27: Facetime Galore

3.8K 86 42
                                    

M A D E L I N E

Gaya ng inaasahan ko ay hindi na bumalik pa si Denver matapos ang gabi na nahuli ko siyang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Kahit nagkikita kami sa Dawson ay hindi niya rin ako gaanong pinapansin, liban na lang kung may kailangan siyang itanong o sabihin.

Akala ko, kapag nagpunta kami sa Baguio para sa birthday celebration ni Tiffany, kahit papaano ay makakausap ko na siya. Hindi ko naman inasahan na isasama niya rin pala si Nami.

Sa ilang araw na nasa Baguio kami para magbakasyon, bilang lang ang mga pagkakataon na nakaharap ko siya dahil madalas ay wala silang dalawa. Doon din kasi nakatira ang pamilya ni Nami kaya't dumadalaw sila roon.

Noong umaga nga na umuwi na kaming lahat pabalik ng Manila ay nagpaiwan pa silang dalawa at mananatili raw muna ro'n nang ilang araw. Ilang araw din tuloy na lumiban si Denver sa klase na never pang nangyari noon kahit na may sakit pa siya.

"Hey!" bati ko nang sagutin ni Darwin ang tawag ko.

Hindi ko alam kung bakit number niya ang napili kong tawagan. Hindi ko rin naman kasi makausap sina Pat at Ganja tungkol kay D dahil alam ko na ang sasabihin nila.

"May girlfriend na siya, you should just move on."

Akala ba nila hindi ko alam 'yon? Alam ko naman ang tama sa mali. Pero hindi naman ako magkakaganito kung hindi ko nararamdaman na mayro'n pa rin, eh. Oo, sinabi ni Denver sa akin na hindi na niya ako gusto. Pero pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang mahal niya pa ako.

Kung ano man ang hindi niya gusto, handa akong itama 'yon. Kung ayaw niya sa pananamit, pananalita, o paniniwala ko... handa akong baguhin ang lahat ng 'yon. Handa akong ayusin ang buong pagkatao ko, bumalik lang siya sa akin.

"What's wrong?" bulong ni Darwin sa telepono.

Ngayon na kausap ko na siya ay hindi ko na alam ang sasabihin. Alas-tres pa lang ng tanghali ngayon at Lunes pa. Sigurado akong nasa opisina siya at abala sa trabaho.

Bakit ko ba siya naisipang istorbohin?

"Busy ka?" nahihiya kong tanong.

"A bit, yes," seryoso niyang sagot.

"Ah, s-sige," nahihiya kong bulong. "Tatawag na lang ulit ako mamaya—"

"What's wrong, Madeline?"

"Wala, mamaya na. Busy ka pa, eh."

"Are you okay?"

It has been a while since someone asked me if I'm okay. I guess I have been putting on this facade for too long, everyone just assumes that I never get hurt.

That I really am strong.

I'd like to think that I am. Most of the time. But today, and for the past several weeks, I haven't been anything but vulnerable.

For two years, I depended on Denver for everything. He is my comfort person. And even now that I'm trying to heal, get over him, and move on... fact is I still need him.

Nothing makes sense without him, and I just feel so lost.

"Yeah," bulong ko sa telepono.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now