Chapter 21 - Result

Magsimula sa umpisa
                                    

"You win!" Sabi ng game na nilalaro nila

"Yes!!!.. I won! ."biglang sumigaw si Unique

"Ang daya. . . one more game pare." Complain ni Rei

"Sure." Sagot naman ni Unique

"Tama na yan! Ang boring naman ng nilalaro nyo kayong dalawa lang ang nag e-enjoy ni Rei"

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Gabby

"Apat na tayo laro na lang tayo ng HUN" tanong naman ni Unique

"OK sige dala ko naman ang Laptop ko nasa car lang" sagot ni Rei

"Ako din ikaw Asin?" sabi naman ni Unique

"Iniwan ko sa bahay."

"Talaga? OK sige gamitin mo nalang ang PC ko" sabi ni Gabby

"Ayoko, wala ako sa mood maglaro ng HUN, gusto nyo manood na lang tayo ng DVD"

"Sige meron ako dyan Taken" sabi ulit ni Gabby

"Hindi ko pa napapanood yun sige yun na lang" sabi ko

2 hours after

Natapos na namin ang movie pero hindi ko gaano naintindihan dahil daig ko pa ang may ninomonitor na naghihingalong pasensya sa ER dahil sa pagche-check ko ng oras sa wrist watch ko. Damn!

Pagkatapos ng Taken 1 isinalang agad ni Gabby ang part 2 ng movie na iyon kaya nanood ulit kami maganda naman yung movie na yun kaya kahit papaano nalibang ako hanggang natapos na pagtingin ko sa relo 9:00 na ng gabi

"Ang ganda din ng palabas. Pero nakakagutom na" Sabi ni Unique habang nag-iinat

"Malamang its already 9 o'clock wait lang I'll prepare something to eat" Tumayo na si Gabby at nagtuloy tuloy sa kitchen

"Kuha lang ako ng drinks nauuhaw ako eh, you want some pare?"Tanong ko kay Rei na nakasuot na ulit ng headset sa ulo.

"Sure." aniya

"Ikaw Unique?" baling na tanong ko naman sa pinsan ko

"No I'm good thanks." sagot nya

"Okay" sabi ko nalang bago ako pumunta sa kitchen

Sa kitchen nakita kong may nilabas na homemade pizza si Gabby galing sa oven, dun ako nakatingin habang kumukuha ng water sa ref bigla ko tuloy naalala si Anya kamusta na kaya sya? Kumain na kaya yun? Wala sa isip na linapitan ko si Gabby.

"I made this pizza a while ago. Hindi ko sya na serve kasi nalibang ako sa movie kaya ininit ko lang."

"Weird I thought you don't like pizza."

"Yeah, I do, but I want to try it." Sabi nya yun habang ini-slice yung pizza. Kung nandito si Anya at nakikita nya ang pizza na gawa ni Gabby siguro kanina pa yun naglalaway sobrang paborito nya kasi yun, bigla akong napangiti dahil na imagine ko ang magiging reaksyon nya

Stop it! Saway ko sa utak ko bakit ba hindi maalis sa isip ko ang shrimp head na yun.

"Gabby meron bang food na pweding kainin ng isang bobo at mahinang utak na tao para matandaan nya lahat ng inaaral nya?"

"Madami! Like broccoli, avocado marami pa eh lahat ng reach in omega 3 and 6 bakit mo tinatanong?"

"Wala naman. . . . . Ah Gabby pwede ka bang magluto noon?"

"Here" sabi ni Gabby nagulat ako ibinigay nya sa akin ang isang container box parang lunch box

"Whats this?"

"A pizza. I heard from Unique that its her favorite food"

"Her? You mean Anya?"

"Asin, there's some place you need to be."

Sabi ni Gabby binitbit nya ang pizza pero bago pa sya tuluyang lumabas ng kitchen nag salita ulit sya.

"Ingat sa pag dra-drive"

Ilang sigundo pa ang lumipas bago ko sya sinundan

"Guys sorry I have to go bye"

Hindi ko na hinintay ang mga isasagot nila basta umalis na ako agad para balikan si Anya sa penthouse kahit hindi ako sigurado kung nandoon pa sya.

Kung kanina 20 minutes bago ako makarating sa bahay ni Gabby ngayon pag-uwi ko 10 minutes lang nasa condo na ako, pinakalma ko ang sarili ko at nag-isip kung ano ang gagawin at naisip ko na baka hindi pa sya kumakain kaya agad akong tumuloy sa kusina at isinalin sa plato ang pizza at naglagay din ako ng fresh milk sa baso tapos saka ko binitbit ang tray at dinala sa study room.

Hindi na ako kumatok basta pumasok na ako at pagdating ko doon nakita ko syang nakatulog sa table dahan dahan ko syang nilapitan at inilapag ang dala kong pagkain sa mesa, hindi ko na sya iistorbohin siguro napagod sya sa mga ginawa nya.

Sa totoo lang nagsisisi ako kung bakit pinahirap ko sya ngayon araw, tinignan ko sya at napansin ko na nalaglag sa sahig ang isa nyang notebook kaya kinuha ko yun pero bago ko iyon ibalik sa mesa bigla akong inataki ng curiosity kaya binasa ko ang nakalagay sa notebook nya

Reviewer nya sa math, bakit ganito? Napansin ko na ang daming mali sa ginawa nya at yung mga formula nya puro pang long procedure hay talaga ang babaing ito kung iniisip nya na papasa sya sa exam bukas gamit ang mga na review na ito nagkakamali sya.

Kinuha ko ang red ballpen nya at isa isang nilagyan X mark ang mga maling sagot nya, lahat ng formula na ginamit nya nilagyang ko ng tamang formula at binigyan ko rin sya ng example in short inayos ko ang reviewer nya noong matapos ko iyon tinignan ko rin ang iba nyang subject isa isa kong inaral ng mabilis ang mga libro nya at nilagyan ng remarks ang mga possible na lumabas sa exam nya bukas inabot yata ako ng isang dalawang oras bago ko natapos ang 4 na major subject nya na puro math tapos saka ko sya ginising.

"Anya wake up"

"Ace-sin nandito kana pala"

"May dala akong pizza and milk kainin mo na yan tapos mag review kana ulit bilisan mo"

"Pizza? Wow thank you ha."Sabi nya na parang biglang bumalik lang ang energy nya.

"Nasa kwarto lang ako if you need anything."

At iniwan ko na sya.

END OF FLASHBACK

"What you did saved me. Kung hindi mo ako tinulungan sa reviewer ko baka bagsak ako ngayon kaya thank you so much. " Nakatingin lang ako sa kanya, playing cool lang. "You, Ella and Unique kung hindi dahil sa inyo baka bumagsak na talaga ako. I'm thankful because I have you."

Nilagay ko ang hawak kong Ipad sa swing at tumayo ako at nilapitan sya ng kalagay sa bulsa ko ang dalawang kamay at pag lapit ko yumuko para tapatan ang mukha nya then I half smile. "Then you owed me big time"

Isang halik sa pisngi ang bigla kong natanggap mula kay Anya.

"Ahhmmm Thanks again! bye"

Nakita ko na lang syang tumakbo palayo sa akin. ako naman ito shock parin hindi ako makakilos parang nahirapan akong i - digest yung ginawa nya ang nagawa ko lang hawakan ang pisngi ko na hinalikan nya.

She! that shrimp head! ninakawan nya ko ng halik!


Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon