When She Came Back

76 8 0
                                    


Liro's POV

"Where's Cassandra?" Blizz asked the two girls who's sitting next to each other.


"I don't know. Baka nasa dorm at umi-idlip." si Trisha.


Nagpatuloy naman akong kumain habang nakikinig sakanila. "Inaantok s'ya sa klase kanina pa. She looks really tired" si Belle naman.


Binaba ko ang spoon ko bago tumingin sakanila. "Nabigla siguro ang katawan n'ya. It's been months since we fought something like that. Hindi naman ganon ang trainings natin sa IAO" sabi ko.


Tumango naman silang lahat sa sinabi ko. Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa Academy and the events happened recently. I know that it bought fear to all of us.


Kahit ako ay nangangamba sa mga pwedeng mangyari. Hindi ko masasabi na handa kami sa mga bagay dahil lang sa mas nakapagsanay na kami. Ang nangyaring digmaan months ago ay nagdala ng kakaibang takot saamin.


I'm not blaming anyone because I know, lahat nang nangyari ay may dahilan. Nagkakaroon lamang ng gulo kung may gusto nito at sa nangyaring labanan, alam naman at malinaw kung sino ang ayaw sa katahimikan at kapayapaan. And that's Spade.


Cassandra....


Nagsimula lahat nang makabalik s'ya sa academy. It was that day, when her guardian sent her home again. Nakita ko s'ya na naglalakad kasama ang isang lalaki. Tanaw ko sa hindi kalayuang distansya.


Nang una ko s'yang makita ay hindi ko alam na magiging malapit kami. Hindi ko alam na makikilala ko s'ya at magiging kaibigan. Akala ko ay isa lamang s'yang simpleng bagong studyante noong araw na iyon.


Naglalakad ako pabalik sa dorm. Kahapon pa ako nakabalik sa academy pagkatapos nang ilang buwan na walang pasok. Galing ako sa IAO dahil nag submit ako ng isang requirements sa office ni Jake.


Nagtataka pa ako dahil wala s'ya doon. Siguro ay may ginawa o meeting? Madalas naman ay nakakulong s'ya sa office n'ya.


Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto lamang ako nang may mapansing kakaiba sa gilid ng main building. Nakita ko ang likod ng isang studyante na hindi ko inaasahan na makikita ko doon.


It was Jake. Our Master...


He's my best friend and also a childhood friend. My dad and his dad are friends. My dad is a high ranking incant killers before. Dahil lagi akong sumasama kay Dad dito ay nakilala ko si Jake.


He was a cold hearted child who always have anger issues. Many children feared him by just looking at him. Bata pa lamang ay madami na s'yang kasanayan sa pakikipaglaban. Umaalis s'ya mag-isa para mag travel sa iba't-ibang panig ng magic world.


Hindi naging madali ang pagiging magkaibigan namin. He used to hate me when we are still young. Lagi n'ya akong pinapalayo sakaniya pero dahil sa isang aksidente ay naging magkalapit kami.

Curse Of The Sorcerer (Book 2)Where stories live. Discover now