26

281 13 4
                                    

Celestine POV

I'm home, sinalubong kaagad ako ni mommy ng mainit na yakap ganun din ang iba ko pang mga kaibigan, kasama nila ang mga anak nila, nakaramdam tuloy ako ng inggit halos lahat kasi ng kaibigan ko may asawa't anak na.

"Anak, na-miss kita buti na lang at nakauwi ka na, kamusta ang Paris?" Tanong ni Mommy.

"Ayos lang naman mommy, maganda as always" Sabi ko dito.

"May nahanap ka na bang bago sissy?" Tanong ni Khloe.

"Wala pa" Sabi ko at ngumiti.

"Bakit naman wala pa anak ilang taon ka din dun nanatili eh, wala ka bang nakilala?" Tanong ni Mom.

"Kahit naman po maghanap ako ng bago yung puso ko sya pa din ang hinahanap eh" Sabi ko.

"Tama nga sila we need to trust the process, and we understand you Celestine, alam namin na mahirap" Sabi ni Isa.

"Maiba tayo, pagod ka ba? Gutom? Gusto mo ba muna magpahinga?" Tanong ni Mommy.

"Ahm.. gusto ko po sana bisitahin yung puntod ni Daddy" Sabi ko.

Ngumiti naman sa'kin si Mommy at tumango, ilang minuto pa ay nagtungo na kami kung saan nakalibing si Daddy.

"Brix, don't touch that!" Saway ni Isa sa anak nito.

"Brix halika dito kay ninang" Tawag ko sakanya.

Agad naman itong lumapit sa'kin at kinalong ko ito, ang pogi ng anak nila how i wish i have my own child.

Gustuhin ko man sino naman ang mangaanak sa'kin? Wala nga akong boyfriend, wala din akong asawa, buhay nga naman.

Nang makarating kami sa libingan ni Daddy ay nilagay ko kaagad dun ang bulaklak at napangiti.

"I missed you dad, I'm home na, sorry kung hindi kita nasamahan sa huling hininga mo, hindi manlang ako nakapunta sa burol mo, sorry dad pero ngayon na nandito na ako gusto ko sana humiling sayo, just a small favor lang dad, pwede bang ibigay mo na sa'kin yung tamang tao? Yung mamahalin talaga ako, yung hindi ako lolokohin, i know my favor is impossible pero kakapitan ko yun, i know you dad hindi mo ako hahayaan na malungkot" Saad ko sa aking isipan habang nakatingin sa lapida nya.

"Pero hindi kita mamadaliin dad kase naalala ko ang motto mo sa buhay, kapag may gusto may paraan nakakatawa man pakinggan pero alam ko na malalim ang ibigsabihin nun sayo, thank you for being a good father to me, i promise na ik-kwento kita sa magiging anak ko, thank you for being there to guide me kayo ni mommy, thank you, i love you dad, ingat ka dyan protektahan mo kami dito ni Mommy ahh, i know na nasa mabuti kang kalagayan ngayon, i love you daddy" Pagpapatuloy ko at ngumiti.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at naramdaman ko ang yakap ni Mommy sa'kin.

"Mahirap para sa'tin dalawa noong nawala ang daddy mo, sa huling hininga nya ikaw pa din ang inalala nya, mahal na mahal ko ang daddy mo, sana masaya man sya kung na saan man sya" Sabi ni Mom.

"I love you both, wala na si Daddy, wag ka munang aalis sa tabi ko ah? Kailangan pa kita, kailangan ko pa ng magulang na maghahatid sa'kin sa altar kapag kinasal na ako, kailangan mo pa makilala ang magiging apo mo" Saad ko dito.

"Oo anak pangako ko yan sayo" Sabi nito.

Habang magkayakap kami ay nagsalita muli si Mom.

"Anak gusto kong malaman mo lahat ng ito para na din walang nililihim sayo ang mommy" Sabi niya.

"What is it mom?" Tanong ko.

"It's about Caleb.." Sabi nito.

"Bakit po?" Tanong ko dito.

"Gusto ko lang malaman mo kung gaano ka effort si Caleb na pumunta sa Mansion every week noong umalis ka, he always finding you, noong buhay pa ang daddy mo lagi niyang sinasabi na huwag ng hanapin ang wala, halos lumuhod na sa'min si Caleb para lang makita ka pero dahil matigas ang daddy mo hindi niya sinabi kung na'san ka kasi alam nyang mahihirapan ka lang mag move on kung susunod pa sayo si Caleb, gusto ko man sabihin kay Caleb kung na'san ka hindi ko magawa dahil din iniisip kita, makalipas ang ilang linggo na paulit ulit nyang pagpunta dito, ayon nawala siguro napagod pero mali kami, ang laptop mo naiwan sa kwarto mo kaya naman pinakealam ko yun, pasensya na anak gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa mo sa laptop, tapos nung binuksan ko yung email mo, puro message nya, kaya hangang hanga ako kay Caleb" Kwento nito.

"Pero niloko nya ako mommy" Sabi ko.

"Oo nga anak, pero pinakinggan mo ba yung side nya?" Tanong ni Mom.

"Simula nung nahuli ko sya wala na akong pinaniwalaan sa lahat ng sinabi nya, nablanko ako noon dahil na din sa sobrang sakit na ginawa nya" Saad ko.

"Hindi naman porket nasaktan ka iisipin mo lang ang naramdaman mo, paano namaan sya? Paano naman yung side nya?" Saad ni Mom.

"Ewan ko mom, naging selfish ako dahil sa sakit na kahit paliwanag nya hindi ko pinakinggan noon" Saad ko.

Ngayon ko lang nalaman ng lahat ng ito at dahil yun kay Mommy, may kirot sa dibdib ko yun dahil na din sa awa, naawa ako dahil sobra sobra yung effort nya makita lang ako at makausap.

Nagulat na lang kami ng may kotse na itim na huminto at niluwa non ang lalaking matagal ko ng hinihintay na makita muli ang lalaking tinitibok ng puso ko hanggang ngayon.

"Caleb..."



🏡

:3

Aking Tahanan Where stories live. Discover now