CHAPTER 1:

147 19 21
                                    

CHAPTER 1:

MIKA

" 'Yan ang napapala mo sa padalos-dalos na desisyon!"sermon na naman nito sa'kin habang nasa labas ako ng apartment nito dala ang maleta ko.

"Jane! Anong gagawin ko?"iyak kong sabi at sabay pasok sa loob ng apartment niya at agad akong umupo sa sofa nito.

" May pasabi-sabi ka pang gagawa ka ng kwento na tiyak na papaniwalaan ka at sabi mo pa Best actress ka! So ano napala mo ngayon? Ito ang award mo bilang Best actress, ang palayasin ka sa pamamahay niyo."bulyaw niya sa'kin pero nanatili lang akong umiiyak na parang bata dahil sa nag tatampo ako sa Grandparents ko. Pano nila nagawang palayasin ako. Imbis na kampihan at pangaralan ako pinalayas ako dahil wala akong maiuwing ama ng batang dinadala ko.

"Jane naman e'. Imbis na sermonan mo ko, i-comfort mo ko."sabi ko pa habang nakalahad ang dalawa kong kamay na nag aabang ng yakap niya.

"Ulol! Mag drama ka diyan mag isa mo."sabi nito at umalis sa sala at pumunta ng kusina.

"Argeh! Lahat kayo galit sa'kin imbis na damayan ako!"reklamo ko. Agad kong pinunasan ang peke kong luha at  agad na sumunod sakaniya sa kusina. "Hindi talaga kita tunay na kaibigan, ni wala ka man lang malasakit sa'kin bilang kaibigan mo."reklamo ko sa kaniya na ikinatawa niya, na mas lalo ko lang naman ikina-busangot.

"Walang mag kukunsinte sa kagagahan mo. At ikaw nga 'tong nag lilihim sa'kin ta's ikaw pa may ganang magalit."reklamo niya rin sa'kin.

"Wala akong nililihim sayo. I'm telling to you the truth. Hindi ko talaga kilala kung sino o anong pangalan ng ama nitong batang dinadala ko."sabi ko sabay turo sa baby na nasa loob ng t'yan ko.

"Sabi mo e'."tipid niyang sabi na halatang mukhang hindi naniniwala.

"Fine! Kung hindi ka naniniwala sa'kin aalis nalang ako. Ayaw na kitang maging kaibigan!"bulyaw ko rito na ikinatawa lang lalo nito.

"Balita 'ko may pagala-galang rapist tuwing gabi. Ang ganda pa naman nang nag ngangalang Mika. Sana dagitin siya ng rapis."pananakot ng Best friend ko na ikinakaba ko. Agad niyang sinarado ang pinto ng apartment niya nang maka-labas na'ko pero agad ko naman uling kinatok ang pinto niya.

"Bess nagbibiro lang naman ako. Bati pa rin tayo! I need your help. Please! Papasokin mo ko."katok ko sa pinto nito na agad rin niyang binuksan at ang lapad ng ngiti niya.

"But one more thing before I let you in.  I have a question that you need to answer. Who's the father of that baby?"she asked.

"I don't know! I'm begging you please let me in. Makakasama sa baby ko ang mahamugan ako."sabi ko rito at nag papa-awa pa sakaniya.

"Okay you didn't answer my question so manigas ka diyan. Bukas ay laman ka na ng balita na kinuhaan ng bituka at balonbalon."pananakot niya at sinarado ulit ang pinto na agad ko ulit ikinatok rito pero hindi niya na ito binubuksan.

"Fine! Sasabihin ko n-"Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad niya nang binuksan ang pintuan at malapad ang ngisi na naka-tingin sa'kin.

" Kilala ko ang mukha niya . Gwapo siya at talaga namang pweding mag palahi sakaniya kaya sinunggaban ko na. But I promise hope you die, este hope to die na, I don't know his name. But I remember his face ang mahalaga lang naman kasi sa'kin nung mga panahon na 'yun ay ang mabigyan ng apo ang Lola at Lolo. Pero di'ko naman akalain na kailangan ko pa pala ng ihaharap na ama ng batang dinadala ko."naka-yuko 'kong paliwanag sakaniya. Na ikinabuntong hininga niya.

"S'an mo nakilala yung lalake?"

"Sa labas ng Hunter's Bar, tinulongan niya ko that time ng may mag tangkang masama sa'kin. Syempre nag panggap akong malakas ang amats ko sa alak, pero ramdam ko na mabuti siyang tao at balak niya pa nga akong dalhin sa pulis station nung time na ' yun para ata ireport ako, para ang mga pulis yung magdala sa'kin sa grandparents ko , pero agad ko na siyang sinunggaban bago pa kami umabot dun. Namalayan ko nalang kinabukasan na nasa isa na'kong hotel at wala na roon 'yung lalake. Ni wala ngang iniwang note pagkatapos ng nangyari. Ni hindi nga 'rin nag pasalamat. Iniwan nalang ako basta."irita kong sabi.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now