Chapter 19-Her Other Side

1K 10 0
                                    

Kathryn's POV

Nagising ako dahil sa sigaw ni Julia.

"OMG! Girl! Anyare sayo?!"

Umupo ako para makausap ko sya ng mas maayos. Aray! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari kagabi?

"Bakit?"

"Anong bakit? Hay. Bawal akong mastress okay? Bawal."

I just rolled my eyes at humiga ulit dahil masakit pa ang ulo ko.

"Hindi mo talaga maalala bes?"

Makulet? Paulet ulet? Unli?! Di pa ba obvious?!

"Obvious ba?"

"Okay. Edi ipapaalala ko! Ganto kasi yan...

[FLASHBACK]

Julia's POV

Kumindat sakin si sis Yen.

Yes! Nagawa na ang plano! Plano kasi namin na tulungan si Dj na magsorry at makipagbati kay Kathryn. Pero di yun alam ni Dj.

Nagsasayaw na sila at di ko mapigilang kiligin. Grabe ah. May chemistry padin talaga sila!

"Oy bebe ko...kuha mo naman ako ng dessert dun oh...puro melon lang ang kunin mo ah?"-utos ko kay Diego.

"Tss. Ikaw na lang=__="-sabi naman ni Diego. Kinurot ko naman sya.

"Aray! Aray ko bebe ko! Bakit?"

"Ikukuha mo ako o hindi?!"

"Ikukuha. Eto naman di na mabiro..."-sabi naman nya kaya tinanggal ko na din. Buti naman.

Pagbalik ko ng tingin ko kela Kath, nakita kong parang nagkakainitan na sila tapos biglang nagwalk-out si Kath. Hinabol naman sya ni Dj.

Ano ba naman yang dalawang yan! Hmp! Susundan ko sana sila pero pinigilan ako ni Diego.

"Bakit nanaman ba?"-tanong ko sa kanya.

Lately nagiging masungit na talaga ako kay Diego. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta parang naiinis ako na nababanas na naeewan! Basta minsan ayoko ng presence nya pero minsan, gusto ko rin. Kaya minsan sweet ako.

"San ka pupunta? Eto na yung melon salad mo oh."

OMG!!! Melon!!!

Napaupo agad ako at kinain yun lahat.

"Yummy! Meron pa dun bebe ko?"

Napakamot naman sya sa ulo.

"Kinuha ko na nga lahat eh. Galit na nga sakin yung mga waiter dun at kinuha ko daw lahat."

"Ay sayang..."

Bigla ko namang naalala sila Kath.

"Oy bebe ko! Sundan natin sila Kath dali!"

Sumunod na lang sakin si Diegs. Pagpunta namin dun...huli na lahat.

Nagwalk-out si Kath at on-cue, umulan.

Haay...nang dahil sa melon...

Tapos umalis na rin si Dj.

I have a bad feeling about this. Baka kasi mag-ala Romeo and Juliet ang peg netong dalawang to.

"Bebe ko sundan mo si Dj dali. Ako kay Kath."

"Ano?! Hiwalay tayo?! Ayokong mahiwalay sayo noh!"

Yown naman! Ayaw mahiwalay ng bebe ko sakin oh! Hay. Buti na lang hanggang ngayon may bebe ko pading labs na labs na nagtitiis sakin.

"Ang arte mo! Parang di naman tayo magsasama mamaya noh! At may buong buhay pa tayo para maging magkasama noh...kiss mo nga ako..."

My Teacher's Girl [Editing]Where stories live. Discover now