CHAPTER 2:

120 14 14
                                    

⚠️ WARNING ⚠️

CHAPTER 2:

THIRD PERSON

NASA kalagitnaan sila ng byahe papunta sa pulis station upang dalhin roon ang babae, para ang mga ito na ang maghatid sa babae, sa kung saan man ito nakatira dahil baka kapag nagtagal pa ay baka sa iba na niya dalhin ang babae.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, dahil sa tagal nang mag kasintahan nila ng nobya ay hindi siya nakaramdaman ng ganitong pagnanasa at kahit sa ibang babae na nakakasama o nakakasalamuha niya. Tanging itong kasama niya lang ngayon na babae ang nag bibigay sakaniya ng kakaibang pakiramdam at nag papabuhay sa pagkalalaki niya kahit wala pa naman itong ginagawa. Tanging ang kakaibang halimuyak lang nito ang tila nag papahalina at nag papawala sakaniya sa tamang wisyo.

Minumura niya ang sarili dahil wala siya sa tamang sitwasyon. Wala dapat siyang libog na nararamdaman dahil nasa dilikado nang kalagayan ang kaniyang Girlfriend.

Nasa panganib ang Girlfriend niya at ang iligtas ito ang kailangan niyang isipin. Hindi ang kahalayan na nararamdaman niya para sa babaeng Kasama niya.

BAGO pa sila naka-abot sa pulis station  ay nagmulat na ng mata si Mika. Agad napatingin si Mika sa gawi ng lalaki na nagmamaneho. Ang gwapo nitong mukha ang agad na bumungad sakaniya.

Agad niyang pinasadahan ng tingin ang lalakeng kasama niya. Nahagip ng mga mata niya ang braso nito at napansin niya ang nag uumigting na mga ugat nito habang naka-hawak sa manibela, na para bang nakakapagpa-dagdag ang mga ugat nito sa appeal ng lalake, na parang bigla siyang nag init at naka-isip ng hindi maganda sakaniyang utak ,na ano kaya ang magiging feeling habang nasa mga braso siya ng lalake habang pinapadama nito ang langit sakaniya.

Bigla siyang napakagat ng labi sa naisip. 'Mika kahalayan mo' sermon niya sa sarili. Agad niyang iniling ang ulo na parang inaalis niya ang hindi magandang iniisip.

Nang mapadako naman ang kaniyang tingin sa naka side view na mukha nang lalake. Ang magandang pagkakahulma ng panga nito ang nakapagpa agaw pansin sakaniya na bumabagay sa gwapo nitong mukha. Ang matangos na ilong nito na ang ganda ng hulma kahit naka side view. Hindi pa malinaw ang mukha niya kung gwapo ba talaga dahil hindi pa naman humaharap sakaniya ang lalake pero basi sa side view ng mukha nito ay palagay niya ay maganda ang mukha nito.

Habang ini-inspection niya ang kabuohan ng lalaki ay agad siyang napangiti dahil gwapo ang kasama niya at sure na ito na ang gusto niyang lalake ang magpapalahi sakaniya ngayong gabi.

Ito sigurong lalaki na ito ang tumulong sakaniya ng mga oras na muntikan siyang pagtangkaan ng masama ng lalaking nakasayaw niya sa loob ng Bar.

Agad nalang siyang napangiti sa kabutihan ng binata at hindi din siya nito iniwan roon ng mag isa. Dali dali niyang tinanggal ang pagkaka seat bealt sa kaniyang katawan at agad na ipinatong ang mga kamay sa hita ng lalake. Na agad naman ikinapreno nito sa pagmamaneho at agad napalingon sakaniya.

At tama nga ang kaniyang hinala na ang gwapo nga ng lalakeng kasama niya. Mali man ang kaniyang gagawin ngunit wala na siyang pake. Kailangan niyang gawin ito para mabigyan niya ng apo ang Grandparents niya at ito lang na lalaking ito ang gusto niyang bumuntis sakaniya kahit ngayon niya lang ito nakita, ay buo na agad ang desisyon niya. Agad niyang hinalikan ang lalake na biglang ikina-tuod nito dahil sa gulat nang biglang paghalik na ginawa niya. Hindi inaasahan ng lalake ang kaniyang ginawa, kaya ng matauhan ang lalake ay agad siya nitong itinulak mula sa pagkakahalik niya.

"What the f**k are you doing?! Alam kong lasing ka miss kaya 'wag kang gumawa ng ikakapahamak mo."halatado sa boses nito ang pagtitimpi. Bakas man ang galit sa tono nito pero alam niya rin na parang nag titimpi ang lalake sakaniya  na mas lalo namang ikinalakas ng loob niya.

ZANDRO MARCEZWhere stories live. Discover now