Wala siyang sagot. Tahimik lang siya.

"Alam mo, Vaughn? Sana hindi mo nalang ako ginerfriend kung ganito lang din ang mapapala ko sayo. May-pa I call you every day ka pang nalalaman pero hindi mo naman ginawa. Mas mabuti pa yung hangin, climate change at pag-taas ng presyo ng gasolina ramdam ko. Habang ikaw? nowhere to be found. Puro ka lang paasa at pangako, at ako naman si tanga umaasa din sa mga pangako mo. Letche ka!" inend ko ang tawag saka inis na tinapon ang cellphone sa drawer. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina para uminom ng tubig para palamigin ang sarili ko. Sa ganitong eksena ako naabutan ni Rivah.

"Anyare sayo ba't mukhang biyernes santo yang hitsura mo?"

"Paki mo ba?" tinalikuran ko ito at bumalik sa kwarto. Nadatnan kong panay ring cellphone ko kaya wala akong choice kundi sagotin yun.

"Ano?"

"Baby, I'm really sorry." wika ni Vaughn.

"Ayan ka na naman sa sorry mong yan. Porket alam mong madali lang akong bumigay aabusohin mo na. Galit ako!"

"I know and I'll make it up to you as soon as I'm finish here."

"Finish or not, magpakita ka sakin this week. Uuwi ka o hindi?"

"Baby, I can't leave at the moment. Hindi pa ako tapos dito please understand me."

"Lage naman ah. Saan banda ba kita hindi naintindihan? Halos wala na nga tayong communication e."

"Last na talaga 'to. I just need a little more time."

"Buti pa yan pinaglaanan mo ng oras samantalang ako deadma lang. Pumili ka, Vaughn. Uuwi ka o hihiwalayan kita?"

"You're pressuring me."

"Hindi ako nakipag-biroan sayo. Kapag hindi ka magpapakita sakin within 2 days, makikipag break na ako sayo. So uuwi ka o hindi?"

She heaved a sigh. "I'll try."

"Ewan ko sayo break na tayo!" binagsakan ko siya ng tawag at pikon na nagbihis at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa Café para doon ibuhos lahat ng frustrations ko kay Vaughn.

"Yen? Anong ginagawa mo dito? Diba day off mo?" takang tanong ng kasamahan ko sa trabaho.

"Ako na magduty umuwi ka na."

"Ha, sure ka?"

"Kailangan ko pa bang ulitin? Sabi ng ako na e. Lumayas ka na. Ako na mang-hugas, maglinis, mag-mop, ako na lahat kasi punyeta masipag ako."

Napakamot ito sa ulo. "Sige, sabi mo e."

Nagsuot ako ng apron saka nagsimulang mag-linis. Panay mura ko habang ginagawa ito.

Nasa kalagitnaan ako sa pag-mop ng sahig nang matanaw ko sa labas sila Sue, Maggie, Gail at Rivah. Pumasok sila sa café na puno ng pagtataka.

"Akala namin nagbibiro lang si Riri kanina, nandito ka nga. Sunday na sunday bansot ba't nag tatrabaho ka? Wala ka bang day off ngayon?"

"Paki nyo ba? Kung kayo hindi nyo na kailangan mag trabaho kasi naka-angat na kayo sa buhay pwes ibahin nyo ako. Go away and leave me alone."

"Bibili po sana kami ng cake." inosenteng sagot ni Maggie.

"Walang cake ubos na. Kinain ko na lahat kasi putangina gutom ako!"

Sabay silang apat tumawa. After that pumuwesto sila sa bakanteng table at relax na umupo doon.

"Bakit ang dilim dito sa café?" rinig kong tanong ni Gail. "Switch on mo nga yung ilaw."

Inis kong tinungo ang kabilang dako at binuksan ang ilaw. "O ayan! I light up the world na. Masaya ka na?"

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon