CHAPTER TWO

6 8 18
                                    

NGINGISI ngisi siyang lumabas ng kwarto.

" Number 17, completed" ani niya pa sa sarili habang natatawang uminom ng tubig.

Hating gabi na't wala pa rin siyang magawa, hindi rin siya makatulog.

Biglang tumunog ang telepono kaya wala na siyang nagawa kundi sagutin ito.

" Hello?"

" Bakla!!!!!" Nailayo niya na lamang ang telepono sa tenga nang sumigaw ang kaibigan.

" Ano?"

" Ehehehe ano nagawa kona ang number 17, how about you? " Napangisi siya. Keillian, is her best friend pangalan lang nito ang panlalaki pero hindi ang katawan. Akala daw kasi ng parents nito ay lalaki itong lalabas kaya Keillian, ang pinangalan sa kanya.

" Yeah " tipid niyang sagot. Kapag kasi pinahaba niya ay baka maabutan sila ng araw kakachika.

" Oh? What happened?"

" Wala naman, medyo cold ang kausap ko e" pagamin niya. Totoo naman kasi napaka cold nito at parang hindi man lang natakot sa mga dramang ginawa niya.

Akala niya pa naman ay mumurahin o di kaya'y pagsasabihan siya na hindi daw iyon sa kanya ganon ganyan, pero hindi bagkus ay makikipag kita pa ito sa kanya.

Napahagikgik ang kausap.

" Chika ko sayo bukas kung ano nangyari. Nakakatawa ang gago parang tanga." Natatawang pag sumbong ng kaibigan, natawa na rin siya. Nag usap pa sila saglit bago nag paalam sa isa't isa para matulog na't mapanaginipan ang kinabukasan.

" Another day, another me" nakangiti niyang sambit bago inayos ang pagkakahiga at natulog nang may ngiti sa labi.

" Good night...."

Pagkagising niya'y agad na naligo't naghain. Sa araw araw na buhay niya ay laging ganito, walang pagbabago. Gigising, kakain, trabaho, uuwi, kakain, matutulog. Walang pagbabago.

Maaga palagi ang trabaho niya kaya alas siyete pa lang at dapat andon na siya.

Mapupungay ang kanyang matang isinara ang pintuan. Agad na pumasok sa sariling sasakyan ay minaubra sa kompanyang pinagtratrabahuan.

Malayo ang kanyang tanaw at mas lalong malayo ang kanyang isip. Lagi namang ganyan, kapag kulang siya sa tulog.

" Hello?" Agad niyang bungad sa kaibigan na tumatawag.

" Shal?! Shal?! Bilisan mo jusko ka bakla andito na ang anak ng may-ari! Bakla bilisan mo fifteen minutes na lang! Bye!" Agad naman nitong pinatay ang tawag.

Ang utak niyang nasa malayo ang isip ay agad bumalik sa kasalukuyan.

Agad niyang tinabig ang silyador at pinaharurot iyon sa destinasyon.

Wala pang sampung minuto ay agad siyang nakarating sa parking lot ng kompanya at bumaba. Imbes na ang ginagawa niyang rumampa ay hindi na nagawa dahil sa pag mamadali.

Ang anak ng may-ari ang siyang bago nilang boss ngayon dahil nag retiro na ang ama nito. Alam niyang ngayon ang dating nito pero hindi pumasok sa utak niya.

" Ayy sorry po! " Malakas niyang sigaw dahil  muntikan na niyang nabunggo ang isang lalaki. Nabitawan nga nitonang dalang plastic bag na nag lalaman ng iba't ibang uri ng Canton.

Nalukot naman ang mukha niya. Kelan pa pupuwedeng mag dala ng Canton sa kompanya?

Sa isiping baka inutusan ito ng tagaluto ay pinalabas Niya na lang sa kabilang tenga ang isipin at agad na binalikan ang lalaki. Nakasuot ito ng mask kaya hindi niya mamukhaan.

Mabilis niyang dinampot at tinulugan itong pulutin ang ibang canton na nahulog sa sahig.

Ni hindi niya na pinansin ang pagtingin nito sa kanya. Masyado siyang nag mamadali.

" Sorry po ah? Pasensiya na talaga nag mamadali kasi ako. Sorry, sorry" agad niya na itong iniwan at mabilis na tumakbo kahit pa tumataginting na ang soot niyang takong.

Mabibilis ang kanyang hakbang at pagliko huwag lang mahuli.

As she enter the elevator pataas ay pumasok rin ang lalaking kanina ay nakabanggaan.

Naabotan siya? Grabe naman pala lumakad ang isang to't naabutan siyang nag tatakbo papasok ng elevator.

" Can you press the eighteenth floor?" Ani nito. Tamang tama naman na nasa palapag na iyun ang pupuntahan niya.

Ngumiti lang siya at agad na nanahimik sa gilid. Hindi napagilan ng kanyang paa na hindi ito igalaw lalo pa't parang ang tagal ng elevator dumating sa taas.

Nang bumukas ito ay agad siyang lumabas ng walang habas at dumeritso sa kanyang opisina sa loob ng CEO's office.

" Your fifteen minutes late "

Muntikan na siyang nasudsud sa lamesa dahil sa baritinong boses na iyon.

Malalaking matang tinignan niya ang nag salita. Ang kanyang matang malaki ay agad na kumipot at naging chinese, ano ba itong nasa harapan niya? At bakit ito naka upo sa kaharap na lamesa at mukhang batang nag lalaro ng kung ano sa cellphone.

" Ah-h..." natataranta siya. Mainit pa ang kanyang katawan dahil sa mabilisan niyang kilos heto naman at may mukhang batang naligaw sa opisina. She haven't seen this man before kaya hindi niya alam kung sino ito.

" Can't speak now?" Dahan dahan nitong binaba ang cellphone na hawak, sinout ang salamin at agad na tinignan siya.
" Speak, woman, your not a deaf nor mute right? Why are you fifteen minutes la—"

" She helped me." Nagpasalamat naman siya sa narinig at mukhang may irarason na nga siya rito. Ang kaba niya'y umaabot na ng santa ine at talagang hindi niya alam kung ano ang irarason niya.

Alangan naman sabihin niyang nalutang siya? Na puyat siya? Kasalanan ba nito na nalate siya, hindi naman.

Binalingan niya ng tingin ang lalaking nag salita. Halos malaglag ang panga niya nang makitang iyung lalaking nabunggo niya pala ito.

" I see.....woman?"

" S-sir?..."

" Cook that Canton for us. I'm hungry and i need energy to work. " walang pag dadalawang isip nitong sabi at iniwan sila dalawa sa labas.

Napapikit pikit naman siya. A-ano raw?

" T-teka?.." wala sa Sariling sabi niya. Ang init ng kanyang katawan ay umakyat sa kanyang ulo.

Aba sira ulo yun ah? Hindi siya chief rito secretary panong paglulutuin siya?

" I'm not a chief and i don't know h—"

" No worries, i can help you" umaliwalas naman ang kanyang utak. Buti pa tong isa mabait.

" Thank you at pasensiya na pala kanina nag mamadali kasi ako hindi ko naman—"

" Don't talk to him woman, cook now!"

Napapikit na lamang siya nang marinig ang boses na iyon.

Agad niyang kinuha ang Canton na dala ng lalaki at pumunta ng kusina ng opisina. Sadyang pinalagyan ng dati niyang Boss, ang opisina ng kusina dahil daw na kapag raw nalate na ito ng kain ay dito na lang sa opisina mag papaluto ng agahan.

Napangiti siya, unang araw pa lang pero miss na niya ang dating boss, na walang ibang ginawa kundi tumawag sa asawa nito sa bahay ay makipag landian.

Sa loob ng limang taon niyang pagtratrabaho rito ay hindi na bago sa kanya ang ginagawa ng dating boss, tulad na lang nang pagtawag nito sa asawa sa bahay para makipag harutan. Namimiss niya ang kakulitan minsan ng dating boss, na hindi niya alam kung sino ang pinagmanahan.

Napabusangot na lamang siya, wala na ang dating boss at tiyak siyang hindi na ito babalik sa trabaho. Sa edad na sityenta'y sais ay nag retiro agad ito.

Who is he? Onde as histórias ganham vida. Descobre agora