50: Keeping His Distance

Start from the beginning
                                    

Binuksan niya ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob. Tumayo naman ako at saka dahan-dahang sumunod sa kaniya.

Naabutan ko siyang nakatayo sa kusina at inilalabas ang laman ng paper bag na dala niya.

Chinese chicken.
Sweet and sour fish.
Pancit.

Mga paborito ko.

Inilatag niya ang mga iyon sa hapag, at saka naglakad papunta sa sala kaya't naiwan na naman akong mag-isa sa harap ng sangkatutak na mga pagkain.

"Hindi ka kakain?" mahina kong tanong. Ayaw ko namang kumain nang mag-isa, lalo pa at wala naman ako sa sarili kong bahay.

"Kumain na 'ko," maiksi niyang sagot.

"Pero... ang dami nito," saad ko. "Tara na, samahan mo na 'ko. Masarap 'tong chinese chicken. Gusto mong hainan—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil basta na lang siyang tumayo mula sa sofa at naglakad papasok sa kwarto kahit na kinakausap ko pa siya.

I bit my lips as they trembled.

I couldn't hold back my tears anymore.

Umupo ako sa harap ng hapag at kumain habang umiiyak.

Hindi ko mapigilan.

Oo, alam ko namang kasalanan ko.

Pero hindi ko talaga sinasadya.

I only thought of Denver once last night. And that was when I realized that he and Darwin were exactly the same size.

And I swear on my life, I didn't think of him anymore after that.

I don't know how to explain what happened, and I don't know if I could ever make it up to Darwin.

I feel so ashamed of myself.

Of all the people I could potentially hurt, I ended up hurting the one person who did nothing but put my broken pieces back together.

Lumabas siya ng kwarto na nakabihis na ng damit at mukhang aalis na naman.

Naabutan niya akong umiiyak, pero gaya kanina ay hindi siya nagkomento.

Naglapag siya ng credit card sa harapan ko. "I won't be back for dinner. Um-order ka na lang," bulong niya.

"Uuwi na 'ko," mabilis kong bulong.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko. Ang hirap talagang umiyak habang kumakain. Hindi ako makalunok nang maayos.

Tumango si Darwin at saka kinuha ang credit card niya. "Whatever works for you," aniya, bago tuluyang lumabas ng unit niya at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay iniwan ako.

Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay naglakad ako papunta sa lababo at saka naduwal.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil wala akong tulog mula kagabi.

Sobrang sakit din ng tiyan ko dahil sa labis na pag-iisip at pagsisi sa sarili ko sa nangyari.

Niligpit ko iyong mesa at saka dumiretso sa guest room ni Darwin para ayusin na ang mga gamit ko.

Hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ni Mama sa bahay, kaya siguro ay makikituloy na lang muna ako sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko.

Dalawang malaking bag at iyong school bag ko ang magkakasabay kong binitbit papunta sa sala.

Nakita ko pa sa sahig iyong asul na sweater ni Darwin na ipinasuot niya sa akin kagabi at kusa kong hinubad mula sa katawan ko.

Wala na akong karapatan na pulutin ulit iyon at kipkipin.

Iniligpit ko na lang iyon at inilagay sa isang tabi, bago kumuha ng kapirasong papel at nagsulat ng maiksing liham ng pasasalamat para kay Darwin.

Hindi ko alam kung paano magsisimula.

Walang salita na sapat para ipahayag kung gaano ako nagpapasalamat sa kaniya at sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Wala ring salita na sapat para humingi ako ng depensa sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kaniya.

I love Darwin.

But more than that... I respect him.

And that is precisely the reason why I'm leaving.

Sulat.
Bura.
Sulat.
Bura.

Sa huli ay nauwi lang ako sa isang salita.

Salamat.

Huminga ako nang malalim at saka naglakad papunta sa kwarto niya upang iwan 'yon sa ibabaw ng nightstand niya.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa loob ng silid niya.

Mayroong malaking kama sa isang sulok, at mayroon 'yong mga itim, puti, at gray na bed covers.

Sa gilid ay may kahoy na night stand at doon ko ipinatong ang maliit na piraso ng papel na huling mensahe ko para sa kaniya.

Paalis na sana ako ng kwarto nang mahagip ng tingin ko ang isang napakaliit na bagay na nakapatong sa kabilang night stand niya.

Sa sobrang liit no'n ay halos hindi ko 'yon napansin. Pero minsan ko na 'yong nakita noon, at sigurado akong 'yon pa rin ang nakikita ko ngayon.

Isang puting seashell na may mga guhit na kulay kahel.

Made for Madeline (Dawson University Series #4)Where stories live. Discover now