Time goes by too fast.

Magsimula sa umpisa
                                    

---

Maraming nakakatuwang moments na nangyari noong magkakatabi kami nitong mga nabanggit ko. There was one time na si class president (na astig) ang lumipat sa seat # [5] kasi wala doon 'yung isa ko pang kaklase na lagi doon lumilipat. English time 'yun. 1st period pagkatapos ng recess. At kumakain pa rin sila.

Boy [seat 6]: *umiinom ng tubig*

Girl [s7]: Hoy, baka makita ka ng teacher natin. Ganito gawin mo. (She grabbed the water bottle cap, poured water in it, and drank from it like a boss)

President [s5]: Bakit kailangan pang ganyan? Hahaha.

Girl [s7]: Para hindi halata.

Boy [seat 6]: Oo nga 'no. (ginaya ang pag-inom Girl) May pagkain ba kayo?

President [s5]: Ako, may brownies! (binigyan si Boy at Girl)

Girl [s7]: (Kumakain ng brownie, nakitang parating ang teacher, inipit ang brownie sa loob ng notebook)

Ako [s1]: Hahahahahaha.

Laging naglalagan 'yung mga nakaupo sa seats # [6] (boy) and # [7] (girl) pagdating sa pagkain. Naalala ko noon, kumakain ng biscuit si boy, at nung nakita siya ni girl, sumigaw si girl ng "LANGHAP SARAP!". Tawa ako ng tawa noon.

Ang sayang maupo doon, kasi wala akong katabing douchebag o maarte. Puro kalokohan lang. Tawanan. Nararamdaman ko na... na tao ako at hindi robot na gumigising araw-araw para lang maligo, kumain, mag-aral, umuwi at matulog. 'Yung mga seatmate ko na 'yun, sila ang dahilan kung bakit mayroon akong inaabang-abangan sa pagpasok.

Ngayon, nasa bandang likod na ako nakaupo, dahil every month nagpapalit kami ng seating arrangement. Corny doon. Hindi ako gaanong natatawag sa recitation. At lagi akong busy sa paghanap ng paraan para hindi magka-asphyxia habang nakaupo doon. (written on 02/13)

===

SECTION KO NUNG 2ND YEAR HIGH SCHOOL

Ah, section ko nung 2nd year. Ang sarap mong balik-balikan. Pag ako, tumanda na at naging ulyanin, itong section na lang na ito siguro ang maalala ko tuwing maririning ko ang salitang "high school". Kahit na nasayang 'yung first half ng school year sa pag-aayos ko sa sarili ko at paglayo sa sarili ko mula sa kabaliwan, naging matiwasay naman 'yung second half nung school year. Lalo na nung outbound (field trip) namin. Boring man ang itineraries, masaya naman sa bus.

Laging ginagamit na pang-blackmail ng mga teacher sa amin ang mga katagang "ililipat namin kayo dun sa pinakamainit na classroom kapag hindi kayo tumigil sa kakadaldal". Isa kasi 'yung classroom namin sa dalawang classroom na naka-aircon.

At syempre, nalipat kami sa mainit na classroom ng isang linggo, dahil naubos na ang pasensya ng mga teacher. At surprisingly, mas presko doon kesa sa classroom namin na may-aircon, dahil pag andun kami sa classroom namin, lagi lang nakatapat 'yung aircon doon sa dalawa kong kaklaseng lalake na mukhang ngayon lang nakakita ng aircon.

March 2012. Tumakbo sa student council (teka tama ba grammar ko) 'yung tatlo kong kaklase noon. Ako ang gumawa ng campaign posters nila - at kahit alas-tres na ng umaga at nauna nang matulog sa akin si Dracula nung natapos ko 'yun, worth it naman.

SY 2011-2012. Diyan ko unang na-experience na mag-imbita ng kaklase sa bahay para gumawa ng project o mag-practice para sa performance.

Isang Sabado noon, mayroong biglang nag-doorbell sa bahay namin. 'Yung mga kaklase ko pala, kagagaling lang sa bahay ng isa ko pang kaklase na medyo malayo ang bahay sa akin pero ka-village ko pa rin. Ginagawa nila 'yung props para sa project ng buong section namin. Sabi nung isa sa akin, "We need your help". Pero kahit 'di ako nakapagsuklay at nakapag-belt dahil sa pagmamadali nila, sumama pa rin ako sa kanila para tumulong.

