34

272 16 3
                                    

FAST FORWARD...

Caleb POV

It's Tita's birthday today at may pa-party sa mansion at syempre invited kami, kahapon pa kami dito sa mansion para hindi na kami bumyahe sa mismong birthday ni Tita.

"Love, nagugutom ako!!" Saad ni Celestine at niyakap ako.

She's so clingy, kahit nga pagihi ko dapat alam niya eh okay na din na ako ang pinaglilihan niya kesa ibang tao.

"Kakakain mo lang ng grapes kanina love gutom na naman?" Saad ko.

Nagpout lang siya kaya wala ako nagawa kundi utusan ang maid na padalahan kami dito sa kwarto ng nuggets dahil yun naman lagi ang gusto niya.

"Sir eto na po yung pinautos mo" Saad nung maid at binigay sakin ang tray ng nuggets at may kasamang water.

"Thanks" Saad ko.

Inilapag ko na iyon sa lamesa at agad naman nilantakan yun ni Celestine, habang nakain siya ay bumalik na ako sa ginagawa ko, dahil last work ko na ito magl-leave muna ako para alagaan si Celestine sa pagbubuntis niya.

"Love pupunta lang ako sa baba, gusto ko makita yung decorations for my mom's party, love you!!" Paalam niya at hinalikan ang aking labi bago umalis ng kwarto.

Celestine POV

Kakababa ko lang at napasimangot naman ako na hindi pa handa ang mga table sa pool side, dapat handa na ito! It's 3PM na!

"Hey, are y'all doing your job?! 3PM na hindi pa din nakaready ang pool side!?!" Iritableng saad ko.

"Sorry ma'am pini-pick up pa po kasi yung ibang tables eh, pasensya na ho" Saad nung isa.

"I don't care, hindi ba pwedeng ayusin niyo na habang hinihintay niyo yung ibang gamit?!" Inis kong saad.

"Madam, kami na ho bahala dito mag relax na lang po kayo at kumalma" Saad nung bodyguard ko.

"Pag balik ko at wala pa kayong nagagawa hindi ko ibibigay sainyo ang bayad niyo!" Saad ko.

"Love, what's going on here?" Biglang sulpot ni Caleb.

"Eh kasi naman wala pa silang nagagawa 3PM na!" Saad ko.

"I'm sorry about that, ituloy niyo na lang trabaho niyo" Saad nito dun sa mga trabahador.

Hinila niya naman ako patungo sa sala area at nakasimangot ako kasi nakakainis siya kinampihan niya pa yung mga yun.

"What's on that face Celestine?" Sermon niya.

"Kinampihan mo sila kesa sa'kin!" Saad ko.

"Love wala akong kinakampihan!" Saad niya.

"Hmp!" Saad ko at nagtungo sa kusin para kumuha ng apple sa ref.

"Love don't be rude" Saad niya.

"I'm not rude! You're rude!" Saad ko at kinagatan ang apple.

"Okay I'm sorry" Saad niya pero inirapan ko lang siya.

"Don't you dare roll your eyes on me I'm not your enemy!" Saad niya.

"I want to be alone!" Inis kong saad at iniwan sa counter ng kusina anv apple na kinakain ko.

Nagtungo ako sa kwarto ko at ni-lock yun for sure hindi niya yun mapapasok, buntong hininga ako humiga sa kama at kinapa ang aking tyan.

"Nakakainis ang daddy mo!" Saad ko at hindi namalayan na nakatulog na.

Caleb POV

Ilang beses ko kinatok ang pinto ng kwarto ni Celestine pero wala akong nakuhang sagot kaya nagtungo na lang ako sa sala para dun ipagpatuloy ang pagt-trabaho ko, papalamigin ko muna ang ulo niya, kasama yun sa pagbubuntis kailangan intindihin.

"Oh iho, asan si Celestine at bakit ka nandito sa sala?" Tanong ni Tita.

"Hi Tita! May tampuhan po kami ni Celestine eh, ayun sinaraduhan ako ng pinto ng kwarto" Saad ko.

"Hay naku! Ganun talaga kapag buntis mabilis magalit o mainis pero mabilis din mawala ang inis, onting lambing lang yan Caleb" Saad niya.

"Kaya nga po, papalamigin ko muna ang ulo niya, Happy Birthday nga pala Tita!" Saad ko at niyakap siya.

"Salamat iho! Oh siya sige dun muna ako sa kwarto ko, masyadong nakakapagod yung pagsh-shopping" Saad niya.

"Sige po" Saad ko at ngumiti.

Binalik ko na ang atensyon sa aking trabaho, maya maya baba na din yan si Celestine kase for sure gutom.

🏠

:)

Aking Tahanan Where stories live. Discover now