Gets?" Nagnod sya at umupo ng tuwid.




"May mga tanong ako na dapat mong sagutan—-"




"Ok basta wag lang math hate ko yun."




"Tsk ok. Ito kung bibigyan ka ng bulaklak anong bulaklak ito at bakit?"





Tumingin ako sa kanya pagkatapos kong basahin ang questionnaire na dala ko.




"Seriously Lance magsusurvey ka? Bakit?"




"Wala ka na dun sumagot ka na lang kasi dami mo pang tanong." Nababagot na ako kakausap kay Denise ako na nga nagtatanong tapos tanong din ang isasagot! Naman!





"Sungit! Meron ka nu? Haha hmm ako red rose tapos dapat may kasamang bear at chocolates para sweet." Nakatingala pa ito at kinikilig na nag iimagine.





"Hmm okey. Kung mamasyal ka ngayon kasama ng special someone mo saan mo gusto pumunta?" Napatingin sya sa akin at bigla itong namula. Tsk ano kaya iniisip nito? Yumuko ako at tila may binubura sa sulat ko nang magsalita sya.





"Gusto ko talaga pumunta sa beach. Gusto magkasama kami manood ng sunset. Oh di ba ang sweet?"




Yumuko sya at parang may sinusulat gamit ang daliri nya sa lamesa.





"Uy ano yan?" Tanong ko kaya binura nya agad at tumingin sa ibang direksyon.

May sayad ata to kaya lang sayang sya pag nagkaganun. Haha bahala na. Tumayo ako at tinawag ang atensyon ni Denise.





"Tama na ang pagiging emo mo gawin na natin to."



Dear Diary 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon