51: A Thousand Days and Nights

3.5K 92 79
                                    

M A D E L I N E

Three years have passed.

We all graduated.

Brent and Ganj got married.

Jolo and Sasha have a charming baby boy.

Pat and Axl were blessed with a daughter.

Justin and Aubrey are about to welcome baby number two.

And Denver's band is now slowly gaining recognition locally.

Three years have passed, and everything is working out for everyone.

Everyone except me.

"Bakla! Magpakita ka naman sa amin!" sigaw ni Pat sa phone. "Nakakalimutan ko na itsura mo!"

"Gaga!" Tawa ko. "Nagkita naman tayo last month, ah?"

"Tsk! Oo nga, pero one hour lang iyon dahil sabi mo may go-see ka!" reklamo niya.

Tumawa lang ako. "Next week, uuwi ako ng Manila. Dinner tayo nila Ganj."

Narinig ko ang mahinang buntonghininga niya.

"Tayong tatlo lang ulit?" tanong niya. "Mads, gusto ka rin naman makita ng buong barkada."

Ngumiti lang ako. "I'll find time," sagot ko. "Sige na, mamsh. Kailangan ko pang mag-ayos, magpapakuha ako ng beauty headshot, eh. Kumusta mo ako kay Axl at pati na rin kay Pristine!"

"Hay, nako! Hindi ka na kilala ng inaanak mo. Basta promise, next week, magpapakita ka, ha?" nagtatampong aniya. "Bye, mamsh!"

"Bye, Pat," muling paalam ko bago tuluyang tinapos iyong tawag.

I let out a sigh and put my phone back in my pocket.

Ang alam nilang lahat ay nagmomodelo ako. Iyon ang sinabi ko sa kanila kung bakit kailangan kong bumiyahe nang bumiyahe. Pero ang totoo ay nagtatrabaho ako bilang lifeguard sa resort na pag-aari ng fiancé ni Fannie.

Akalain mo 'yon?

Ako?

Lifeguard?

Minsan nga ay natatawa ako kapag sinasampal ako ng realidad. Ni minsan ay hindi ko inakala na ganito ang magiging buhay ko pagkatapos kong grumaduate ng college.

Nagbakasyon lang naman ako rito isang beses dahil inimbita kaming lahat ni Fannie, pero no'ng sinagip ko 'yong nalulunod na bata sa pool ay bigla na lang akong inalok ng mapapangasawa niya na magtrabaho bilang lifeguard.

Akala ko nga, joketime lang.

Ano bang malay ko sa pagiging lifeguard bukod sa marunong akong lumangoy at mag-CPR?

Minimum lang ang suweldo. Mababa pa ang provincial rate kaysa sa sahod sa Maynila.

Hindi ko naman dapat tatanggapin.

Hello, gumraduate ako sa Dawson University at nag-Cum Laude pa. Aalukin nila ako ng minimum wage?

Pero... masaya, eh.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now