Napangiti ako. Nice. May idadagdag na naman ako sa dictionary ko. Gagamitin ko yun sa next update ng story namin ni Vaughn. Yieeee balik loob ulit ako sa pagsusulat kasi inspired na naman ako. All thanks to my Dzaddeh V.

"O Yen, may duty ka ba ngayon sa Café? Pupunta kami ng lola mo sa mercado para bumili ng mga rekados, gusto mo bang sumabay?" tanong ni nanay.

"Sige po nay, sabay na ako sa inyo."

"Kung ganon bilisan mo na dyan para makaalis agad tayo. Ri, maiwan ka muna dito sa bahay ha?"

"Opo, Tiyang. Makakaasa ka po." sagot ni Rivah.

Binilisan ko ang pagkain ko at pagkatapos naligo at nagbihis. After 'non ay sabay na kaming lumuwas nila nanay sakay ang tricycle.

Pagdating ko sa BitterSweet Café, agad kong ginawa ang mga trabaho ko. Nag-linis ako, nag-arrange at nag-bake ng mga panibagong cakes. Nagtagal ako ng ilang oras bago nagpasyang magpahinga. Binuksan ko ang laptop ng café at nagbrowse saglit sa internet, kapagkuwan ay inopen ko yung WebNovel account ko at gumawa ng panibagong update.

Nasa mood ako ngayon magsulat, and as usual kinikilig na naman ako sa sarili kong gawa. Ini-imagine ko kasi si Vaughn at feel na feel ko yung bawat linya ng pov ng characters namin. Nasa intimate at laplapan chapter na kami, at shet ang sakit sa puson. Naka-ilang baso ako ng tubig habang tinatype ito.

Lord, when kaya? Handa na akong isuko ang bataan!

I shoved my face on my palm. Nag-iinit pareho ang magkabilang pisngi ko.

Kalma Yen, ga igat raka.

Ibinalik ko ang atensyon sa laptop at saka nag-concentrate. Tuloy-tuloy ang pag-type ko hanggang sa matapos. Pinublish ko na ang gawa ko at nag-logout. Sunod kong binuksan ang cellphone ko at tinignan ang pictures namin ni Vaughn.

I miss her already. Dalawang araw pa lang kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko ay two years na. Ma flex nga 'to sa facebook, gusto ko siyang ipagmalaki sa mga marites kong kaklase. Tignan lang natin kung hindi sila mamamatay sa inggit. Chos!

I opened my fb account and upload a picture of us together. Kuha ito 'nong nasa bahay niya kami. Mirror selfie ito kung saan yakap niya ako mula sa likoran. Ang cute namin pareho tignan. Daig pa namin yung mga magjowa sa Pinterest. Nilagyan ko ito ng caption na With bae ❤️ at pagkatapos tinag siya. I hope she's online para makita niya 'to.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naka-receive ako ng notification. Akala ko si Vaughn kaso hindi. I snorted when I saw my friends leaving comments.

Sue Bianchi nice pic, pinusoan ko na ;)

Mags Yuson naks, inlove yarn?

Abi Ortiz mura man kag nanay diri tan-awon, putot. Mas bata pa man tan-awon si boss V kumpara sa imoha hahaha

Riri Fahreem ثنائي جميل 💖

Umikot ang mga mata ko at hindi sila pinansin, hinintay ko lang si Vaughn na magreact kasi nakita ko siyang online sa messenger. Nakaramdam ako ng excitement.

Ini-stalk ko ang fb profile niya kaso napakunot-noo ako nang makitang nawala yung picture na tinag ko sakanya kanina. Huh?

Inedit ko yung post ko saka muli siyang tinag, kaso pagtingin ko ulit sa profile niya ay nawala na naman yung picture. What the hell? Did she just un-tag herself?

Muli kong inedit ang post saka ulit siya tinag, kaso pagkaraan ng ilang minuto ay nawala na naman yung picture sa profile niya.

Inis kong binuksan ang messenger ko at chinat siya.

me:
Bakit mo laging ina-untag yung sarili mo?
Nahihiya ka ba?


dzaddeh
Baby, it's not about that. Huwag mo lang akong i-tag.


me:
At bakit? Ano naman masama kong i-tatag kita?


dzaddeh
midget, pls understand me. You can post our pictures just don't tag me.

Nag-tampo ako at di maiwasang malungkot.

me:
K, fine.

dzaddeh
hey don't get mad 🥺

me:
K

dzaddeh
baby :(

me:
K

dzaddeh
sorry na 

me:
ge lang, di na ako mag post ng pics natin 👍🏻


dzaddeh
wala akong sinabing ganyan, ang sabi ko lang huwag mo akong i-tag sa mga pictures. Yun lang.


Mas lalo akong nalungkot.

me:
ikinahihiya mo ba ako?

dzaddeh
Of course not! Ba't mo naman naisip yan?

me:
e bakit parang ayaw mong ipaalam dyan na may girlfriend ka?

dzaddeh
midget pls, makinig ka na lang sakin okay?

Ang panget naman ka-bonding neto. Aware akong may sekreto siya pero ganon ba talaga ka seryoso 'yon to the point na ayaw niyang ipaalam na may relasyon kami? Bumalik tuloy yung pangamba ko.

me:
K

dzaddeh
I'll call u later. Mag online ka mamaya.

Hindi ako sumagot. Seen ko lang siya.

dzaddeh
I love you, my goldilocks. ❤️

Natunaw bigla ang tampo ko at napalitan ng kilig. Yieeee ano ba! Ngayon lang siya nag- I love you sa akin simula 'nong maging kami. Bwesit na unggoy 'to!

me:
I love you too, V. 🙈💕

dzaddeh
that's my girl, hintayin mo ako mamaya ha? Video call tayo.

me:
I will po, ikaw pa. Malakas ka sakin e.
I love u ulit.

dzaddeh
I love you too. I'll go ahead. May pupuntahan pa ako.

me:
ingat ka, *sending virtual hugs and kisses*

dzaddeh
💋

Ibinaba ko na ang cellphone ko at nagpatuloy sa aking trabaho.

Buo na ang araw ko dahil kay Vaughn.


••••••🌈••••••

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Where stories live. Discover now