Tatlo silang dumating galing sa bahay ng isa ko pang kaklase. Lahat sila may bike na sasakyan para makapunta doon sa bahay ng isa ko pang kaklase at makagawa na ng project. E ako, paano ako pupunta? May bike ang kapatid ko, pero dahil hindi ako marunong mag-bike, nilakad ko 'yun...

...and when I say "nilakad", I mean "tinakbo", kasi nag-bike racing ang mga bugok na kasama ko. Ewan ko lang kung nakakapayat ang pagtakbo ng 1.5 kilometers, dahil mukhang 'di gumana iyon sa akin.

Ang saya nung araw na 'yun. Nag-lunch kami ng Chooks To Go Chicken at bumili 'yung dalawa kong kaklase ng fried ice cream habang nag-stay 'yung iba dun sa playground kung saan kami gumagawa ng props.

Bukod doon, marami pa kaming fun moments, tulad ng paggawa ng props sa Egypt exhibit kung saan 'yung ibang props namin ay mga walang kwentang laruan (at isang salagubang) na pinaliguan ng spray paint na gold, at 'yung pag-practice namin ng play ng Ramayana (an Indian story) kung saan ang closing number ay isang rendition ng Jai Ho.

Sila ang dahilan kung bakit iiyak ako sa graduation next school year. That is, kung iiyak ako.

===

ELEMENTARY DAYS

De, joke lang.

Bangungot ang elementary days ko, except for the fact that I have learnt basic Korean from a classmate when I was in Grade 6. That's it, that's the entry. Goodbye, everybody. Or should I say, 여러분, 안녕!

===

3RD YEAR HIGH

Ewan, kahit na parang kalahati lang ng klase ang actual 3rd year students at ang kalahati ay parang mga grade 1, uhh, gusto ko pa rin sila!?!?! Ok bye. Thanks for making me a little less sensitive. Haha.

Pero seryoso, ang bait ng mga lalaki sa section na 'to. Karamihan sa mga lalaki. Kahit anu mang puri ko sa section ko nung 2nd year, hindi ko naman pwedeng sabihing perfect sila, dahil 'yung ibang lalaki sa section na iyon ay mga #$@%.

Sa section ko nung 3rd year, wala akong naging problema sa mga boys. Kasi kahit minsan para silang mga grade 1, mabait naman sila sa akin. At mukha namang genuine ang pagkabait nila, dahil hindi plastic ang mga lalaki. Yata.

Pagdating naman sa girls sa section na ito, ok na ok 'yung iba. Masayang kasama. Mabait naman. 'Yung iba pa... no comment.

===

SI CRUSH!!! ESTE, EX-CRUSH...

May account siya dito sa Wattpad. Pero hindi naman niya ako fina-follow (thank god). Pero ang bait niya, gentleman siya, matalino, gwapo, seryoso ang bait niya.

Hindi siya 'yung "wild child". Hindi siya swagswagswag.

Masaya ako dahil naging bahagi siya ng buhay ko. Pero taken na siya.

Kaya kuntento na ako sa mga mukha ni Siwon at Changmin at Tao at Minho at Jonghyun at Taemin...

--x--

Ang sakit isipin na isang taon na lang at wala na ako sa high school. 'Yung mga ka-chika ko ngayon, baka hindi ko na sila makausap at makita pang muli (ang drama... may facebook naman daw e). 'Yung mga kakulitan ko sa classroom, baka lumipat na ng tirahan. Papalitan na ang cellphone number. Gagawa ng bagong facebook account pero hindi ako i-a-add.

Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko kung hindi ko na makakasama 'yung mga kaibigan ko ngayong high school. Paano kung maging loner nanaman ako sa college? At seryoso, kailangan pa ba talagang mag-college? Kasi sayang ang pera, at sayang naman kung mag-college man ako pero hindi naman ako makahanap ng trabaho.

Paano kung hindi ako makapag-asawa? Paano kung hindi ako makahanap ng trabaho at darating ang panahon na wala na 'yung mga kamag-anak ko? Sino mag-aalaga sa akin, mga anak ko? Wala nga akong anak eh!

Ibenta ko na lang kaya 'yung kidney ko para yumaman ako? Bakit umiikot ang mundo sa pera? Bakit 'yung ibang mahihirap, masaya at kuntento na sa buhay nila, pero ako, mamamatay kung walang pera? Kuripot naman ako e, at gagawin ko kahit ano para makatipid.

Kung yumaman man ako, kanino ko ibibigay 'yung pera kung hindi naman ako magkaka-asawa? Andaming tanong.

Last na: Will I find happiness? Only time will tell, so I'll stop here

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon