CHAPTER 6:

79 5 3
                                    

Chapter 6:

KINABUKASAN  maaga syang gumising. Samantalang ang kaniyang anak ay napaka-himbing ng tulog habang nakayakap sa kaniya. Agad nalamang siyang napa-ngiti dahil sa kagwapohan ng kaniyang anak na kaniyang nasisilayan ngayong umaga. Talaga ngang nag-mana ito sa ama nito. Mini version ng lalaking nakasama niya ng gabing iyon, lalaking nagbigay sa kaniya ng isang anghel, ama ng kaniyang anak.

Matapos pasadahan nang tingin ang anak ay hinalikan niya muna ito sa nuo bago bumangon sa pagkakahiga. At nilisan ang silid upang magtungo na sa baba. Kung nasaan na ngayon ang kaniyang Abuelo at Abuela na parehong busy habang nagkakape.

Busy sa cellphone ang kaniyang Abuela na naglalaro ng games na alam niyang libangan lamang nito dahil sa nabuburyo na ito sa bahay. Habang ang kaniyang Abuelo naman ay busy sa binabasang dyaryo.

Nang maramdaman ang prisensya niya ay saglit lamang siyang tinitigan nang kaniyang Abuelo at itinuon agad sa dyaryo ang atensyon. Samantalang ang kaniyang Abuela ay binitawan ang cellphone nitong hawak ng makita siya at agad na inaya palapit rito. Na agad niya namang ikinasunod habang naka-ngiti sa kaniyang Abuela.

"Apaka-ganda talaga ng Apo ko."ani nito habang tinitingnan ang kaniyang mukha at hinahaplos ang kaniyang buhok.

"Lola naman ang aga mag biro."naka-ngiti niyang ani sa sinabi ng kaniyang Abuela.

"Hindi ako nagbibiro, Apo. Namana mo ata yang kagandahan sa akin."ani nito na ikina-ngiti niya naman. "Mag tungo ka nang kusina at nang makapag-almusal ka na , Apo."ani nito.

"Sigeh po, 'la."tugon niya na lamang at agad nga siyang nagtungong kusina upang siya'y makapag-umagahan na.

Mamaya niya na gigising ang kaniyang anak dahil late din itong nakatulog kagabi dahil sa naninibago ito.

Habang siya ay kumakain ay pumasok ang kaniyang Abuelo sa dinning area kung nasaan siya.
At walang expression ang iginagawad nito sa kaniya.

"Pagnatapos kana riyan mag-asikaso kana nang sarili mo dahil aalis tayo. Kikitain ko ang kaibigan kong magpapasok saiyo sa kompanya niya. Doon ka papasok at doon ka magt-training bilang sekretarya ng CEO para aware ka na sa magiging trabaho ko kapag naging CEO kana. Tandaan mo walang special treatment kang makukuha. Pantay-pantay ang mga empleyado kaya ayosin mo ang trabaho mo."bungad na ani nito na ikina-tango niya na lamang.

Nang mapanatag ito sa kaniyang naging tugon ay umalis na 'rin ito agad. Na ikinabuntong hininga niya na lang din lamang. Napakalamig talaga ng trato sa kaniya ng kaniyang Abuelo. Alam niya na hindi ito huhupa hanggat mag mamatigas din siya , kaya kailangan niya na lamang sundin lahat ng sasabihin o habilin nito sa kaniya. Upang hindi na lalong lumalala ang galit nito.

Tinapos niya na nga ang kaniyang kinakain at agad na ring nagtungo sa kwarto nila ng kaniyang anak upang makapag-asikaso na siya ng kaniyang sarili dahil alam niyang mainipin ang kaniyang Abuelo. Walang binanggit na oras ngunit alam niyang ang mamaya nito ay pagkatapos na pagkatapos niyang kumain, ay kailangan niya nang mag-asikaso dahil aalis sila.

Nang makapag-ligo at makapag-ayos na ay agad niya na rin munang ginising ang anak upang makapagpaalam rito na siya'y aalis. Na tango lamang ang itinugon ng anak at bumalik agad sa pagkakatulog. Na ikinangiti niya na lamang dahil halata naman na puyat ang kaniyang anak.

Simpleng make-up lang ang kaniyang nilagay at isang simpleng dress lang ang kaniyang isinuot. Dahil ayaw niyang  mag-ayos masyado at dahil ayaw niya lang talaga. Alam niya ding naiinip na ang kaniyang Abuelo.

Nang makababa nga siya patungong sala ay naabutan niya ang kaniyang Abuelo na naka-business attire na mukhang pinaghandaan ang lakad nila. Wala rin ikinomento ang kaniyang Abuelo sa kaniyang kasuotan. Nang makita siya nito ay agad nang naglakad ito palabas.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now