Chapter 14-Second Day Anniversary

1.1K 8 0
                                    

Kathryn's POV

Wow! Ang ganda naman dito! Teka lang...kelan pa ba nagkaroon ng table dito sa labas ng kwarto ko?

Parang mini Pixie Forest dito ha. Ang cute! Pero......tama ba yung attire ko? Pajamas at bunny slippers sa gantong lugar?

"Oy DJ nakakainis ka talaga!"

"Bakit?"

"Di mo man lang ako pinagbihis!"-sabi ko sabay nguso.

"Wag ka na ngang sumimangot dyan! Halikan kita jan eh. Wag kang magalala Kath..."

Hinawakan nya yung kamay ko at pisngi. Ano ba yan. Kahit boyfriend ko na tong lalaking nasa harap ko ay hindi ko padin talaga mapigilang kiligin.

"Kahit basurahan pa yang suot mo...mahal padin kita..."-sabi nya tapos hinalikan nya ako. Ngumiti na lang ako.

"I know...and I love you too..."

Inalalayan nya ako papunta dun sa table for two. Ano ba yan. Nagclap sya ng isa tapos may lumabas na waiter at waitress. Teka lang...si Best at si Kuya Diegs? Oo na lang.

Kumindat sakin ng isa si best at inilapag yung pagkain. Tapos lumabas si Kiray in a fairy costume habang sumasayaw dala-dala ang pagkain. Hahaha! Tapos lahat sila pumunta dun sa tabi.

"Kath...I want you to eat, eat, eat and enjoy."

Natawa naman ako dun. Ang cute kasi talaga nya eh. Tumingin sya sa paligid nya.

"Teka lang ha...may nakakalimutan sila eh..."

Niring nya yung bell at agad namang tumakbo si Kuya Diegs. Binulungan sya ni DJ tapos kumamot naman sa ulo si kuya at bumalik sa kung saan. Maya-maya ay bumalik sya na may dalang...

"Fishball!!!"

Tumawa naman si DJ.

"Oh okay na? Wala na kayong ipaguutos?"-tanong ni Kuya Diegs. Isusubo ko na sana yung isang fishball kaso napatingin ako kay DJ.

"Tubig na lang para lumakas yung resistensya nung isa jan. Baka kasi magkahepa eh."

"Ah sige.."

Tiningnan ako ni DJ at sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa na lang sya at hinawakan yung kamay ko. Naku! Pasalamat ka mahal kita!

Teka lang...pansin ko lang kanina pa...asan sila kuya neil at ate yen?

Neil's POV

Nagtataka ba kayo kung asan kami? Andito lang naman kami ni yen oo ni YEN sa terrace ng kwarto ko. Wag kayong GM ha?! Magkayakap lang kami ngayon.

Kanina kasi habang nagsesetup kami ng date nila Kath eh hinila ko na sya dito.

(FLASHBACK)

Nagaayos kami ng lahat para sa 2nd day anniversary daw ni Kath at Dj. Grabe! Dami talagang nalalaman ni Dj. Pero okay na yun. Atleast walang pasok. Hehehehe=P

Nagpunta ako sa kusina kasi gutom na ako.

"Ma ayoko pa pong umalis. Please let me stay until I want...Please?...okay okay....Awww Really? Your letting me stay for a month pa? I love you Mom!...........Yah I know.....sige po...yah I'll take care don't worry.......Bye!"

Tiningnan ko kung sino yun.

Si Yen?

Aalis sya? Hindi pa ba halata na gusto ko sya?

Tumalikod na sya at nung makita na nya ako eh nanlaki ang mata nya.

"Oh anong ginagawa mo dito?"-tanong nya sakin. Niyakap ko na lang sya.

"Neil? Anyare sayo?"-tanong naman nya at niyakap na rin nya ako--niyakap nya rin ako pabalik???

"Aalis ka na?"

"May 1 month pa naman eh..bakit? Mamimiss mo ako?"-tanong nya ng pabiro.

"Sobra..."

"Huh? Bakit naman?"

Tinanggal ko yung yakap ko sa kanya at hinawakan na lang sya sa balikat.

"Kasi Yen gusto kita. I like you...matagal na...."

Nanigas naman sya sa sinabi ko. Pero ngumiti sya. Pinalo nya ako sa dibdib.

"You like me? I like you too. Pwede bang maging tayu?"-kanta nya sa tune ng barney. Napatawa na lang ako at tumango. Niyakap nya ako at ako din.

"Ikaw ang dahilan kaya ayaw kong umalis...my mom wants me to finish my studies there...but for you, now that I know you like me too, I'll stay.."

Bumitaw ako sa yakap at hinawakan ang chin nya.

"Ano bang gusto mo?"-tanong ko sa kanya.

"Gusto kong dun magtapos kasi fashion design ang course ko. Gusto ko ding kasama si Mommy at daddy. Pero mas gusto kong makasama ka."

"Then go."

Nagulat naman sya. May luhang tumulo sa mata nya.

"Pano ka? Pano tayo?"

"Kung talagang gusto o mahal mo ang isang tao, susuportahan mo sya sa pangarap nya. I can wait Yen, I can wait kahit 100 years pa yun."

Naiyak sya lalo at niyakap nya ako.

Narinig ko yung boses nung yaya ni Kath kaya umakyat na kami ni Yen sa kwarto ko.

(END OF FLASHBACK)

Hay. Pero plano kong sumunod sa kanya sa amerika. I just want to surprise her. Aasikasuhin ko lang yung mga papeles.

My Teacher's Girl [Editing]Where stories live. Discover now