Chapter 22-The Other Sides

1K 9 0
                                    

Zharm's POV

"Ang ganda nilang tingnan noh?"-sabi sakin ni Albie. Tiningnan ko na lang sya at inirapan.

"Albie I've changed my mind."

Yeah. Nagbago na ang isip ko. Ayoko nang ituloy ang plano namin ni Albie.

Ganto kasi yan...

1 month ago...

Diba hinalikan na lang ako ni Dj noong nasa bar kami? Nakita yun ni Diego. The next day, pinuntahan ako ni Albie sa bar. Sinabi nya ang dahilan kung bakit ako hinalikan ni Dj. Naawa ako sa kanya at feeling ko gusto ko silang magkabalikan ni Kath. Kaya nagkasundo kami na pagbalikin sila Kath at Dj.

Pero ngayon ayoko na. Napalapit na sakin si Dj to the point na minahal ko na sya. I know Dj don't love me as he loves Kath.

Kaya nga ayoko nang ipagpatuloy ang plano namin ni Albie. Kasi gusto ko munang malaman nila na marami silang napagdaanan bago sila maging forever. At gusto ko lang silang pahirapan sa love story nila. Eh kasi naman napaka-ordinary na nito eh. Naluluma na much? Atsaka wala nang kontrabida eh. Mas maganda kung meron.

"But why?"

"gusto ko na balang araw, maramdaman nila na worthy lahat ng pagpapahirap ko sa kanila."

Tumingin ako kay Albie na parang naguguluhan. Ngumiti lang ako.

"Albie...I have a brilliant plan..."

***

Nakalaya na si Dj at Kath. Andito kami ngayon sa park ni Dj.

"Kath gusto mo ng fishball?"

Kath? Ako yung nandito tapos sya yung naiisip nya?

Ganyan naman sya lagi eh.

"Dj ako si Zharm."

"ay! Sorry! Sorry talaga Zharm! Ano? Gusto mo ba?"

Ngumiti ako.

"Kwek-kwek na lang."

"Okay!"

Habang nabili sya, pinagmasdan ko sya sa malayo. Napakaswerte ni Kath sa kanya. Gwapo na, mabait na, gentleman na, matalino na, maabilidad na at loyal pa!

Haay. Kung hindi lang ako rebound, iisipin ko talagang napakaswerte ko.

Pero hindi eh.

Albie's POV

Namamasyal lang kami ni Kath ngayon dito sa sidewalk ng Manila Bay. May nakita si Kath na tindahan ng ice cream at streetfoods. Tapos parang nagtwinkle little star yung mata nya. Hahaha! Ang kyut!

"OMG! DJ BILI MO NAMAN AKO NITO! Please?"

Dj? Sya nanaman?

Hay naku. Pagbigi na. Si Dj lang naman lagi ang nasa isip nya eh.

"Hey Kath wala naman dito si Dj ah. I'm Albie remember? Nagkakaalzhiemer's disease ka na ba?"-pilit kong joke at ginulo ang buhok nya.

"Sorry..."-sabi naman nya.

Hinawakan ko na lang ang pisngi nya.

"Its okay..."

My Teacher's Girl [Editing]Where stories live. Discover now