakikipag-away o basag ulo sila? Wala naman, hindi ba?

Magsasayang lang sila ng energy! Hindi naman sila mabubusog doon. Hindi naman sila mabubuhay ng pakikipag-away nila in the future. Imbis na mag-aral na lang sila ng matiwasay sa school since college na, pero gano'n pa umasta.

Ano? Kapag nanalo sa laban, masaya? Pero kapagnatalo uuwing luhaan?! 

Tapos ito pa! Oo, karamihan sa mga gangsters na lalaki, gwapo, pero ano naman?  Iyong mga babaeng laging tumitili kapag nakikita ang mga gangster sa school namin.

Tulad ngayon...

"KYAAAAAAHHH!!! ALEXANDER! you're so hot!"

"OH GOSH! ALEXANDER! SAKIN KA NA LANG!"

"FUCK! FUCK! ANG GWAPO-GWAPO MO ALEXANDER!"

"WAAAAAAHHHH! PWEDE NA AKONG MAMATAY SA KILIG!"

Oh see? Akala mo naman mapapansin sila ng pinaka-mamahal nilang si ALEXANDER!!

E dine-dedma nga lang sila! Nagsasayang lang sila ng laway at boses nila. At isa pa, nakaka-istorbo sila sa estudyanteng katulad ko na gustong mag-aral ng mabuti at tahimik. Sa araw-araw na ginawa na lang ng Diyos, lagi silang tumitili. Sa bawat hallway, basta makita nila ang Alexander nila, sisigaw na agad.

Hindi ako katulad nila, na kaya lang siguro pumapasok sa eskwelahan ay para lamang makita ang pinaka-mamahal nilang si Alexander. Akala mo naman si Alexander the Great ang nakikita nila!

That's why I hate gangsters. Kasi wala naman akong mapapala sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-focus lagi sa reviews ko dahil sa ingay nila sa kahit saang sulok ng school.

Ang ingay-ingay nila!! College na pero akala mo mga teenagers kung kumilos at umasta dito sa eskwelahan. Hindi man lang suwayin ng mga guro, dahil pati sila ay nakikisali sa tilian. Gusto ko nang lumipat, kung hindi lang ako scholar dito ay hindi ako magtitiis.

Yung pinagkakaguluhan ng mga babae? Siya si....

ALEXANDER LEI EMPIRE, the MR. GANGSTER.

Mr. Gangster (Book 2 of GP) Where stories live. Discover now