Naunang maglakad sa akin si Ate Zofia at lumapit kay Ate Andrea. Nakita kong niyakap ni Ate Andrea ang kanyang kamay sa maliit na baywang ni Ate Zofia at kinabig ito papalapit sa kanya.

Di ko maiwasang di mapaluha. Mabuti pa sa ibang tao pinapahalagahan ako. Mabuti pa ang mga taong di ko naman kadugo pero tanggap ako. Mabuti pa iyong di ako kaano-ano mahal ako. Kagaya nina Nanay Susan, Tatay Carlos, si Frenny, sina Ate Andrea at Ate Zofia, at si Desmond. Ramdam na ramdam ko ang pagpapahalaga nila sa akin. Nararamdaman kong importante ako kahit na ganito lang ako. Siguro kaya hindi ako kinukuha ng Diyos kahit na ilang beses nang nanganib ang buhay ko kasi ipaparamdam niya pa ito sa akin. Ipaparamdam niya pa sa akin ang mga bagay na hindi ko maranasan noon. Iyong pakiramdam na may nagmamahal sayo. Iyong pakiramdam na importante ka kahit na di ka naman nag-ieffort; 'yong puro talaga at kusa.

"Finn? Halika!" tawag sa akin ni Ate Andrea.

Ngumiti ako at tumungo sa kanilang dalawa.

"Hey! Are you crying? Hindi mo ba gusto ang pinasuot ka? Uncomfortable?" sunod-sunod na tanong ni Ate Zofia at sinuri ang mukha ko. She even wiped my face.

"H-hindi naman ate."

"Ayaw mo ba nito? Okay lang Finn. You can change into another clothes." Dagdag ni Ate Andrea.

I waved my hands dismissively.

"Hindi po. Gusto ko po ito at m-masaya po kasi ako..."

Nagkatinginan sina Ate Andrea at Zofia.

"...masaya po ako na nag-ieffort po kayong dalawa para d-dito. Kahit na okay lang naman po ang simpleng pagkuha ng larawan gamit ang phone ko. Sobrang saya ko po kasi kahit na bago lang po tayo magkakilala hindi niyo po ako nal-left behind. Saka para ko po kayong tunay na mga ate."

Matamis na ngumiti si Ate Zofia saka humakbang tungo sa akin at niyakap ako.

"Your such a sweet talker, Finn. But really. Hindi ka mahirap mahalin, Finn. At saka ang cute mo kaya at ang lambing na tao. Who wouldn't love such pure and lovely baby like you, huh?" wika ni Ate Zofia habang yakap ako.

Lumapit din si Ate Andre. "Zofia was right, Finn. That is why we love and like you because of your pureness and loveliness."

Bumitaw si Ate Zofia sa pagkakayakap sa akin.

Tumingin ako kay Ate Andrea. "Salamat ate," sunod akong tumingin kay Ate Zofia. "Salamat din ate."

"Okay. Enough with this. Picture muna tayong tatlo bago natin kunan ng solo pictures si Finn para ma-isend ko na kay Desmond. Naka-send na naman ako sa kanya sa mga larawan kanina pero dadagdagan ko para paliparin na n'on ang kotse patungo dito." Natatawang saad ni Ate Andrea at nasampal ni Ate Zofia ang balikat niya.

"Papunta na dito si Desmond, ate?" Kuryoso at excited kong tanong.

Kumindat si Ate Andrea. "Oo, Finn. Kaya dali take na tayo ng pictures dahil baka masira n'on ang suot mo ngayon. Bagay na bagay pa naman sayo! Maglalaway talaga ang hayop na 'yon sa'yo."

Sinuway ni Ate Zofia si Ate Andrea pero napangiwi naman ako. Ano ba naman iyang sinasabi ni Ate na maglalaway si Desmond. Ano si Desmond? Aso? At saka sa sinabi ni Ate Andrea na baka masira ito ni Desmond. Di ko na siya papayagan doon. Di ko na nga makita ang regalo ni Frenny, e. Tapos sisirain niya pa itong hiniram ko kay Ate Zofia. Ang sama lang niya!

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now