Chapter 15-The Truth

1.1K 9 0
                                    

Bored aketch=__=

***

Kathryn's POV

Papalakad na kami sa hall ng nakita namin si Michelle na takbong takbong pumunta sa amin.

"Kath! Kath!"

Tumigil kami. Kaya tumigil rin sya. Hingal na hingal sya.

"Oy? Okay ka lang?"

"Who cares kung di sya okay?"-sabi ni bes.

"Julia!"

"Kath...i came here para humingi ng sorry sayo. Kung pwede ba?"

Nginitian ko sya.

"Pwedeng pwede."

"Kath...wag kang mabibigla ah...but you need to know this. Even though we're enemies before, i still care for you. Don't worry, I'm not doing this for dj and i. I'm doing this for you kasi nakamove-on nanaman ako kay Dj."

"What about Daniel?"

Huminga sya ng malalim. At ipinakita sakin ang phone nya. Napatakip na lang ako ng bibig sa napanood ko.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Kath..."-sabay-sabay nilang sabi at hinawakan ako sa balikat. Naiyak nadin sila lalo na si Michelle.

"Kath I'm so sorry..."

Ibinalik ko na sa kanya yung phone.

"No...its not your fault. Alam ko ang tunay na may kasalanan dito."

I tried my best to smile at her. Sa galit ko kay Dj tumakbo na lang ako. Tumakbo ako sa opisina nya. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok.

"Kath...what happened?"-tanong nya sakin. At napatayo sya.

"What happened?! WHAT HAPPENED?!"-sigaw ko sa kanya.

"K-Kath..."-lumapit sya sakin at sinubukan akong hawakan pero tinulak ko sya at sinuntok ng isa sa mukha. Wala akong pake kung mababawasan ang kagwapuhan nya.

"How dare you?! Pano mo nagawa sakin to ha? Sagutin mo nga ako Daniel!"

"Kath...sorry na...hindi ko na naman itinuloy eh...kasi nga mahal kita..."

Mahal? Mahal ba kamo? I smirked.

"Bolahin mo na ang lola ko pero ako hindi mo mabobola! Ano bang kasalanan ko sayo ha?"

"Kathryn hindi kita binobola! Totoo to! Pwede ba paniwalaan mo naman ako?"-sabi nya at may tumulong luha sa mata nya.

Wow! So ngayon ano naman ang next? Pati sya iiyak? Makokonsensya ako? Masasaktan ako? Tapos ano? Magiging okay na ulit lahat na parang walang nangyari? Ganun? No way.

"Hindi. Kasi break na tayo."-sabi ko habang tuloy-tuloy ang pagagos ng luha ko. Pinahid ko ito.

"Kath please...hindi ko kaya...h-hindi ko kaya please..."-sabi nya habang naluhod at nagmamakaawa sakin. I hate seeing Dj like this.

"Dj tumayo ka na. Wala ring mangyayari. You know very well how I hate seeing you like this...pero masyado na kasing masakit yung paglaruan yung feelings ko para lang sa condo at kotse. Para mo naring sinabi na wala lang ako sa buhay mo...na para lang akong isang bagay...nawawala at walang halaga...mahal kita...pero masakit lang talaga..."

Umalis na ako at umuwi. Pakiramdam ko wala akong magagawang matino kasi nasa emo stage pa ako eh.

Dere-derecho lang ako papasok sa kwarto ko.

Ang sakit! Ang sakit sakit sakit! Ano bang kasalanan ko sa mundo at parang lahat na lang ng problema nasa akin?

"Aaargh!!! Nakakainis na!!!"-sigaw ko kasi soundproof naman tong kwarto ko. Ginulo ko yung mga gamit ko sa inis ko.

Ayoko na. Gusto ko munang umalis at iwan lahat sa Pilipinas.

Hindi ko na kaya.

Tinawagan ko si Daddy.

"Dad..."

Pinipigilan kong umiyak pero napiyok padin talaga ako.

"Chandria? Napatawag ka? Is there a problem?"

Hindi ko na napigilan at napahagulgol ako sa phone. Alam kong OA. But I don't care.

"Dad...Pwede po ba sa Amerika na lang ako? A-Ayoko na po dito Dad..."

"Bakit Kath? Anong problema? Bakit ka naiyak? Are you okay?"

"Okay lang po ako Dad. Hindi ko na lang po talaga kaya dito. Please po?"

"Sige. Your mom and I will talk about it. Pero alam ko narin naman na mas mabuti pa nga para sayo ang pumunta sa Amerika. So you may pack your things na anak."

"Thank you dad..."

My Teacher's Girl [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon