Chapter 2: Friday the 17th

0 0 0
                                    

[Third's POV]

9:17 ng umaga nasa unibersidad na agad si Mikki dahil maaga ang Schedule niya sa araw na ito. Pagpasok niya sa kanyang silid sa unang subject ay para bang walang pakialam sa kanya si Prof. Federito.... Na ikinasiya naman niya.

Dahil simula pa noon, lagi nadadala si Mikki sa Detention dahil lagi siyang sumusuway sa dress code ng kanilang University.. lagi siyang naka pormang suot at minsang na ding tinawag na "King of Fashion" sa kanila..... kaya nakakapanibago para sa kanya na di siya sitahin ng prof niya.

Mikki ay isang normal lamang na college student kung saan di ganun kagaling sa academics o sa mga sports pero ginagawa pa rin niya ang best niya....

"Okay class.... Please do review ha? And before I forgot.... Our University will still continue the Annual Festival this upcoming September... despite what happened last year", paalala ng kanilang Prof. Bago ito tuluyang umalis sa silid.

'Huh? What happened last year?' Pagtatanong ni Mikki sa kanyang sarili...... dahil wala siyang maalala na masamang nangyari nung Annual Festival nila last year.

Pero 'di na ito pinansin ni Mikki dahil ayaw niya na galugarin ang nakaraan na di naman niya maalala.

Naisipan ni Mikki na maglakad lakad.... Habang di pa nagsisimula ang pangalawa niyang klase. Habang naglalakad siya napansin niya sila Josh, Ken, at Renz ang tatlong bully na lagi niyang inuupakan.

Kilala ang tatlo na bully sa Architect Department, sabi ng iba hindi nila pinapalampas kahit mahihina at kanila iyong binubully pa rin at ginugulpi. Ang may kaya lang sa tatlo at paamuhin sila na para mga asong ay Si Mikki, kilala rin kasi si Mikki bilang "Iron Tiger Fist" kasi gaano mang kadami ang manghamon sa kanya ng away, lagi niya ito napapataob kaya di hamak na kilala di lamang sa departamento nila kundi sa buong University si Mikki.

"Please leave me alone!", pagmamakaawa ng isang babaeng nakasalamin. Pero tinawanan lamang nito nila Renz.

"Please leave me alone blah blah.... Arghh Shut up! basta ibigay mo pera mo saamin... walang masamang mangyayari sayu", pagbabanta ni Renz sa babae habang nakabantay sarado ang dalawa nitong kamay na pinagigitnaan ang babae.

'Ugh! these Three idiots again?' Bulong ni Mikki habang papalapit sa kinakatayuan ng tatlong lalaking binubully ang babae.

Isa-isa niyang binatukan ng malakas ang tatlo, pagkatapos nito ay agad na pinagpawisan ang tatlo... tanda na kanilang takot dahil i-isang talo lamang ang kilala nila na kayang gumawa sa kanila nito......

"Leave or die?", bulong ni Mikki sa tenga ni Renz.... Animo'y bulong ni kamatayan ang narinig ni Renz dahil biglang nagsitayuan ang balahibo niya sa takot.....

Pagkatapos marinig ni Renz ang bulong agad siyang umalis... umalis na may takot... umalis na para bang hahabulin talaga siya ni Kamatayan... sumunod naman sila Ken at Josh sa kanya.

'Tskk..... cowards' nangdidiring bulong ni Mikki habang pinagmamasdang umalis ang tatlo. Napatingin naman siya sa Babae na parang nalilito ang kanyang mukha sa kung ano ang nangyayari.

"Umm thanks kasi tinulungan kita?", prangkang sinabi ni Mikki na naghahantay na magpasalamat ang babae... pero imbis na mag pasalamat ito.... Tumakbo lamang ito palayo....

'Arghh! Why People are getting weirder' naaasar na sambit ni mikki sa isipan niya at sabay naglakad papaalis....

....
.......

Sa isang gilid...... nakasandal lamang si Mikki habang nag gitara habang nakatanaw sa walang katao-taong basketball court sa kanyang ibaba, ito ay kanyang gawain sa araw araw tuwing may bakante siyang oras.... Pero di nagmumukhang bakante ang oras niya dati kasi sa tuwing siya ay tutugtog.... Napakadaming taong ang lalapit at magsisitilian sa kanya...... iba't ibang papuri ang kanyang natatanggap sa tuwing tumutugtog siya....

Ngunit, iba ang ihip ng hangin ngayon. Ni isang tao wala dumadaan, nakakapagtaka man pero di na pinansin ni Mikki kasi inisip niya na once in a lifetime lang ang gantong peace na nararanasan niya..... kung saan walang tao, walang ingat at yung pwede siyang mag isa....

Doon niya na isipang isulat ang kantang "Friday The 17th", dahil Biyernes at July 17 ang araw na ito.

Mabilis lumipas ang oras at tumunog na ang bell nila na nangangahulugan na start na muli ng pangalawa niyang klase.

4:30 pm muli natapos ang huling klase ni Mikki, kaya di siya nag aksaya ng oras at agarang umuwi sa dorm nila para mapakapagpahinga.

Bago pumasok sa Dorm nila, napansin niyang nakabaligtad ang '9' kaya naging dorm 96 ang nakalagay sa pinto nila. Inikit niya ito para maibalik sa ayos na dorm 99.

"Hi kuya Mikki how's your day?", paunang tanong ni Nate na abalang nasa computer na parang may ginawa. "As usual, it's tiring like hell", walang ganang sagot ni Mikki na siyang nagpatawa kay Nate.

"Ohh kuya mikki, kuya Gelo said na ikaw nalang daw magluto ng dinner natin?", pagputol ni Nate sa kanyang tawa nung naalala niya ang bilin sa kanya ni Gelo bago ito matulog. Wala nang nagawa si Mikki kundi umirap sa narinig niya dahil pagod na nga siya, siya pa ang nakatokang magluto.

Abala ngayon mag hiwa si Mikki ng mga rekados na gagamitin niya sa pagluluto nung magbigla siyang narinig na kumanta.....

Mga sayang nabuo kasama kayo🎶

Lumingon si Mikki sa kanyang likod dahil doon niya naririnig ang tinig pero wala siyang nakita ni isa....

Kaya muli niyang pinagpatuloy ang kanyang pagluluto.....

Pangakong hindi maglalaho
Pagkakaibigang s'ya ating binuo.......🎶

Hindi na pinakinggan ni Mikki ang kanyang naririnig dahil para sa kanya baka tanging guni-guni lamang ito....

"Oh Mikki an-"

"PLEASE STOP! I DON'T WANT TO HEAR IT ANYMORE!", sigaw ni Mikki dahil ngayon may  humawak na sa balikat niya pero nung humarap siya... si JL lamang pala ito..

"Ohhh easy bro! Di mo kailangan sigawan ako.... Nakakahurt ka ng feelings ah", pag-awat ni JL pagkatapos siyang sigawan ni Mikki.

Nag sorry agad si Mikki dahil di naman niya sinasadyang sigawan ito....

'Mikki ano na?! You're being insane lately?!' Sermon niya sa sarili niya dahil sa mga di tama niyang inaasta ngayong araw

At ang mas nakakabahala pa dito ay.....

Para bang boses pa niya yung naririnig niya kanina na kumakanta.....

Pero para sa kanya paano itong nangyari?

Ano ba talaga ang nangyayari?

What Happened At 9:17? | BGYO Where stories live. Discover now